Chapter 7: Now I know

1.1M 34.2K 12.4K
                                    


[Now playing: Let me know by BTS]

Keila.

Binuksan ko ang pintuan ng gym. Bumungad sakin ang mga ka grupo ko at si Dwayne na seryosong nakatingin sa mga mata ko. Huminto siya sa pagsasayaw niya tska siya lumapit sakin. Bigla akong kinabahan.

"I clearly said the practice is at 3PM. What time is it, Keila?" Bossy niyang tanong. Hindi ako makatingin sakanya. "Tatanga tanga ka na lang ba dyan? Pumunta ka na don at mag practice." Isinara ko ang palad ko at ipinikit ko ang mata ko.

"Ayoko na." Tipid kong sabi.

"What?" Tanong niya. "Ulitin mo nga yong sinabi mo." Utos niya.

"Ayoko na, Dwayne." Pag uulit ko.

"Why?" mabilis na tanong ni Dwayne. "Is it because of me?" Hindi pa din ako makatingin sakanya. Kinakabahan ako ng sobra at kapag tumingin pa ako sakanya baka manlabot na lang ako bigla. "Dancing is out of our personal life. You know that, right? So why are you quitting now? Just because of what happened between us?"

Ganon na lang yon?

Natawa tuloy ako. "Madali lang sayo sabihin yan kasi hindi naman ikaw yong nasaktan eh, ako." Sambit ko. "Akala mo ba gusto kong umalis sa grupo? Pangarap ko to at alam mong pangarap ko din na makasali sa National Dancing competition pero dahil ayokong makita at makasama ka mas gugustuhin ko pang umalis na lang sa grupo." Huminga ako ng malalim. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Ilang minutong natahimik si Dwayne.

"Then stay and I'll be the one to leave the group." Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sakin. Kilala ko siya at hindi siya marunong mag biro sa mga sinasabi niya. Lahat ng sinasabi niya, kaya niyang gawin. "From now on, you'll be replacing me." Nakakatakot ang pagiging seryoso niya ngayon.

Tumalikod siya sa akin pero pinigilan ko siya.

"Why are you doing this?" Tanong ko. "Pwede mo naman akong hayaan na umalis eh. Hindi mo na kailangan na umalis pa sa grupo para sakin." sambit ko.

Lumingon siya at tinignan niya ako. Lumapit ulit siya sakin, malapit na malapit. Pakiramdam ko kinukulang ako sa hangin. Tumataas ang mga balahibo ko kapag ganito siya kalapit sakin.

"I'm not doing this for you. I'm doing this for the group because between me and you, the group needs you more." Hindi ko maiwasan na manghina sa mga seryosong tingin ni Dwayne. "Leader lang ako pero kas kailangan ka nila. Ikaw ang choreographer at ang mood maker ng group. Ako na lang ang aalis."

Bata pa lang gustong gusto nang sumayaw ni Dwayne. Pangarap din niya katulad ko na makasali sa National Dance competition. Alam ko sa aming dalawa mas napamahal na sakanya ang grupo kaya hindi ko kayang payagan na umalis siya.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Nakikipaglaro na naman sakin ang tadhana.

"Wag ka nang umalis." Sambit ko.

Tinignan niya ako ng diretso sa mata ko.

"They can't afford to lose you." Diin niya. "Kung ako lang ang problema, ako na lang ang aalis."

"Pareho nila tayong kailangan. We'll both stay." Natigilan siya sa sinabi ko pero hindi nagtagal nakita ko na ang ngiti sa mukha niya. "Ano? May problema ka ba don?" Tanong ko pa.

"Hurry up, you're thirty minutes late." Masaya niyang sabi.

Nakakapanibago na makita ko siyang ganito kasaya. Ang saya sigurong isipin na kaya niya gagawin ang pag alis ay para sakin pero hindi eh dahil ginagawa niya to para sa grupo namin.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now