Chapter 11: Halaga

1M 29.2K 7.4K
                                    


Keila.

Lumapit si Kean kay Cloud. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mangyayaring hindi maganda.

"Ano bang problema mo, Cloud ha? Ang tagal tagal na--" hindi na pinatapos ni Cloud yong sasabihin ni Kean. Sinuntok niya na lang agad si Kean kaya napahiga siya sa sahig.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pang aahas sakin." Sambit ni Kean.

Kinuha niya yong kwelyo ng damit ni Kean kaya umawat na agad ako sakanila pero hindi ako pinapansin ni Cloud.

"Anong balak mo ha? Bakit lumalapit ka sa kapatid ko? Katulad ka din ba ni Dwayne? Gago ka kung ganon. Tandaan mo na hindi ko hahayaan na saktan mo din si Keila." Seryoso niyang sabi.

"Cloud tama na!" Pag aaway ko sakanila.

Binitawan naman ni Cloud si Kean. "Kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha ang gusto mo sa kapatid ko."

Lumapit agad ako kay Kean pagkatapos tinulungan ko siya na makatayo. Kinuha ni Cloud ang kamay ko at inilayo niya ako kay Kean.

"Tigilan mo na yan, tara na mag uusap pa tayo." Hinihila niya pa ako palayo pero hindi ako umaalis sa kinakatayuan ko.

Inalis ko ang kamay ko at tinignan ko siya ng masama. Hindi na tama yong ginagawa niya.

"Cloud, ano ba kasing problema mo kay Kean? Mabait naman siya eh at tinutulungan niya ako na makalimutan si Dwayne. Isa pa, labas na ako sa problema niyo dati kaya pwede ba? Hayaan mo na ako. Malaki na ako."

Natigilan siya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Alam kong nasaktan ko siya pero mali na yong ginagawa niya. Wala namang ginagawang masama sakin si Kean at isa pa napaka bait niya.

"Bahala ka. Sige, malaki ka na 'di ba? Basta kapag nasaktan ka ulit, wag mong sabihin na hindi kita pinagsabihan."

Tumalikod siya at tuluyan ng umalis. Nasasaktan din naman na makita siya ganito pero minsan sumusobra na siya.

Nilapitan ko agad si Kean.

"Ayos ka lang?" Tumango lang siya pero patuloy pa din yong pag-agos ng dugo sa labi niya. Nanginig ako bigla. Ayokong makakita ng dugo. Umiwas ako ng tingin pagkatapos hinila ko siya papunta sa clinic. "Hihintayin kita sa labas." Sambit ko.

Nagtataka siya sa inaasal ko pero pumasok na din siya sa loob. Ilang minuto din akong nag hintay sa labas at pagkatapos ng sampung minuto, lumabas na din siya.

"Samahan mo ako." Bungad niya sakin.

"Saan?" Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang siya sakin. "Saan naman kaya kami pupunta?" Bulong ko sa sarili ko.

Huminto kami sa tapat ng Dairy Queen. Ice cream? Kakain siya ng ice cream eh may sugat pa nga siya sa labi niya. Ano bang pumasok sa isip niya?

"Kain tayo ng ice cream." Hindi na niya hinintay yong sagot ko hinila na lang niya ako papasok sa loob. "Cookies and cream?" Tanong niya at tumango na lang ako. Pagbibigyan ko na siya tutal siya naman yong nabugbog samin eh.

Nilapag niya yong dalawang malaking ice cream sa mesa namin. Napatingin ako sakanya, sa labi niya. "Sorry talaga sa ginawa ni Cloud." Sambit ko. 

Kitang kita sa labi niya yong sugat. Naaawa tuloy ako kay Kean. Napahamak na naman siya ng dahil sa akin.

"Sigurado ka bang kakain ka ng ice cream? Baka masaktan lalo yang sugat mo."

"Malayo naman to sa bituka kaya ayos lang ako. Kapag nabubugbog ako, kumakain talaga ako ng ice cream." Sambit niya.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now