C-13

24 3 0
                                    

Nem POV.

Maaga akong nagsing ngayong araw, naglinis pa ako ng sarili ko dahil dumikt yung amoy ng pintura sa balat ko.

Pesteng yun! Kung makasaboy ng pintura. Ang mahal kaya ng isang balde non.

Nilampaso ko ang sahig at winalisan. Ilinagay ko rin sa loob ng garbage bag ang mga basura na nakuha ko mula sa paglilinis. Itinabi ko ang mga plywood na kanina ay pakalat-kalat.  Wala na din ang mga agiw at alikabok sa kisame.

Malinis na rin pati ang bintana, pati CR nalinis ko na rin.
Pati sa labas ng  kuta ko nalinis ko na din, wala na yung mga nakatambak na gamit sa gilid. Dinala ko silang lahat sa likod, yung ibang walang laman ay itinapon ko na, ang mga mapapakinabangan pa ay itinabi ko.

Namewang ako at inilibot ang tingin sa buong silid.

“Hay Salamat! At natapos din ako sa paglilinis.” Pagod na naiusal ko.

Pinagpag ko muna ang kutson na hihigaan ko, pinaandar ko din ang aircon na anduon.

Ginawa kong unan yung kanang braso ko habang ang isa naman ay nasa noo ko.

This is life! Sana magkita ulit kami ni Kuyang singkit, yung lalaking binigyan ako ng pera. Sayang at mabait pa naman yung isang yun.’

Pipikit n na sana ako para umidlip saglit ng may biglang kumatok sa pinto.

Kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan iyon ng pinto.

Pagod na tinignan ko ang mama na nasa harapan ko.

“Magandang umaga ho, ano po ang kailangan mo?.” Magalang na tanong ko.

“Adrestia, magtatangal ng trabahador si Sir Worth!.” Tarantang sabi niya.

Ang pagod na naramdaman ko ay parang bula na biglang nawala nang marinig ko ang balitang dala niya.

“Bakit daw?” mahinahong tanong ko.

“Hindi ko alam, basta sabi ni Sir dalawa lang daw iiwan niyang kasambahay dito. Kaya halikana! Baka matangal tayo.” Tarantang ani niya at hinila ako papunta sa hardin.

Pagdating naming dun ay nakita ko si Worth na may ibinibigay na mga papel Sa mga katulong nila.

“Ayan ang kabuuang sahod mo, dun ko kayo ilalagay sa bahay naming sa batanggas, gusto ko pag pumunta kami dun malinis na yun.” Istriktong sabi niya sa mga kasambahay na ang iba ay umiiyak na.

Nang matapos na siyang mamigay ay agad siyang bumaling sa gawi naming ng kasama ko. Tinignan niya ako saka ngumisi.

Agad akong natigilan dahil dun, ang simpleng ngiti niya ay nag dudulot ng kakaibang epekto sa Sistema ko, parang biglang nabuhay ang lahat ng ugat ko sa katawan. Parang kinukuryente ang mga ito, dahil lamang sa ngising iyon.

Agad akong napahawak sa puso ko na ngayon ay parang tinambol sa lakas ng pintig nito.

A-anong nangyayari sakin?’

“Oy! Tawag tayo ni sir!”
Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi ng lalaking sumundo sakin dun sa kuta ko.

Agad naman ako ng napatingin kay Worth na ngayon ay nakapamulsa habang nakataas ang kilay na nakatingin sakin.
Nilabanan ko rin ang tingin niya. Pero sa pagkakataong ito ay inobserbahan ko ang pisikal na ka anyoan niya.

Sa unang tingin, masasabi mong mabait ito, pero pag ugali na ang makita mo ubod ng sungit. Kung anong ikinagwapo niya sa labas, siya namang ikinasungit ng loob. Ayos din siya ha, matipuno ang katawan niya, bagay sa kanya ang suot niyang sando at short. At di mo talaga ma itatanging gwapo siya.’

You Are The Reason Where stories live. Discover now