Chapter 48: Save her

644K 19.8K 4.9K
                                    

Kean's point of view

(Now Playing: I won't give up - Jason Mraz)

"Tay, asan si Hailey?" Sa sobrabg kaba ko hanggang ngayon, sobrang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Hailey. "Anong nangyari?" Nilalabanan ko ang pag-iyak ko. Ayokong umiyak sa harap ni Tatay. Kailangan ako 'yong maging matatag para sa amin.

Huminga siya ng malalim. "Kailangan na daw niya ng surgery, kailangan nilang tanggalin 'yong ilang tumor cells niya. Nasa operating room siya."

Sinara ko ang kamay ko. Sana ako na lang 'yong nandon sa operating room, sana ako na lang ang may sakit at hindi si Hailey. Ang bata pa niya para pagdaanan lahat ng ito. "Pumayag sila na operahan siya kahit na wala tayong binigay na pera?" Tanong ko.

"Nakausap ko si Mr. Song, siya na daw ang bahala don pero kailangan natin mag bigay sa loob ng isang linggo." Kahit paano, nakahinga ako ng maluwag. "Anak, kakausapin ko 'yong boss ko kung pwede akong mangheram sakanya ng pera."

Naisip ko na naman 'yong boss niya na walang ubod ng sama. Hindi ko hahayaan si Tatay na bumalik pa don. "Wag na tay, ako na po ang bahala sa lahat. Paki bantayan na lang po si Hailey." Hinawakan ni Tatay ang balikat ko.

"Salamat anak," hindi na niya naiwasan na maiyak. Isa 'to sa mga bagay na ayokong makita dahil nadudurog ang puso ko tuwing nakikita kong umiiyak o nasasaktan ang taong mahal ko. "Patawarin mo ako anak kung napaka walang kwenta kong tatay sa inyo ni Hailey. Gusto kong makatulong pero--"

"Tay, wag niyong sabihin yan. Alam ko lahat ginagawa niyo para sa amin ni Hailey at sapat na 'yon. Binuhay niyo kami na mag isa at duon pa lang, napatunayan niyo nang napakabuti niyong ama sa amin." Niyakap ako ni Tatay. Lahat naman ng sinabi ko totoo, wala kami dito kung hindi dahil sakanya. "Gagawa po ako ng paraan."

Humarap ako kay Keila. "Dito ka ka lang muna, maghahanap lang ako ng pera," Nakikita ko sa mata niya na gusto niyang sumama sa akin at gusto niyang tumulong pero pinigilan ko siya. "Hayaan mo na ako Keila. Ikaw na ang gumawa ng paraan dati kaya ngayon ako naman. Magtiwala ka sakin." Tumango lang siya at niyakap niya ako. Nang makita ko siya agad kong pinahid ang mga luha sa gilid ng mata niya.

"Basta kung kailangan mo na ako, tumawag ka sakin ha?" Sambit niya. Tumango ako kahit na wala akong balak na tawagan siya dahil ayoko na siyang mag alala pa sa problema ko. Hiyang hiya na ako kay Keila. "Ingat ka."

Pumunta ako sa accounting para tignan kung magkano ba ang kailangan namin bayaran, one hundred fifty thousand na 'yong running bill namin. Basta makakuha ako ng kalahati okay na, babayaran ko na lang pa unti unti 'yong iba.

Nagmadali akong pumunta sa main office namin. Nandon ang general manager namin at alam ko na matutulungan niya ako. Sa ganitong panahon dapat lahat ng pride na meron ka, lulunukin mo na pero hindi ko magawang heraman ng pera ulit sila Keila dahil may utang pa ako sakanila. Alam ko makakahanap pa ako ng iba paraan.

Pagdating ko sa office, saktong nandon si Mrs. Ong. Pinapasok naman agad ako ng secretary niya.

"Kean, anong ginagawa mo dito?" Tinuro niya ang upuan sa harapan niya. "Maupo ka." Utos niya.

Umupo ako pagkatapos tinignan ko siya. Mukhang naiinip na siya. "Mrs. Ong, hindi na po ako magpapaligoy pa. Nandito po ako para sana humeram ng pera. One hundred thousand po to be exact. Kunin niyo na lang sa sahod ko at lagyan niyo na lang po ng interes."

Tumaas ang kilay niya. "Wow, hindi ba newly promoted ka pa lang? And then you're asking me this? Ito na nga ba 'yong sinasabi ko kay Mr. Lim, dapat pinagisipan niya muna ng mabuti bago ka i-promote." Ngumisi siya sa akin na parang bang minamata niya ako.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now