Chapter 9: Day 01

1M 30.8K 8.7K
                                    

Keila.

"Keila!"

Binilisan ko ang pagsuklay ng buhok ng marinig ko ang sigaw ni mama. Bakit na naman kaya niya ako tinatawag?

Kinakabahan ako. May nagawa ba anong mali?

Agad kong bumaba sa sala at naabutan ko don si Mama na nakatingin sa akin. "Mama, anong problema?" Tanong ko.

"Si Kean nasa labas at mukhang hinihintay ka." Nanlaki ang mata ko.

"Anong ginagawa niya dito?" Bulong ko sa sarilo ko.

"Mabuti pa papasukin mo na lang siya dito sa loob ng bahay at baka hindi pa siya kumakain." Muntik ko ng gawin ang sinabi ni Mama pero naisip ko bigla si Cloud.

"Nasan si Cloud?" Tanong ko.

"Wala siyang pasok ngayon kaya tulog pa siya pero pababa na din yon, may band practice daw sila ng umaga." Napahawak ako sa bibig ko.

Ayaw ako palapitin ni Cloud kay Kean kaya kapag pinapasok ko  dito sa loob si Kean baka makita siya ng kakambal ko at kapag nangyari yon, panigurado magkaka world war III kami. Ayoko non. Mahirap kaaway si Cloud, parang hindi ko kakayanin.

"Mama, nagmamadali kami kaya next time ko na lang siya papapasukin dito. Babaunin ko na lang yong breakfast ko ha? Baka kasi malate na kami." Masaya kong sabi.

Dumiretso agad ako sa kusina at nilagay ko sa baunan yong sinangag at hotdog na breakfast ko sana kung hindi lang sana ako inistorbo ni Kean. Ano ba kasing nasa isip ng lalaking yon?

"Alis na po ako." Lumapit ako at hinalikan ko si Mama sa pisngi niya. "Ma, wag mo po sabihin kay Cloud na nag punta dito si Kean, ha? Please?"

"Why?" Nagtataka niyang tanong. "May hindi ba ako alam na dapat kong malaman?" Pabiro pa niyang pagtataray sakin.

"I'll explain later. Bye Ma!"

Nagmadali na akong lumabas ng bahay. Baka mamaya maabutan pa ako ni Cloud dito. Isa pa panigurado naman na madami pang itatanong yon sakin si Mama.

Pagdating ko sa labas, hinihingal hingal pa ako kakatakbo.

"Good morning, babe." Masayang bati sakin ni Kean. "Alam mo? Mag damag kang nasa panaginip ko, nakatulog ka bang mabuti?" Nakangisi niyang tanong.

Hindi ko alam pero automatic akong napangiti. Wala naman kwenta yong pick up line niya pero napangiti pa din niya ako. Meron talagang something dito kay Kean na mapapangiti at mapapatawa ka na lang.

"Tumigil ka nga, Kean." Sambit ko. "Sinusundo mo ba ako ha?" Pagtataray ko.

"Hindi, napadaan lang talaga ako dito." Sambit niya gamit ang sarkastiko niyang boses. "Thirty minutes na kaya akong naghihintay dito. Napadaan lang kasi talaga ako dito eh. Thirty minutes?" Diniinan pa talaga niya yong pagkakasabi ng thirty minutes.

"Uso kasi tumawag noh? Malay ko bang nandito ka sa labas ng bahay namin. Tingin mo sakin manghuhula ha?" Pagtataray ko pa.

"Tinatawagan po kita." Diin niya. "Check check din po ng phone pag may time ha?" Pang aasar niya pa.

Naalala ko tuloy yong phone ko. Nakalimutan ko pala siya. Naisip ko kung kukunin ko ba siya o hindi kaso kapag bumalik ako baka makita na ako ni Cloud tapos baka makita niya din si Kean. Isang subject lang naman ako ngayon kaya hindi ko na lang siya kukunin.

"Tara na nga sa school baka malate pa tayo." Pag aaya ko. Dapat hindi na kami nagtatagal dito sa tapat ng bahay dahil baka makita na talaga kami ni Cloud.

"Okay tara na." Sambit niya. Sinuot niya ang helmet niya at sinuot niya din sakin ang isa pa niyang extrang helmet. "Kumapit kang mabuti." Paalala niya.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now