Chapter 1: Flashback

1.8M 40.1K 18.7K
                                    



FLASHBACK -- ONE WEEK AGO.

Mahiwaga ang tadhana, minsan ang inaakala mong walang halaga ay siya palang may malaking parte sa buhay mo.

"Ganito mo dapat igalaw ang bewang mo." Bulong niya sa tainga ko habang nasa likuran ko siya. "Magaling kang sumayaw, minsan kulang ka lang sa emosyon."

Dahan dahan niyang hinawakan ang bewang ko na naging dahilan para tumaas ang mga balahibo sa katawan ko. Parang may kuryente 'yong kamay ni Dwayne. Kuryente na dumadaloy mula sa parte kung saan ka niya hinawakan papunta sa buo mong katawan. Ganito ba talaga 'yong epekto niya sa mga babae? "Relax lang." bulong niya muli sa tainga ko. "Just Relax.. Keila."

Pinikit ko ang mata ko at bumulong na lang ako sa sarili ko. Hindi ako makapag relax dahil sayo..

"Dwayne!" Sigaw ng isang babae. Napatingin agad ako sakanya at hindi ako nagkamali, si Krystal nga. Sa tinis pa lang ng boses niya na akala ko isa siyang bruha, malalaman mong siya na nga 'yon.

Nabitawan tuloy ako ni Dwayne dahil sa lakas ng boses niya. Ayan nalaglaga tuloy ako sa sahig.

Ang sakit ha, nauna ang pwet ko. Damn it.

"Akala ko ba sasamahan mo ako sa fashion show ko mamaya?" Matinis niyang sabi at agad siyang pumulupot kay Dwayne na akala mo isa siyang linta. Malanding linta. Sabagay mukha naman siyang uod eh. Nag init tuloy bigla yung ulo ko sa mga nakita ko. "Anong tinitingin tingin mo dyan?" Mataray niyang tanong sakin. Umiwas agad ako ng tingin sakanya. Tusukin ko kaya yong mata niya.

"Alis na ako." Sambit ko habang kinuha ko ang bag ko. Hindi ko na sila tinignan pa at dali dali akong umalis sa gym. Baka mas lalo akong mainis sa pwede kong makita at marinig duon. Isa pa hindi ko matiis ang pagmumukha ni Krystal. "Pakshet talaga." Bulong ko sa sarili ko.

Umupo ako sa bakanteng lamesa sa canteen. Para akong bulkan na gustong sumabog. Nakakainis talaga ang Krystal na 'yon. Kahit kailan, panira siya ng magandang moment namin ni Dwayne. Anong radar ba ang gamit niya? Ayon na 'yon eh. Moment na sana namin ni Dwayne.

Damn her and her fake boobs. "Sayang talaga. Ang lapit na namin isa isa't isa ni Dwayne eh." dismayado kong sabi.

"Keila!" Sigaw ni Jenelle. Lumapit sila sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Bungad naman ni Marion. Isa sa matalik naming kaibigan ni Jenelle. "Bakit nag sasalubong yang dalawang kilay mo?"

"Oo nga best." Singit ni Jenelle. "Hindi ba kanina ang saya saya mo kasi may one on one dance lessons kayo ni Kuya? Anong problema?"

Umupo silang dalawa sa tabi ko. "Anong problema ko? yang Krystal na yan. Siya naman ang palagi kong problema eh. Kapag napapalapit na sakin si Dwayne, sisingit siya bigla. Nakakainis. Ang sarap niya murderin dito sa utak ko." Pareho silang natawa at tumango tango sa sinabi ko. "Siya yung klase ng tao na maisip mo pa lang siya naiinis ka na!"

"High blood lang?" Sabay nilang tanong.

"Oo!" Sigaw ko. Kapag naiisip ko kasi ang mukha nang Krystal na iyon, umiinit talaga ang ulo ko. "Iinom na lang ako mamaya. Sasama ba kayo?" Tanong ko.

"May thesis akong tatapusin mamaya." Sagot ni Marion. Ano pa nga bang aasahan ko sakanya eh puro aral siya. Ang nerd niya pero gwapo naman siya. "Sorry, Keila."

Tinignan ko ang tanging pag-asa ko, si Jenelle. "Birthday ni Tatay mamaya. I can't come." Sagot niya.

"Okay, loner ako mamaya." Napabuntong hininga na kang ako at kinuha ko ang bag ko. Nag hihintay na siguro sakin si Cloud sa parking. "Jenelle, pakisabi na lang kay Tito Jeydon, Happy birthday. Alis na ako. Bye."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now