Chapter 44: Half Sister

624K 19.8K 3.7K
                                    

Keila's point of view

After ng pag-uusap namin ni Dwayne, ang awkward na ng lahat. Nag uusap na lang kami kapag kailangan sa practice. Hindi ko naman siya masisisi kasi in some way na reject ko siya. Kaso lang habang tumatagal nahihirapan na ako dahil simula din non, hindi na niya pinapakinggan 'yong mga suggestions ko about sa steps namin. Buti na lang nandyan si Trevor para mamagitan samin.

"Finals na next week. Are you nervous?" Tanong ni Trevor after ng practice namin. "I've heard sabaya daw ang music laban and our finals, so what's your plan?"

"Yes I am nervous because this is our last chance, Trev." Napabuntong hininga na lang ako ng maisip ko ang tungkol sa music laban. "Gustong gusto kong suportahan si Kean pero wala akong choice. I can't give up the finals night." I said sounding frustrated.

"That's okay Kei, I know Kean will understand you and just like you I know he also wants to support you."

"I know Trev. I also wish he will be there at the finals."

"I need to go, are you okay here?" Tanong niya ng makita niya si Elline. "If you want you can come with us."

"Hindi na, hinihintay ko din si Dana." sagot ko. Lumapit samin si Ellien at nag hello siya sakin. Umalis din agad sila ni Trevor.

Sa loob ng three weeks, pitong beses na kami lumalabas labas ni Dana. We're really getting to know each other. Masaya ako ngayon kasi kahit papaano medyo close na naman kami. Pareho kami ng mga gusto at palagi kaming nag fa-fangirl kay Zac Efron kaya siguro madali nag get along. May isang araw pa na kasama namin si Kean na mag bowling. Ayoko muna na isama si Kean dahil baka magkaroon ng awkward moments pero nag insist si Dana na isama siya. Ayaw niya daw kasing magkaroon ng gap between the three of us. Gusto niyang maging komportable kaming tatlo habang magkakasama. Alam niya na busy ngayon si Kean kaya ayaw din niyang kunin 'yong time ko with him para sa bonding namin kaya sinabay na lang niya which I found sweet kasi iniisip din niya pala talaga 'yong feelings ko.

Busy ngayon si Kean para sa Music Laban pero palagi niya naman ako sinasama sa mga practice nila. Pinakilala na din niya ako sa buong banda nila. Malakas 'yong feeling ko na mananalo sila. Naniniwala naman ako sa talent ni Kean at ng mga kabanda niya. Sana nga lang pwede ko siya puntahan sa finals night nila.

"Kanina ka pa?" Bungad ni Dana. "Sorry, may sinundo pa kasi ako, tara?" Kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng gate.

Pagpasok ko sa kotse niya, napatingin agad ako sa driver at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Papa. "Surprise surprise!" Masayang sigaw ni Dana. "Sinama ko so Daddy ngayon at sasamahan niya tayo sa date natin. Isn't it great sis?"

"Thank you Dana." Grabe ang mga ngiti ko ngayon. Medyo matagal na din kaming hindi nagkikita ni Papa at ngayon makakasama ko pa siya. "Hello Papa." Bati ko.

"Hi anak, masaya ako na makakasama kita ngayon at masaya din akong okay na kayong dalawa ni Dana," pati si Papa ang laki ng mga ngiti. "So, kumain muna tayo sa isang Korean buffet. Let's go? Tanong ni Papa at tumango kaming dalawa ni Dana.

Naisip ko na sana nandito din si Cloud ngayon para kumpleto kami. Minsan lang 'to mangyari dahil super busy ni Papa at minsan hindi siya makatakas sa asawa niya. Hindi ko alam kung hanggang kailan 'to tatagal kaya bawat araw na kasama ko sila, sinusulit ko na.

Pagdating namin sa Korean Buffet na kakainan namin, nagulat ako ng makita ko si Cloud. "Hi twin." Nakangiti niyang bati sakin.

"Paano mo nalaman na nandito kami?" Tanong ko.

"Sinabi sakin ni Dana." Sagot niya. Napatingin ako sakanya. So this was all planned.

Kumain kaming apat. Nag usap usap about sa school, sa music laban, sa dance finals at pati sa contract ni Dana sa Polaris.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now