Chapter 26: Picnic

913K 24.5K 6.3K
                                    

Keila's point of view

"I'm actually.. going out with Kean." Sagot ko kay Dwayne. Nakakapag taka na bigla na lang niya akong aayain na kumain sa labas. May problema ba siya? Narinig ko ang boses ni Kean mula sa labas ng gym. "Well, I have to go. Bye!" Paalam ko kay Dwayne.

Nagbihis ba ako pagkatapos lumabas na ako ng gym para puntahan si Kean.

"So, saan tayo kakain?" tanong ko.

"Sa plato." Sagot niya. Tinignan ko siya ng masama. Pinipilosopo niya ako. "Tama naman ako, sa plato naman talaga tayo kakain." Natatawa niyang sabi. "Saan mo ba gusto, sa dahon ng saging?" humihirit pa talaga siya ha.

"Wag na lang kaya tayong kumain?" pag tataray ko.

"Babe naman, nag bibiro lang naman ako eh." Sambit niya. "Bakit ba ang sungit mo?"

"Eh bakit ba ang pilosopo mo?"

"Humour ang tawag don, babe." Tinaas taas pa niya ang kilay niya habang sinasabi niya yon. Bipolar talaga si Kean. Minsan seryoso, minsan abnormal. Oo nga pala, alien siya ni Ben Ten kaya normal na sakanya ang maging abnormal. "Tadah!" sambit niya ng makarating kami sa likod ng children's building. Sabado ngayon kaya walang pasok ang mga bata kaya wala din tao dito ngayon.

"Dito tayo kakain?" tanong ko. Umupo ako sa swing. "May baon ka ba?"

Nilapag niya ang bag niya at may kinuha siyang tela at nilapag niya yon sa may damuhan. Nilabas niya ang dalawang malaking baunan at dalawang malaking bottle water. Wag mong sabihin na mag pi-picnic kami dito? "Hindi kasi kita kayang i-libre sa mga mamahaling kainan kaya dito na lang kita dinala. Mag kasing sarap lang naman ang mga luto namin." Lumapit siya sakin at hinila niya ako papunta sa damuhan. "Palaging naiki-kwento ni Cloud sakin na paborito mo ang adobo kaya pinagluto kita ng Kean's cloud nine adobo." Nakangiti niya pang sabi. Gamit na naman niya 'yong mala alien niyang ngiti na korteng rectangle na kita na halos ang gilagid niya.

"Anong ibig sabihin ng cloud nine?" tanong ko.

"Ang ibig sabihin non, kapag natikman mo ang adobo ko, para kang nasa cloud nine. Kaya Kean's cloud nine adobo." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya don? Natawa na lang tuloy ako. Abnormal nga talaga siya. "Anong nakakatawa don, babe? Seryoso ako." Hindi ko na siya sinagot at ngumiti na lang ako.

"Patikim nga ako ng luto mo. Nasabi ba sayo ni Cloud na pihikan ako pag dating sa adobo?" natigilan siya sa sinabi ko. Tinignan niya ako na parang alalang alala siya. Natawa na naman ako. Actually, nagbibiro lang naman ako eh. "Gotcha." Sambit ko.

"Ah ganon?" unti unting sumeryoso ang mukha niya. Unti unti siyang lumapit sakin kaya napaatras ako. "Alam mo ba na masama akong biruin kasi nang hahalik na lang ako bigla?" hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi dahil napaka seryoso ng mukha niya. "Hindi ba yon nasabi sayo ni Jenelle?" Lumabas na ako sa tela at nasa damuhan na ako sa kakaatras ko. "You know what? I missed kissing you."

"Stop that." Sambit ko pero hindi siya tumigil sa pag lapit sakin. Seryoso ba talaga siya na hahalikan niya ako? "Kean!" sigaw ko at tumayo ako palayo sakanya. Ang laki ng ngiti niya at tumayo din siya. "Seryoso ka ba dyan ha? Walang nababanggit sakin si Jenelle. Umayos ka nga!"

"You should know na hindi magandang galitin ang mga alien ni Ben Ten." Naglakad na naman siya papalapit sakin kaya tumakbo ako palayo. "Bakit ka lumalayo sakin?" nilapitan niya ako kaya tumakbo ako papunta sa likod ng slide.

Hinabol niya ako kaya umakyat ako sa slide at nag slide ako pababa para hindi ako maabutan ni Kean. Nag habulan kami sa buong park. Nalingat lang ako sandali, hindi ko na nakita si Kean. Asan na siya? "Kean?" tanong ko. Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Susuko na sana ako pero bigla na lang siyang sumulpot sa likod ko. "Wah!" sigaw ko sa sobrang gulat. "Kean!"

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now