Chapter 4: Revelation

1.3M 37.8K 13.6K
                                    

Keila.

"Nakakatawa noh? Nung inaaya kita dito sa Padis dati, hindi ka pwede. Ngayong gusto mong pumunta dito, wala naman ako sa mood. Nangaasar ka ba Jenelle?" Irita kong tanong. Tinignan ko siya at parang hindi niya ako narinig dahil busy pa din siya sa kakatingin sa stage. "Earth to Jenelle!" Sigaw ko.

"Ha?" Inosente pa niyang tanong. Wala ngang narinig ang gaga. "Sorry besty. May inaabangan kasi ako sa stage."

"Hindi mo na kailangang sabihin, alam ko naman kung sino eh. 'Yong kakambal ko?" Natatawa ko pang sabi. "Ang sungit at cold naman niyan ni Cloud kaya hindi ko maintindihan kung bakit patay na patay ka sakanya."

"Gusto ko kasi 'yong ganon eh, 'yong misteryoso. Isa pa, gustong gusto kong tinititigan ang mukha niya." Sambit niya habang nakatingin pa din siya sa stage.

"Ipapaalala ko lang sayo na kakambal ko si Cloud. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha namin?" Pang aasar ko.

"Besty magkaiba naman 'yon eh." Pagmamaktol pa niya. "Ang tagal naman nila Cloud." Inip na inip niyang sabi.

"Kaya pala hindi mo mapansin si Marion kasi si Cloud lang nakikita mo." Bulong ko. "Kawawang Marion, 'yong gusto niya ay may gusto namang iba. Parang ako lang din pala."

"Ano 'yon, besty?" Tanong ni Jenelle.

"Sabi ko bakit hindi mo sinama si Marion dito?"

"May lakad daw kasi sila ng Mommy niya. Lately nga parang umiiwas na siya sakin. Hindi ko nga alam kung anong problema non eh." Walang malay niya sabi. Manhid niya din kasi eh tapos eto namang si Marion ang torpe. Ang sarap nila pag-untugin eh. "Wait, kakanta na 'yong banda nila Cloud!" Sigaw niya.

Pinagmasdan ko lang habang nagpapantasya si Jenelle sa kakamabal ko. Bakit kaya ako nakakaramdam ng awkwardness?

Natigilan ako nang mapatingin ako sa harap namin sa bandang kanan. Umiinit na naman 'yong dugo ko. Sa lahat ba naman ng makikita ko, si Dwayne at Krystal pa? Sobrang liit nga naman ng mundo namin o sadyang gusto lang talaga akong asarin ng lintek na tadhana na 'to. Damn you, destiny.

"Keila, bakit nag sasalubong yang kilay mo ha?" Itinuro ko kay Jenelle ang pwesto nila Dwayne. "Oh my, hindi ko alam na nandito silang dalawa." Tinignan niya ako at sa tingin pa lang niya ay nag so-sorry na siya sa akin sa pagdala niya sakin dito.

"Hayaan mo na." Kahit wala ako sa mood na uminom ay kinuha ko ang beer sa harap ko at uminom ako. "Sasanayin ko na lang 'yong sarili ko na masaktan palagi baka sakaling maging immune na sa sakit 'tong tanga kong puso."

Pinagmasdan ko na lang si Dwayne at Krystal at mukha naman silang masaya. Ganyan din naman kasaya si Dwayne dati nung magkasama kami pero bakit mas pinili niyang sumama sa Krystal na 'yon? Ayoko naman ikumpara ang sarili ko sakanya dahil alam kong wala din 'yong magagawa dahil sakanya pa din naman napunta 'yong taong mahal ko.

Damn that bitch. If I can just kill her twice, I will with all the please.

"Keila!" Bati sakin ni Cloud at umupo siya sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko wala ka sa mood na pumunta dito?" Tanong niya.

"Inaya kasi ako dito ni Jenelle." napatingin kaming dalawa ni Cloud sakanya. Kitang kita ko kahit sa malayo ang pamumula ng best friend ko.

"Hi Cloud." Kinikilig pa niyang sabi. "Ang ganda ng pagkakakanta mo ng Lips of an Angel." Dagdag pa niya.

"Thanks." Tipid na sabi ng kakambal ko. Napaka cold talaga niya. Ibinalik agad niya ang tingin niya sakin habang ako nakatingin kay Jenelle. Ramdam ko 'yong lungkot na nararamdaman ni Jenelle ngayon dahil sa ganitong treatment sakanya ni Cloud. "Finish your drink and we'll go home." Sabi niya. Nagiging bossy na naman siya sakin.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon