Chapter 14: Step one

863K 27.2K 8.6K
                                    

Keila.

Nakakainis talaga to si Kean. Bigla na lang siyang hindi makakapunta sa debut ni Jenelle. Ayan tuloy wala akong kasama ngayon. Late dadating si Trevor tapos si Marion naman partner ni Jenelle. Bukod kasi sa ayaw ni Cloud na maging partner ni Jenelle, ayaw din ng tatay niya na may ibang partner yong anak niya bukod kay Marion. Ngayon loner ako. Hindi tuloy ako mapakali na mag isa ako dito sa table. Kapag nakita ko si Kean, humanda talaga siya sakin.

"Ang sweet talaga sakin ni Dwayne." Nanlaki agad yong tainga ko nung marinig ko yong pangalan ni Dwayne tska yong matinis na boses ni Krystal. Sa lahat ba naman ng uupuan ko sa likod pa ng babaeng to. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? "Alam mo ba, ilang years na siyang hindi nag du-drums? Simula ng iwan siya ng Dana na yon. At alam mo ba ang nakakakilig pa non.."

Napahinto siya sa pagsasalita niya kaya napalingon ako. Nagulat ako kasi nakatingin din pala siya sakin at nakangiti pa siya. Parang inaasar pa talaga niya ako eh. Gusto niya ata talagang marinig ko yong sasabihin niya. Kaya pala talbog pa ng boses niya yong lakas ng music.

"Tska lang daw siya tutugtog ulit ng drums kapag nakapag move-on na daw talaga siya kay Dana at kapag may nagugustuhan na siyang babae. At ako yon." Ngiting tagumpay niyang sabi. "I'm so lucky right?" Tanong niya kay Stephanie yong bff niya pero sakin siya nakatingin. Nang aasar talaga eh.

"Ang swerte mo nga, Krystal. Biruin mo, sa dami ng dumaan na babae kay Dwayne, ikaw ang nagustuhan niya. Ang ganda mo!" Sabi ni Stephanie. Tumalikod na lang agad ako sakanila. Sige siya na talaga. Ang ganda niya eh. Malapit ko na nga putulin yong buntot este buhok niya sa haba.

Talo talaga ng malandi ang maganda. Yeah, whatever.

"Good evening everyone." Singit ni Tito Jeydon. "Thank you so much for coming tonight. I hope you will all enjoy Jenelle's 18th birthday." Nagpalakpakan kaming lahat. Ang gwapo pa din ng tatay ni Jenelle, hindi halatang 45 years old na siya. Sakanya talaga nag mana si Dwayne eh pero feeling ko naman hindi siya play boy, bad boy lang daw sabi ni Jenelle.

Ano ba yan, naisip ko naman si Dwayne.

Lumabas na din si Jenelle at kahit ako napanganga. Ang ganda ganda niya. Ayan ba yong babaeng inayawan ni Cloud? Nako ang choosy niya talaga, sigurado ako kung nakikiya niya ngayon si Jenelle magsisisi siya. Sabagay mas bagay naman si Marion at Jenelle eh. Gwapo din naman si Marion.

Kumpleto sa harap yong pamilya Lopez maliban kay Dwayne. Nasan kaya siya?

"Hey Keila!" Bati ni Trevor sabay akbay sakin. "Sorry I'm late." Sabi niya habang hingal na hingal siya. Saan kaya siya galing?

Nagpakita ng presentation sa harap. Mga pictures nila Jenelle at Dwayne pati si Marion at Trevor yong pinakita tska yong pinsan nila si Kuya Skie tska yong kapatid niya si Kiro. Ang cute nila tignan lalo na si Dwayne ang taba niya. Natawa tuloy ako.

"Baka matunaw si Dwayne ha." Bulong ni Trevor. Sinamaan ko nga siya ng tingin. "I'm just kidding. I know you're over him, right?"

Hindi ko siya nasagot kasi sa totoo lang hindi ko din alam kung I'm really over Dwayne eh palagi ko pa din siyang naiisip. Kailangan ko siguro munang makumpleto yong listahan na binigay sakin ni Kean.

Nag bigay ng speech si Jenelle pati parents niya tapos may banda na kumanta.

Habang nag lilibot yong mata ko sa paligid nakita ko si Dwayne na papunta sa pwesto namin. Nagkatama nga yong mata namin eh pero dedma lang siya. Sabagay, wala naman akong halaga sakanya eh.

Oo na bitter na ako. Being bitter is being better naman eh. At least sinasampal ko sa mukha ko ang totoo.

"Baby sorry I'm late." Bati niya kay Krystal. Wow baby daw. Mukha bang baby yan si Krystal? Eh mukha na yang gurang eh. Natawa tuloy ako. Being bitter is better pero hindi naman talaga mukhang baby face si Krystal eh. "How was the party?" Tanong ni Dwayne.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now