Chapter 23: Ice cream

891K 25.6K 12.5K
                                    

"Keila, anak gising na, tanghali na." Unti unti kong minulat ang mata ko. Nakita ko si Mama na nakaupo sa tabi ko. "Gumising ka na anak, pupunta tayo ngayon sa hospital."

Inunat ko ang katawan ko at umupo ako. Medyo masakit pa din ang paa ko pero mas okay na siya kumapara kahapon. "Good morning Mama. Baba na lang po ako kapag okay na ako." sambit ko.

"Sigurado ka ba na hindi mo na ako kailangan?" nag aalala niyang tanong. "Baka mamaya mapaano ka pa."

"Ma, kaya ko na po ito." sagot ko. "Bababa na lang po ako kapag ready na ako. Don't worry about me."

"Sige, ikaw ang bahala." Paalis na sana si Mama pero biglang dumating si Cloud. "Hintayin na lang daw natin si Keila sa baba." Sambit niya kay Cloud pero mukhang masama ang timpla ng mukha niya.

"Hindi mo pa kayang bumaba mag isa. Wag matigas ang ulo mo, Keila. Tawagin mo ako kapag ready ka na." angal ni Cloud. Serious mode na naman siya ngayon, teka kailan ba hindi? "Maghahanda lang din ako, sasama ako sa inyo. Just call me when you're ready, Keila." Umalis siya at pumunta sa kwarto niya.

Kung may award lang sa pagiging best brother, baka nananalo na siya. Kaya mahal na mahal ko siya kahit na minsan nakakairita na ang pagiging over protective niya.

"Narinig mo ang kakambal mo, sige na anak mag handa ka na." Iniwan ako ni Mama sa kwarto ko. Ginamit ko ang saklay na binigay sakin ng doktor. Nahirapan akong maligo pero kaya ko naman.

Nagsuot lang ako ng white t-shirt at black pants. Ayoko ng pahirapan pa sila Mama kaya hanggat kaya ko pa, hindi ako humihingi ng tulong sakanila. Isa pa ayokong maging mahina, lumaki akong matapang dahil mula pagkabata, tinanim na namin ni Cloud sa isip namin na kapag naging mahina ka, ikaw lang din ang masasaktan sa huli. The odd thins is, hindi siya nag a-apply pag dating sa pag-ibig.

Kahit gaano ka katapang, masasaktan at masasaktan ka talaga kapag nagmahal ka.

Habang nag aayos ako sa harap ng salamin, naisip ko si Papa. May dinner nga pala kami mamaya, tuloy pa kaya 'yon? Excited pa naman ako na makausap siya. Ito din ang unang pagkakataon na mabubuo kami kahit na isang gabi lang. Kahit makasama lang namin siyang kumain masaya na din ako. Naisip ko kasi na hindi na dapat ako mag umasa sakanya ng malaki dahil una sa lahat, may iba din siyang pamilya at pangalawa pangalawang pamilya niya lang kami. Isa pa busy siya sa work niya kaya kahit sandaling panahon lang ang ilaan niya samin alam ko malaking bagay na 'yon.

Tinignan ko ang phone ko at may text galing kay Kean. Aba, buti nagtext na din siya. Nasa labas na kaya siya ng bahay?

From Kean:
Keila, sorry. Nagkaroon lang ng emergency kaya hindi kita masasamahan ngayon. Sorry talaga. Pupuntahan na lang kita mamaya.

Na-disappoint ako pero mas nagibabaw samin 'yong pag aalala. Ano kayang nangyari? Ayos lang kaya siya?

Tinawag ko na si Cloud para tulungan akong bumaba. Pumunta naman agad siya sa kwarto ko at inalalayan niya ako hanggang sa makasakay ako sa kotse namin.

"Hindi ba pupunta si Kean?" tanong ni Mama. "Sabi niya sasamahan niya tayo, hindi ba? May nangyari ba?" sasagot pa lang sana ako pero bigla na lang sumingit si Cloud sa usapan namin.

"Hindi ka dapat umaasa sa Kean na 'yon dahil wala siyang isang salita." nagkatinginan na lang kami ni Mama dahil sa sinabi ni Cloud. Ang lalim ng pinanghuhugutan niya. "Minsan kasi, subukan mong makinig sakin." dagdag pa niya.

"May emergency lang sakanila kaya hindi niya ako masasamahan. Cloud, bakit ba inis na inis ka pa din sakanya?" sagot ko. "Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa din makapag move-on sa nangyari sa inyo dati? Masaya na si Fiona sa iba kaya dapat ganon ka din." hindi niya ako sinagot at naging tahimik lang siya hanggang sa makarating kami sa hospital. Nag alala tuloy ako kung may nasabi ba akong ikinagalit niya. Sinabi ko lang naman ang totoo.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now