Chapter 3: Irony

1.2M 35.3K 6.4K
                                    

"Kean!"
"Wah! Ang gwapo mo!"
"Kean my loves!"

Tinakpan ko ang dalawang tainga ko. Nakakarindi ang sigaw ng mga babae sa canteen habang pinagkakaguluhan nila si Kean. Akala ba nila sila lang ang tao dito? Class girls, class.

"Kean, notice me please?" Pagmamakaawa pa ng isang babae na nasa harapan ni Kean. Nag salubong agad ang kilay ko sa nakita ko. What the hell?

"They're crazy! Ganyan ba sila ka desperado sa lalaking 'yon?" Pagtataray ko. "Nakakairita sila." Baka mamaya umabot na sa Mars ang pagtaas ng kilay ko. Masahol pa sila sa linta, eh.

"Don't get offended Keila pero ganyan ka din naman dati kay Dwayne, eh." Singit ni Jenelle. "Hindi mo naman sila masisisi eh. Gwapo naman kasi si Kean at sikat pa siyang bokalista." Paliwanag pa niya.

"I'm not desperate like that!" Protesta ko. "Gwapo nga si Kean pero mas gwapo pa din naman si Dwayne sakanya." Kinuha ko ang phone ko at nag browse na lang ako sa Facebook ko. Minsan ayoko ng pagiging prangka ng best friend ko. Napadaan ako sa page ng Bella Chikas at nanlaki ang mata ko sa bago nilang headline. "Totoo ba 'to?" Gulat kong sabi.

Dwayne Lopez and Krystal Arrevalo are now officially dating.

"Ano ba yan-- What the?!" Napatitig pa sa phone ko si Jenelle dahil kagaya ko hindi din siya makapaniwala sa headline. "Not that girl! I don't like her." Inis niyang sabi.

"Who likes that bitch, anyway?" Pinikit ko ang mata ko at huminga ako ng malalim. "Stress." Sambit ko.

Lahat ng emotion naghahalo na sa puso ko. Alam mo yong heart broken pa nga ako tapos siya nagpapakasaya na? Masakit ha.

"May nakaupo ba sa tabi niyo?" Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Kean. Another stress. "Paupo ako ah?" Umupo nga siya without even waiting for our reply. Masaya pa niyang nilapag ang pagkain niya sa mesa.

Pakiramdam ko lahat ng fangirls niya ay nakatingin sa direksyon namin. Nailang tuloy ako bigla. Nakakainis.

"Hindi mo man lang talaga hinintay ang sagot namin? Paano kung may nakaupo na dyan ha?" Pagtataray ko. Nagulat siya sa tanong ko at parang hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Kean, sorry ha? PMS lang yan si Keila." Sabat ni Jenelle. "Wala naman nakaupo dyan eh." Tinignan ko si Jenelle at binigyan ko siya ng 'What the hell is that for?' Face.

"Hanggang ngayon pala mabait ka pa din, Jenelle." Sambit ni Kean. Natigilan ako. Wait. Magkakilala sila?

"Do you know this guy, Jenelle?" Tanong ko.

"Uhm, yeah? He's Dwayne's ex-best friend." Alangan niyang sabi.

So, that explains everything that happened between Kean and Dwayne last week. It looks like they hate each other so much now. I wonder what happened?

"Bakit nag FO kayo ni Dwayne?" Tanong ko.

"Anong FO?" Napataas na naman ang kilay ko. Hindi ba niya alam yon?

"FO means friendship over." Paliwanag sakanya ni Jenelle. "Actually, I also want to ask you that before but Dwayne's stopping me to talk to you."

"Just tell us." Pag dedemand ko.

"May mga bagay na hindi na dapat pinaguusapan pa lalo na kapag nakaraan na kasi baka mas lalo lang gumulo yong ngayon." Seryoso niyang sabi. "Alis na ko."

Kinuha niya ang bag niya at umalis na. Hindi man lang niya naubos ang pagkain niya. Bigla tuloy akong na guilty. Kahit na inis ako sakanya naisip ko pa din na bakit ba nasobrahan ang pagiging bitchsesa ko sakanya ngayon?

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon