Chapter 16: Step two

877K 27.7K 8.8K
                                    


Keila's point of view.

Nasa second floor ang bahay nila Kean at may malaking veranda kang madadaan bago ka makapasok sa mismong bahay nila. Parang bahay sa mga koreanovelang napapanuod ko. Ang daming bulaklak sa veranda nila lalo na ang mga orchids. Ang dami ding christmas lights dito. Ang sarap nila tignan. Parang ang sarap tumira dito.

"Mahilig talaga kayo sa bulaklak?" Tanong ko. "Ang gaganda nila."

"Hardinero kasi si Tatay kaya ganito ang bahay namin." Nakangiti niyang sabi sakin. "Hailey! Tatay! Nandito na po ako!" Sigaw niya.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila at may batang babae na dali daling pumunta sa harap ko. Kamukhang kamukha siya ni Kean. Nakatingin lang siya sakin. "Ate? Kanina nandito ka lang ha kasama mo si Kuya Kean at Kuya Pogi? Bumalik ka ulit?" Tanong niya. Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinignan ko si Kean.

"Hailey," sabi niya sabay hila sakanya. "Hindi siya yon. Siya nga pala si Ate Keila, ang ganda noh?" Nakangisi niyang sabi. Hindi ko maiwasan na mailang. Nakakahiya kasi. "Keila, nakababata kong kapatid si Hailey."

"Akala ko.." Sagot niya pero hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya. "Pero alam mo Ate Keila? Mas maganda ka sakanya. Pwede ba tayong maging mag kaibigan?" Tanong niya at inabot niya sakin ang kamay niya.

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa mga una niyang sinabi pero inabot ko na lang din ang kamay ko. "Oo pwedeng pwede, Hailey."

"Talaga? Yehey!" Tumalon talon siya at niyakap niya ako. "Friends na tayo ha? Ate."

"Hailey, wag mong guluhin ang bisita ng Kuya mo." Singit ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali, tatay siya ni Kean. "Good evening Ija, ako pala si Kendrick, ang tatay ni Kean. Kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain muna samin?"

"Wag na po nakakahiya naman."

"Masarap ang ulam namin, sige ikaw din. Isa pa, si Kean ang nagluto niyan." Sabi niya.

"Oo nga Ate ganda, kapag si Kuya Kean ang nagluto siguradong masarap. Kain ka na!" Pagpipilit ni Hailey. Tatanggi na sana ako kaso saktong nakaramdam ako ng gutom.

"Okay sige." Sagot ko.

Masaya akong hinila ni Hailey sa loob ng bahay nila. Maganda sa loob at punong puno ng family pictures nila. Madami ding bulaklak kahit sa loob. Sa gilid ng bahay nila bago makapunta sa kusina, may nakita akong mga gamot. Parehong gamot na nakita kong ginagamit ng tatay ni Jenelle dati. Kanino kaya yon?

Pagdating namin sa kusina, ang daming pagkain na nakahain. Mukha pa siyang masarap. Si Kean talaga ang nagluto nito?

Umupo ako at kumuha ng pagkain. Nagulat ako kasi masarap talaga ang luto ni Kean. Halos maubos ko na ang pagkain. Nakatingin lang sila sakin habang kumakain ako. Nakakahiya nga eh.

"Ate ganda, girlfriend ka po ba ni kuya?" Tanong ni Hailey. "Bagay kayo."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kean. Pareho kaming natawa. "Hailey, hindi ko siya girlfriend." Sambit ni Kean.

"Hindi mo ba siya liligawan Kuya?" Tanong niya.

"May tamang panahon para don, Hailey." Nakangiting sabi ni Kean. "Mabuti pa matulog ka na at gabi na."

"Sige na nga. Good night ate ganda!" Paalam niya. "Sana ikaw na lang ang girlfriend ni Kuya para hindi na siya nasasaktan."

"Hailey, matulog na tayo. Halikana." Aya sakanya ni Tito Kendrick. "Keila, maiwan na namin kayo ni Kean."

"Sige po, good night Hailey!" Sambit ko. Pumasok silang dalawa sa kwarto. Tinignan ko ang lamesa at halos naubos na ang pagkain. Ang takaw ko. "Ako na ang maghuhugas ng plato." Sambit ko. Nang kukunin ko na yong mga plato kinuha bigla ni Kean ang kamay ko.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now