Chapter 42: Contract

647K 20.1K 7.1K
                                    


Keila's point of view

"Anong kailangan mo sakin?" Deretso kong tanong. Umupo siya sa harap ko. "Anong pag uusapan natin?" Ngumiti siya habang nakatingin sakin. Sa mukha niya mukhang mas matanda lang siya ng tatlong taon sakin.

"Keila, may utang na two hundred thousand sa Polaris si Kean. Let's be honest, hindi kayang bayaran ni Kean 'yong ganon kalaking halaga, idagdag mo pa 'yong gastos niya sa kapatid niya," panimula niya. Hindi ko gusto kung saan man papunta ang usapan na 'to. "Alam mo naman siguro na may sakit ang kapatid ni Kean at kailangan niya ng malaking pera."

Hindi ko maiwasan na mainis sakanya dahil sa pagdamay niya kay Hailey sa usapan. "Pwede bang deretsohin mo na lang ako? Ano ba talaga ang kailangan mo sakin?"

Ngumisi siya sakin na mas nagpainis sakin lalo. "I want you to break up with Kean."

Natigilan ako sa sinabi niya. Gusto niyang makipag hiwalay ako kay Kean? Natawa tuloy ako. "Ano yan joke?"

"Seryoso ako Keila. Gusto kitang kausapin para makipaghiwalay kay Kean." Nagbago na 'yong itsura niya. Nawala na ang mga ngisi niya at napaka seryoso na niya. "Gustong kunin ng Polaris si Kean bilang new artist nito. We already have the contract at pirma na lang ang kailangan ni Kean. The contract is worth one million pesos at sa amount na 'yon, bayad na si Kean sa utang niya sa amin at magkakaroon pa siya ng pera para sa pagpapagamot ng kapatid niya. Magiging artista si Kean at mas madami pa siyang kikitaing pera. Keila, this is a big opportunity for Kean." Isang minuto ko din prinoseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Tama siya, malaking opportunity 'to para kay Kean at nakakapanghinayang kung hindi niya 'to kukunin.

Sandali, anong kinalaman nito sakin? Bakit ko kailangang makipaghiwalay kay Kean? Tumaas ang kilay ko. "Hindi ko pa din maintindihan." Sambit ko.

"Keila, kailangan single si Kean kapag pinirmahan niya ang contract na 'to. That's the reason why I'm asking you to break up with him."

"Why? Anong kinalaman ng relasyon namin sa contract na yan?"

"First, he can't have any distractions and we're considering you as one of it. Second, we will pair him with another artist. Magkakaroon si Kean ng love team, that's how the industry work nowadays. Kailangan may love team ka para mas mabilis ka sumikat. And people will not route for the love team kung merong ka relasyon si Kean. Did you get it?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Tama naman si Carla, hindi pwedeng magkaroon ng distractions si Kean at lalo na sa love team nila. Naiintindihan ko na kung bakit gusto niyang makipag hiwalay ako kay Kean. "I get you point, Carla."

"Good, hindi ka naman pala mahirap kausap." Nakangiti niyang sabi. "So, are you breaking up with him?"

"No." Seryoso kong sabi. "Hindi ko basta basta isusuko ang relasyon namin ni Kean. We can hide out relationship, hindi naman mahirap 'yon. Pipilitin kong wag maging distraction kay Kean."

"You still don't know this industry, Keila. Walang nakakalusot sa media. Malalaman at malalaman nila ang tungkol sa inyo ni Kean. Trust me on that. At kapag nalaman ng tao na may girlfriend pala si Kean, i ro-route pa ba nila si Kean at 'yong ka love team niya? Hindi na. Lalabas pang sinungaling si Kean and people don't like that. That will be the end of his career. And we will not invest a large amount of money para lang sa wala. At the end of the day it's still business. Kailangan namin makasigurado na babalik samin 'yong pera na nilabas namin."

Hindi ako nakasagot. I get her point. Tama naman siya eh, mas maganda kung single si Kean kung papasok siya sa showbiz. Mas madaming opportunity sakanya at wala siyang kahit anong distractions pero.. hindi ko kayang iwan si Kean. Mahal na mahal ko siya at ayokong maghiwalay kami. Sa puntong 'yon hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon