Chapter 50: The last ride

786K 21.8K 13.8K
                                    

This is the last chapter. Thank you dahil umabot kayo hanggang dito. Will post the epilogue soon.
--

Kean's point if view

"Kuya, anong sinusulat mo?" Tumingin ako kay Hailey at ngumiti ako. "Para ba yan kay ate ganda?" Lumapit siya sakin para mas lalo niyang makita 'yong letter na ginagawa ko.

"First anniversary kasi namin ni ate Keila mo kaya ito ginagawan ko siya ng love letter." Tinapos ko lang ang huling linya pagkatapos inabot ko 'yon kay Hailey. "Tingin mo ba matutuwa siya dyan?" Hindi agad siya nakasagot dahil binasa niya pa ang sulat ko.

"Ang ganda ng love letter mo kuya kaya sigurado ako magugustuhan 'to ni ate ganda." Ginulo ko ang buhok niya pagkatapos binuhat ko siya pabalik sa kama niya. "Kuya, naninibago pa din ako sa bahay natin. Grabe ang laki para akong nasa palasyo." Malaki talaga 'yong bagong bahay na binigay ng Polaris pero hindi naman talaga siya kasing laki ng isang palasyo, lumaki lang talaga si Hailey sa maliit na bahay. Kahit na dito na kami nakatira, binabalikbalikan pa din namin 'yong dati naming bahay. "Maganda dito pero mas gusto ko pa din sa dati. Tanaw mo don 'yong city at ang daming ilaw."

"Ako din Hailey mas gusto ko don pero mas makakabuti sayo kung dito tayo tumira. Malapit lang 'tong bahay sa hospital at sa work ko. Isa pa, mas maaliwalas dito at malaki ang garden para mas madaming maitanim na halaman si Tatay."

Kumatok 'yong nurse ni Hailey dala dala ang pagkain at gamot niya. "Good morning Sir Kean, good morning sa alaga ko. Breakfast time."

"May kailangan pang puntahan si kuya. Magpakabait ka dito ha. Hailey?" Tumango siya at ngumit. Bago ako tuluyang makatayo, niyakap ako ng mahigpit ni Hailey. "May problema ba, Hailey?"

"I love you kuya Kean."

"Mahal na mahal din kita Hailey."

Nang baby pa si Hailey, ang sabi sakin ni Tatay namatay daw si Nanay sa isang aksidente at hindi na nakita ang katawan niya. Naniwala ako sa sinabi ni Tatay pero nang mag labing limang taon gulang ako, nakita ko si Nanay sa isang mall na may kasamang lalaki at isang baby. Akala ko kamukha lang ni Nanay o baka namamalikmata lang ako pero nang sumunod na araw nakita ko na naman siya at tinawag siya ng lalaki gamit ang pangalan niya. Hindi ko sinabi ang lahat kay Tatay dahil naisip ko agad kung anong meron sa sitwasyon namin.

Nagtaksil si Nanay kay Tatay. May iba na asawa at anak. Alam ko hindi sinabi samin 'yon ni Tatay dahil ayaw niyang kamuhian namin si Nanay pero nagkamali si Tatay dahil galit na galit ako sa Nanay ko. Hindi lang siya nagtaksil sa tatay ko pati samin ni Hailey. Simula nang sabihin ni tatay na namatay siya hanggang ngayon hindi man lang siya nagpakita samin. Siguro talaga tinalikuran niya na kami. Hindi na din naman ako umaasa. Panigurado, kinalimutan na niya kami. Kaya simula nang malaman ko ang totoo, pinangako ko sa sarili ko na aalagaan at po-protektahan ko si Hailey at si Tatay.

"Kean?" Tinignan ako ni Carla at ang sama ng tingin niya sakin. "Are you even listening?" Sa sobrang pag iisip ko kay Keila, naging masyad na akong naging pre-occupied. "Pwede ba? Mag seryoso ka kapag kinakausap kita." Ngumiti na lang ako.

"Sorry, Carla. Wala lang akong tulog. Ano nga 'yong sinasabi mo?" Tinaasan niya lang ako ng kilay niya. Mukhang masama ata ang araw niya. "Carla, don't be so hard on me. Akala ko ba friends na tayo?"

"We're talking about business Kean. I'll give Hiromi your schedule for tomorrow. Mas okay nang siya ang mag remind, tutal hindi ka naman nakikinig sakin. Sige na, you can take your day off and you know what to do." Tumayo siya at inayos niya ang damit niya. "Don't do something stupid, okay? I need to go. Bye." Paglabas niya bumaba na din ako sa parking lot kung saan naghihitay sakin si Arkin.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now