Chapter 22: Pagsuyo (Part 2)

807K 27.6K 7.3K
                                    

(Now Playing: Just one day - BTS)

It's been three days. Three days na hindi pumapasok si Kean at three na hindi ko siya nakikita. Sa loob ng tatlong araw na 'yon, pakiramdam ko palaging may kulang. Walang bumabanat sakin ng mga pick up lines sa umaga, walang sumusundo sakin kada umaga sa bahay at walang nag liligtas sakin kapag napapahamak ako. Walang alien na nangungulit at nagpapatawa sakin. Nakakapanibago pala talaga.

Tulala lang akong nakatingin sa bintana ng room namin. Lumulutang yong utak ko. Una dahil kay Kean at pangalawa dahil sa Papa ko. Nag set si Mama ng family dinner para sa aming apat sa bahay bukas ng gabi. Siguro ng panahon na para harapin ko siya. After all, tatay ko pa din siya at kailangan ko pa din siyang bigyan ng chance sa buhay ko kahit na alam kong may iba siyang pamilya.

Good terms na din kami ni Mama.

Natahimik na lang bigla 'yong mga classmate ko akala ko dumating na 'yong professor namin pero iba pala 'yong dumating, si Kean. Naglakad siya papunta sa tabi ko at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.. Nakatingin ako sakanya pero hindi siya tumingin sakin kahit isang beses. Umupo siya sa tabi ko na parang hindi man lang niya ako nakita.

Nailang ako bigla. Parang hindi ako makagalaw. Parang ibang Kean na 'yong katabi ko ngayon. Wala na 'yong aura ng Kean na nakilala ko. Galit pa din ba siya hanggang ngayon?

Tinignan ko na lang 'yong libro na nasa harap ko. Dumating na 'yong professor namin pero wala din imik si Kean. Naiilang talaga ako. Parang hindi ako makahinga. Umalis sandali ang professor namin kaya naglakas loob na akong kausapin si Kean dahil hindi ko na talaga kaya 'yong ganitong silent treatment niya sakin.

"Galit ka pa din ba sakin?" tanong ko. Tinignan ko siya pero naka headset pala siya at halatang hindi niya ako narinig. Nainis tuloy ako bigla. "Sorry na nga eh, hindi mo na ba talaga ako kakausapin? Kung kailan ako nakapag move-on tska ka nagkakaganyan, eh 'di bahala ka. Wag mo na ako kausapin, hindi na din kita kakausapin."

Pagkatapos ng klase namin, umalis na ako agad. Hindi ko na nilingon si Kean dahil naiinis ako sakanya. Nag sorry na naman ako eh kaya kung galit pa din siya sakin, bahala na siya. Napapagod na akong intindihin siya.

Sabado ngayon kaya pumunta ako sa playground ng mga pre-school students. Umupo ako sa swing tapos tinginan ko lang yong langit na puno ng madaming kakaibang ulap.

"Sige wag mo na akong kausapin, akala mo ba kakausapin pa din kita? hindi na noh! Bahala ka na sa buhay mo. Dyan ka na kay Ben Ten, mag sama sama kayo ng mga kalahi mong alien!" sigaw ko. "Nakakainis ka!"

Napabuntong hininga na lang ako.

"Akala mo ba mami-miss kita ha?" natahimik ako bigla. "Oo, mami-miss kita.. pero kaya ko naman na wala ka eh. Kaya ko naman sanayin ulit 'yong sarili ko na wala ka. At sa oras na mangyari yon, hindi na kita hahayaan na pumasok pa ulit sa buhay ko."

Napabuntong hininga ulit ako. "I hate you, Kean Marco!"

"Tapos ka na?"

"Wah!" sa sobrang gulat ko, nalaglag ako sa swing. Nakaramdam agad ako ng sakit sa paa ko. Mali ata 'yong pagbagsak niya sa lupa. "Aray ko." angal ko. Tumayo sa harap ko si Kean. "Anong ginagawa mo dito ha?" Tanong ko.

"Tumatambay." sagot niya. "Ikaw lang ba pwede dito?" sarcastic pa niyang sabi. Nakakainis talaga siya.

Umupo ako pagkatapos sinubukan kong tumayo pero natumba ulit ako dahil hindi ko kayang tumayo, sobrang sakit ng paa ko. Para akong natapilok. "Ang sakit ha, ouch." Bulong ko at napaiyak na ako. Lumapit sakin si Kean at binuhat niya ako. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako! kaya ko na 'yong sarili ko!" angal ko.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now