Chapter 18: First step

792K 25.7K 11.3K
                                    


Dwayne's point of view.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa manebela ng kotse ko. Wala na akong pakialam kung mabangga man ako. Ang alam ko lang, nasasaktan ako ngayon.

Naisip kong pumunta sa Padis. Kailangan kong uminom para mawala kahit papaano yong sakit na nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong makalimutan ang nangyari kanina dahil sa tuwing maaalala ko yon, nasasaktan lang ako.

Pumasok ako sa loob at pumunta ako sa counter para umorder ng isang bucket ng beer. Kailangan ko pang pumunta sa birthday ni Jenelle kaya hindi dapat ako masyadong magpakalasing. Ayokong madisappoint ang baby sister ko.

"Isang bucket ng san mig." binigayn ko siya ng isang libo.

"Sir, may one hundred po ba kayo?" tanong ng babae sa counter.

"Buo na yong binigay ko sayo 'di ba? buong buo na pero bakit kulang pa din?" inis kong sabi. "Saan ba ako nag kulang ha? Binigay ko naman lahat sayo ah?"

Pati ba naman dito, naiisip ko si Dana.

Literal na napanganga yong babae sa counter. Nakatingin lang siya sakin at hindi niya alam kung anong sasabihin niya. "Sir.. ka-kasi po, wala akong barya. So-sorry po."

Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko ang alak ko. "Keep the change." Agad agad akong umalis at naghanap ng table sa labas.

Sinimulan ko ng uminom. Unti unti, kahit papaano ay nawawala ang sakit pero bumabalik balik pa din siya sa tuwing maaalala ko ang mukha ni Dana na kasama si Kean. Sa lahat ba naman kasi ng lalaki na mamahalin niya, bakit best friend ko pa? Doble lang yong sakit na naramdaman ko.

Napatingin ako sa stage at nagulat ako ng makita ko si Cloud kasama ang banda niya. Hindi pala talaga siya pumunta sa birthday ni Jenelle. Pinagmasdan ko lang siya habang umiinom ako. Naalala ko yong banda namin dati, masaya kami at halos kapatid na ang turing namin sa isa't isa lalo na kaming tatlo ni Kean at ni Cloud. Nagsimula lang masira ang lahat ng yon ng mas pinili ni Fiona si Kean kay Cloud.

Akala niya inahas siya ni Kean. Tinutulungan kasi ni Kean si Cloud sa panliligaw kay Fiona pero ayon pala si Kean talaga ang gusto ni Fiona. Umalis si Cloud sa banda at kinalimutan niya na ang pagkakaibigan nila ni Kean. Bumuo siya ng sarili niyang banda at sinama niya ako don pero mas gusto kong manatili sa banda namin. Duon niya na din ako pinapili kung sino sakanila ni Kean ang pipiliin ko. Hindi niya daw kasi kayang makasama pa si Kean. Dahil mas malapit ako kay Kean, mas pinili ko siya kaysa kay Cloud. Simula nuon, hindi na niya ako tinuring na kaibigan. Pathetic.

Oo, pathetic kasi nangyari din siya sakin.

Inubos ko ang natitirang bote ng alak at tska ako pumunta sa kotse ko. Nag drive na ako papunta sa debut ni Jenelle. Hindi pwedeng hindi ako pumunta don.

Pagtingin ko ng phone ko, bumunga sakin ang mga texts ni Krystal. I almost forgot her. Pumasok ako sa loob ng venue at hinanap ko agad yong table namin ni Krystal. Ayoko munang puntahan sila Tatay dahil malalagot ako don kasi late ako.

Sa likod ni Krystal nakaupo si Keila. Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon.

I shouldn't be.

"Baby sorry I'm late." Bati ko kay Krystal. Buti na lang pala dito umupo si Krystal malapit kay Keila. "How was the party?" Tanong ko pagkatapos inakbayan ko siya.

Nilingon ko si Keila pero nakatalikod lang siya sa amin. Nag salita na yong emcee tapos tinawag niya yong 18 candles.

Isa isa silang pumunta sa harap para kay Jenelle. Tumayo si Keila mula sa likod namin papunta sa stage.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now