Chapter 15: Yakap

972K 28.9K 5.1K
                                    

Kean's Point of View

(For better reading please play, This isn't is by Taeyang -- nasa taas or nasa gilid yong video.)

Ang lamig ng hangin na pumapalo sa mukha ko pero baliwala lahat ng iyon dahil sa init ng yakap ni Keila sa akin. Alam ko, wala lang iyon para sakanya dahil nakayakap lang siya sa akin kasi nakasakay siya sa motor ko at wala din siyang choice kung hindi gawin yon.

Hindi ko alam pero nang nahulog ako kay Keila, nahulog ako ng malalim sakanya at ngayon hindi ko na kung paano pa ako babangon.

Nakakamangha.

Oo maganda siya at may bagay na espesyal sakaya pero hindi ko pa din alam kung bakit nga ba ako nahulog sakanya. Siguro kasi kapag kasama ko siya masaya ako at nagiging totoo ako sa sarili ko. At gusto ko palagi lang siyang nasa tabi ko.

"Kean! Malayo pa ba?! Kanina pa tayo umiikot ha!" Sigaw ni Keila mula sa likod ko.

"Malapit na!" Nakangiti kong sigaw pabalik sakanya. "Konti pa, nag eenjoy pa ako sa yakap mo." Bulong ko sa sarili ko. Damn I'm smiling like stupid. Tama ba si Keila? Nag mumukha na akong alien?

"Anong sabi mo ha?!" Sigaw ulit ni Keila. Sa bilis kasi ng takbo ng motor ko, hindi na talaga kami masyadong magkakarinigan.

"Wala! Sabi ko ang ganda mo!" Natatawa kong sabi.

"Whatever!" Kahit hindi ko siya nakikita ngayon, naiimagine ko yong mukha niya habang nag tataray siya. Gustong gusto ko kapag tinatarayan niya ako. "Ang layo naman kasi non eh! Ang tagal.." Dagdag niya.

Actually malapit lang naman talaga iyong ice cream parlor na pupuntahan namin pero umikot muna ako para masulit ko na kasama ko si Keila.

"Nandito na tayo." Sambit ko. Inalis ko ang helmet ko at inalalayan ko si Keila na makakaba. Inalis ko ang helmet niya. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa mahaba niyang buhok. Mas maganda siya kapag medyo magulo ang buhok niya. "Tadah! 24/7 silang bukas kaya mag sasawa ka ngayong gabi sa ice cream." Nakangiti kong sabi.

"Wala na akong pera! Bayaran mo ha?" Sambit niya na para bang inaasar niya ako. "Sa sobrang dami ko ng naibigay, wala ng natira sakin." Biglang sumeryoso ang mukha niya at pakiramdam ko maiiyak na siya kaya yumuko na din siya. Ang lalim naman kasi ng pinanghuhugutan niya.

Ginulo ko agad ang buhok niya. "Problema ba yon? Kung wala ng natira sayo, eto ako bibigyan kita ng kung anong meron ako."

Inangat niya yong mukha niya at nakita ko yong mga luha na dahan dahang tumutulo galing sa mata niya. Pinunasan ko agad yon at tinignan ko lang siya sa mata niya. Kung kaya ko lang kunin lahat ng sakit na meron siya ngayon, gagawin ko.

"Bakit ba ang bait bait mo sakin? Bakit ba ganito ka sakin, Kean?"

Lumapit ako sakanya. "Gusto mo ba talagang malaman?" Napalunok siya dahil sa lapit namin sa isat isa. Ngumiti ako at hinawakan ko ang pisngi niya. "Obvious naman hindi ba? Gusto kita. Gustong gusto kita." Ngumiti ako at hinila ko siya palapit sakin at ginulo ko muli yong buhok niya.

Gustong gusto kong malapit lang siya sakin para kapag kailangan niya ng tulong, nandon ako. Gusto ko ako ang unang tutulong sakanya, gusto ko ako ang unang nandyan para sakanya. "Anong flavor gusto mo?" Tanong ko pagtapat namin sa counter.

"Cookies and--" hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin niya.

"Dalawang rocky road miss yong big size." Sabi ko sa cashier. "Lagyan mo na din ng marshmallow."

"I-serve na lang po namin, Sir." Nakangiti niyang sabi. Paglingon ko kay Keila, nakatingin siya don sa cashier. "Anything pa po?"

"Ah wala na. Thank you." Sambit ko sabay hila kay Keila palayo sa counter. "Bakit nakatingin ka sakanya?" Tanong ko.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon