Chapter 25: Realization

867K 26.5K 14.8K
                                    


Dwayne's point of view


Nanginginig pa din ang kamay ko dahil sa malakas na pagsuntok ko kay Kean. Isa siyang malaking gago. Subukan lang talaga niyang saktan si Keila, malalagot siya sa akin.

I don't want to see her crying and hurting again. I've done that stupid mistake before and I don't want anybody else do that to her, again.

Hinawakan ko na lang ang paghawak ko sa manibela. Isang oras din akong nagmaneho bago ako makauwi sa amin. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako ng bumungad sakin si Jenelle. Gabing gabi na, bakit gising pa siya?

"What's the matter?" I asked as I approached her. "Bakit gising ka pa?"

"Hinihintay kita." Sagot niya. "Palagi ka na lang gabi umuuwi, Kuya. Nag aalala na ako sayo. May problema ba? Tungkol na naman ba 'to kay Dana? Kuya 'di ba--" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya.

Ginulo ko na lang ang buhok niya. "Baby sis, okay na ako. It's not about Dana anymore. And don't worry, from now on hindi na ako magpapagabi. Siguro minsan na lang." Tumawa ako to assure her I'm fine. Hinala ko siya palapit sa akin at inakbayan ko siya. "You don't have to worry about Kuya, Jenelle. Remember, ako si Batman at ikaw naman si Cat woman? Hindi tayo basta basta nagpapatalo. Right?" Pagbibiro ko pa sakanya. "Now go to your room and sleep. Okay?"

"Okay, Kuya. Basta kapag may problema ka, sabihin mo agad sakin ha? Ayokong nakikita kang malungkot. Mahal kita kahit palagi mo akong inaasar at kahit minsan nakakasar yang ugali mo. Good night." She smiled at me before she leaves. Minsan mas mabuti na sinasarili mo na lang ang problema mo, Jenelle. I know in time maiintindihan mo ako kung bakit hindi ko ka sinabi pa sayo ang problema ko.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tatlong lata ng beer sa refrigerator namin. Dumiretso ako sa pool side at duon ako nag decide na uminom.

Sabi nga ni Tatay, kapag uminom ka diretso dapat sa tyan, wag sa utak pero hindi ko mapiglan. I want to drink to ease the pain. I want to forget how stupid I am.

"Nasakin na nga, pinakawalan ko pa. Ang tanga ko talaga." Bulong ko sa sarili ko. "I can't believe how stupid I am."

Isn't ironic how the things we do to feel alive can kill us?

Ito na ba 'yong karma ko? Tama nga siguro sila, Karma strike twice in the unexpected time and in the most unexpected situation. And it's killing me.

Hindi ko na lang siya basta ginugusto, minamahal ko na si Keila. My world is so freaking different now because of her.

"Hindi ka man lang nag aaya. Mas masarap uminom kapag may kasama." I looked at him while he's smiling at me holding his own cans of beer. "Kung ano man yang problema mo, sabihin mo lang sakin. Tatay mo ako kaya alam ko kung anong gagawin, kung hindi man, hahanap tayo ng paraan sa problema mo."

Natigilan ako. Should I really open up? Maybe yes. Habang tumatagal mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

"Tatay kasi, 'yong babaeng kamukha ni Dana, si Keila. Akala ko dati, nagustuhan ko lang siya dahil kamukha niya si Dana pero mali pala ako. She may look exactly the same as Dana but they are total opposite. The odd thing is, I did like Keila more than Dana. The hardest part now, I think I'm now in love with Keila."

"Paano mo naman nasabi na mas gusto mo nga si Keila kaysa kay Dana? Ikaw na nga ang may sabi na magkamukha sila, baka naguguluhan ka lang, anak?" Tanong ni Tatay habang inuubos niya ang unang lata ng beer na dala niya.

"Nung nakita ko si Dana na may kasamang iba, oo nasaktan ako pero nung si Keila naman ang nakitang may kasamang iba, mas doble pa 'yong naramdaman kong sakit." Ininom ko ang pangalawang lata ng beer sa harap ko. Kahit papaano, gumagaan na ang pakiramdam ko dahil nasasabi ko na 'yong problema mo, good thing kay Tatay ko pa 'yon nasabi. I know, he knows what to do. "Akala ko si Dana pa din 'yong ginugusto at minamahal ko pero all along si Keila na pala yon. It was her all along. Pwede pala 'yon noh, Tay? Akala mo siya 'yong mahal mo pero iba naman pala talaga."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now