Chapter 13: OKS

885K 26.7K 6.3K
                                    

Keila.


Hinatid na naman ako ni Kean gamit yong motor niya. Habang nakahinto yong stoplight, hindi ko siya naiwasang tanungin. "Bakit naisipan mong sumama sa pratice namin?"

"Gusto lang kitang bantayan." Sagot niya.

"Kay Dwayne? Hindi naman ako sasaktan ni Dwayne eh." Natawa siya bigla.

"Nagawa na nga niya eh, nasaktan niya yang puso mo." Hindi pa ako nakakasago nagsalita na naman siya. "Kumapit ka, aandar na tayo."

Hindi na ako nakapag reklamo. Kumapit na lang ako sakanya. Siguro nga msyado lang talagang protective to si Kean.

Pag dating namin sa tapat ng bahay at bago ako pumasok sa loob may binigay siya sa akin na papel. "Para san 'to?" Tanong ko.

"Ginawa ko yan para sayo."

"Para sakin? Anong meron dito?" Tanong ko ulit. "Eto ba yong ibibigay mo sakin?" Hindi niya ako sinagot pero tumango siya.

"Read it." sagot niya. Binuksan ko ang papel na binigay niya. "Kapag nagawa mo na lahat yan, masasabi mong naka move-on ka na talaga."

Sign that you've already moved on:
1. Kapag tanggap mo ng wala na talaga at hindi na magiging kayo pa.
2. Hindi na bumibilis ang tibok ng puso mo kapag malapit siya sayo.
3. Kapag nagawa mo ng maging masaya kahit na wala siya.
4. Hindi mo na naiisip ang tungkol sa inyo dati. Kapag hindi mo na siya naiisip pa.

And last but not the least, kapag binuksan mo na ang puso mo sa akin. Hindi, biro lang.

Masasabi mong nakapag move-on ka na talaga kapag kaya mo ng tumingin sa mata niya na wala ka ng kung anong nararamdaman pa.

"Seryoso ka dito?" Tanong ko pagkatapos kong basahin. "Seriously?"

"Oo seryoso ako." Seryoso nga niyang sagot. Sandali.  Natigilan ako. Slowly everything is making sense.

Ang tanong lang, kailan?

"Kailan nga kaya ako makakapag move-on? Bukas? the day after tomorrow? Next week? Next month? Next year? Sana pwedeng ngayon na." Sambit ko.

"Lahat ng bagay na worth it hindi nakukuha ng madalian, you have to earn it." Seryoso niyang sabi. "Don't rush things, Keila."

"I want to move on but I don't know how to start." Hinawakan ni Kean ang kamay ko.

"Just find your worth and you'll be able to moved on." Nakangiti niyang sabi. "Basta kapag nakapag move on ka na talaga, ang deal natin papayagan mo na akong manligaw sayo."

"Oo na."

"Goodnight, babe. Sweet dreams." Ginulo niya ang buhok ko at tumalikod siya papunta sa motor niya.

"Ingat ka." Sambit ko.

Pagpasok ko sa pintuan ng gate nagulat ako na nasa likod lang pala si Cloud af feeling ko nakikinig pa siya kanina samin.

"I'll let you be friends with Kean but promise me you'll not gonna fall for him." Seryoso niyang sabi. Agad agad, ganyan ang bungad niya sakin? Seriously? "I'm just protecting you Keila, just like what I did before." Nilagay niya yong kamay niya sa bulsa niya at naglakad siya papasok sa loob.

Ibig sabihin ba ng nangyari ngayon, magkaayos na kami ni Cloud?

Habang nakahiga ako sa kama ko, hindi ko maiwasan na mapaisip. Dapat maging masaya ako kasi ayos na kami ni Cloud at hinayaan na niya ako na maging kaibigan si Kean pero pakiramdam ko na may mali. Dahil ba sa sinabi ni Cloud na hindi ako pwedeng mahulog kay Kean? Bakit ko naman iisipin yon eh wala naman akong feelings kay Kean. Siguro sa ngayon..

Destined (Published with TV Movie adaptation)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant