Chapter 46: Finals

627K 20.4K 5.5K
                                    

Keila's point of view.

Maaga pa lang sinundo na ako ni Kean sa bahay namin. Parehong maaga ang practice namin kasi ngayon 'yong finals night naming dalawa. Mas lalo akong kinakabahan sa mga pwedeng mangyari pero hindi ko pwedeng dalhin 'to hanggang mamaya. Hindi kami pwedeng matalo dahil lang sakin.

"Good luck babe," sambit ni Kean. Nandito na kami sa school. "Kapag maaga kaming natapos, dadaanan kita dito. Sana nga maabutan pa kitang sumasayaw sa stage." Nakangiti sakin si Kean na para bang wala siyang inaalala. May tiwala naman ako sakanya eh. Alam kong ipapanalo niya 'yong music laban para sa pamilya niya at para sa amin.

Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. Niyakap ko ng mahigpit si Kean. Wala pa mang resulta ay kinakabahan na ako. Ayokong mawala sakin si Kean. Ngayon pa lang ako nagmahal nang ganito sa buong buhay ko kaya ayoko ng mawala pa si Kean sakin. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko kayang makulong siya at mahirapan. "Babe, may problema ba?" Tanong niya.

"Gusto lang kitang yakapin." Sagot ko.

Nilayo niya ako para maiharap niya ako sakanya. Ayokong umiyak sa harapan ni Kean. Ayokong mag alala siya sakin lalo na mamaya na 'yong music laban. "Alam ko nag aalala ka na baka matalo kami mamaya. Kung mangyayari man 'yon, wag kang mag alala. Hindi ako pipirma sa conract, hindi kita isusuko, ipaglalaban kita. Sanay na akong mahirapan Keila pero hindi ko kakayanin kapag mawala ka sakin." Lumapit siya at niyakap niya ako. Kahit papaano, gumaan 'yong loob ko. Dapat kong ipaglaban si Kean katulad nang ginagawa niya para sakin.

"Mahal na mahal kita.. Kean." Ngumiti ako at pinisil ko ang pisngi niya. "Kaya mo yan babe!"

"Para sayo, kakayanin ko."

Umalis na si Kean. Hindi niya pwedeng itago sakin na kahit siya, kinakabahan. Sana lang talaga manalo sila.

"Besty!" May yumakap sakin mula sa likod at hindi ko pa man siya nakikita alam kong si Jenelle 'yon. "Good luck mamaya ha? Hindi kita mapapanuod, sa Music Laban kasi ako pupunta eh. Sorry na ha? Alam ko, ayaw sakin ni Cloud at pinagtatabuyan niya ako pero gusto ko pa din siyang suportahan mamaya." Tinignan ko na lang si Jenelle. Bakit ba ang martyr niya? Sabagay, naging ganyan din naman pala ako dati kay Dwayne.

"Hindi ka na naman magpapaawat eh. I cheer mo din sila Kean para sakin, okay?" Sagot ko.

"Ay oo nga pala! Sige! Thanks besty! I love you! Sige na! Aalis na ako!" Niyakap niya ulit ako at bigla bigla na lang siyang umalis. Sobrang hyper ngayon ni Jenelle.

Nung isang araw lang sobrang broken hearted niya tapos ngayon ang sigla sigla na niya. Saan kaya niya nakukuha 'yong energy niya na 'yon?

Dumiretso na lang ako sa gym. Buti na lang dito na sa school gaganapin 'yong finals kaya hindi hassle sa grupo namin. Nandon na silang lahat at nag re-ready.

"Okay ka na ba?" Bungad sakin ni Dwayne. "I hope you're okay now."

"Wag ka mag alala, hindi ko hahayaan na matalo ang group dahil sakin." I tried to smile but it all fades ng hawakan ni Dwayne 'yong kamay ko. "Why?"

"It's not just about the competition. You're still a friend to me that's why I still care for you." Inalis ko agad 'yong kamay niya. Papaparating na din 'yong girlfriend niya at ayoko nang gulo. "Keila--"

"Hi boo!" Sigaw ni Leona. "What's up with you and Keila?"

Mukhang nagulat si Dwayne. Hindi ba niya inaasahan 'yong pagdating ng girlfriend niya? "Hi boo. We're just talking about the finals later."

Sobrang sama ng tingin sakin ni Leona. As if aagawin ko sakanya si Dwayne. Hindi ko ma gets kung bakit may mga tao na sobrang seloso. Wala ba silang tiwala sa karelasyon nila? "Oh okay. I baked a cake for you. C'mon let's eat?" Pumulupot siya kay Dwayne na para siyang linta. Kung pwede lang akong gumawa ng malaking banner na "hindi ko aagawin ang boyfriend mo" ilalagay ko 'yon sa ulo ko.

Destined (Published with TV Movie adaptation)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें