Chapter 17: Ex best friend

764K 25.5K 6.7K
                                    


Dwayne's point of view

(Now playing: Love is not over - BTS)

"Tell me, kasama mo ba siya ngayon?" Tanong ko sakanya habang kausap ko siya sa phone. "Answer me, Trevor." Sinara ko ang kamay ko sa inis. Why cant he just fvcking tell me if he's with her?

"Yeah, I'm with her--"

"Where are you?!" Sigaw ko. "I need to talk to her!" Hindi ko na ma-kontrol ang sarili ko.

"Paano ang birthday ni Jenelle? She's waiting for you. C'mon Dwayne. Mas uunahin mo pa ba siya kaysa sa kapatid mo?"

"Isang taon. Isang taon kong hinintay na makausap ulit siya. Trevor, bakit mo pinagkakait sakin to? Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan 'di ba? hanggang ngayon." Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko na tumulo ang luha sa mata ko. All the fvcking pain she left me was still here. "Please.. I'm begging you."

"Dwayne.. nandito kami sa bahay nila Kean."

Natigilan ako. Natatawa ako habang umiiyak ako. Mukha akong tanga. So after this years, mahal pa din niya si Kean? Sa loob ng isang tao, si Kean pa din yong gusto niyang makita at makasama? Ano bang meron sa gagong yon at nagawa niya akong ipagpalit sakanya?

"I'll be there.."

Tinapos ko agad ang usapan namin at nagmadali akong pumunta sa kotse ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ako ni Jenelle sa gagawin ko pero kailangan ko talaga siyang makausap.

Nag park ako sa malapit sa bahay nila Kean. Gabi na kaya wala nang masyadong tao sa eskinita nila kaya kitang kita ko siya na kasama si Trevor at nakasandal sa poste sa tabi ng bahay nila Kean.

Bumaba ako ng kotse at naglakad ako papalapit sakanilang dalawa.

Sa malayo pa lang kitang kita ko na ang maganda niyang mukha. Mas mahaba ang buhok niya ngayon at kulay blonde. Mas gumanda siya pero alam ko siya pa din yong babaeng minahal ko.

Huminto ako malapit sakanila.

Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. Para bang nakakita siya ng multo. Akala ko sa puso niya lang ako pinatay, pati ba sa buhay niya pinatay na niya ako?

Wala pa man siyang sinasabi, nasasaktan na ako. Tignan pa lang niya ako na parang wala na lang ako sakanya, gusto ko ng maiyak.

"Dana.."

Pumunta ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang mukha niya. Nakatingin lang siya sakin.

"I miss you so damn much.."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Isang taon ko siyang hindi nakita. Isang taon ng paghihirap. Gusto ko siyang kausapin, gusto kong humingi ng second chance o kahit na closure sa relasyon namin dati pero pinagkait niya sakin yon. Pumunta siya ng Amerika ng hindi niya man lang sinasabi sakin. Naiwan akong luhaan at nasasaktan.

"Dwayne.. Hanggang ngayon pa din ba, hindi mo matanggap na wala na tayo?" Tanong niya at tinulak niya ako palayo pero hindi hindi ko siya hinayaang makaalis. Mas lalo ko lang siyang niyakap. "Please stop this.. I don't want to hurt you anymore."

"Do you know how many times you've hurt me? My fingers aren't enough to count it but I'm still here waiting for you to come back."

Tinulak niya ako pero ayoko pa din kumawala. "Dwayne bitawan mo ako!"

"Dana please give me a second chance.. I can still make it right. I will give you everything. Just please.."

"Tapos na tayo Dwayne. Wala na tayo. Si Kean pa din ang mahal ko hanggang ngayon."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now