Chapter 40: Disappointed

730K 20.7K 12K
                                    


Keila's point of view.

"Sumabay ka na sakin pagpasok." Sambit ni Cloud habang kumakain kami ng breakfast. "Nasa trabaho pa si Kean, hindi ba?" Tanong pa niya. Nagkatinginan pa kami ni Mama dahil sa biglaang asal niya. Parang wala na lang sakanya kahit banggitin niya 'yong pangalan ni Kean. Hindi na ba siya galit kay Kean?

"Mauna ka na. Pupuntahan ko pa kasi si Kean sa coffee shop." Sagot ko.

"Idadaan na lang kita don." Sambit niya habang nakangiti sakin. Nananaginip ba ako? Bakit hindi umangal si Cloud at parang masaya pa siya? Anong nangyayari sakanya? "Bilisan mo na kumain dyan baka ma late tayo." Tumayo siya at lumabas ng bahay. Nag sungit na naman siya pero may mga ngiti na sa mukha niya. Nakakapanibago siya pero nakakatuwa.

"Mama, ano meron kay Cloud?" Tanong ko. "Bakit ganon 'yon?"

"Umiibig na ata kaya ganyan. Maging masaya ka na lang anak ha?" Nakangiting sabi sakin ni Mama. Anong umiibig? May girlfriend na siya? "Sige na bilisan mo na at baka mag bago na naman 'yong mood ng kakambal mo."

Inubos ko na agad ang pagkain ko dahil ayokong sungitan na naman ako ni Cloud. Pagkatapos naming magpaalam umalis na agad kami ni Cloud sa bahay. Nakaupo ako sa harap. Napaisip ako dahil sa mga sinabi ni Mama kanina.

Umiibig na si Cloud? Kanino?

"In love ka ba ngayon?" Tanong ko out of nowhere. Gusto kong malaman kung in love nga siya at kung meron man, gusto kong malaman kung sino 'yon. Kung may babae man akong gusto para sakanya, si Jenelle 'yon. "Iba kasi aura mo ngayon eh." Tinignan ko siya at nakangiti siya sakin. Oh my gosh? Seryoso? In love nga siya?

"Kailan ka naging interesado sa love life ko? Pagkatapos kong makipag hiwalay kay Fiona, never ka na nag tanong sakin about dyan." Sagot niya. Madali lang naman sagutin 'yong tanong ko, hindi ba? Oo o hindi lang. Bakit hindi niya masagot agad agad? Dahil ba guilty siya? "Whatever you are thinking right now, that's not true. I'm not in love. Or maybe I'm not yet there."

"Ang daya mo naman eh. Ayaw mo sabihin sakin." Pagmamaktol ko. "Ako naman sinabi ko sayo 'yong about samin ni Kean kahit na alam kong magagalit ka."

Ngumit na naman siya. Huminto kami pagtapat namin sa coffee shop. Tinignan ako ni Cloud at mukhang may seryoso siyang sasabihin sakin. Kinakabahan ako.

"About you and Kean," panimula niya. Mas lalo pa akong kinabahan. "Pumapayag na ako sa relasyon niyo dahil nakikita ko naman na masaya ka sakanya. Ang ayoko lang, makita na umiiyak ka na naman. Kapag sinaktan at pinaiyak ka niya, ako na mismo maglalayo sa inyong dalawa."

Natigilan ako sa sinabi ni Cloud. Seryoso siya sa bawat salita na sinabi niya. Napangiti ako dahil sa tuwa. Masaya ako na okay na siya sa relasyon namin ni Kean at masaya ako dahil siya ang naging kapatid ko.

"You know why I'm like this to you, right?" Tanong niya. "Keila, you're important to me that's why I don't want to see you hurting. I just want what's best for you."

"I know, Cloud. Thank you for being the best brother to me. Siguro kung wala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"He's waiting for you. I'll see you later, twin." Bumaba ako na may malaking ngiti sa mukha ko. Feeling ko nakahinga ano ng maluwag dahil sa pagiging okay ni Cloud kay Kean.

Pumasok ako sa coffee shop at umupo agad ako sa table malapit sa counter. Nakita ko si Kean na nag se-serve ng food. Mukhang pagod na siya at inaantok. Pagbalik niya sa counter, nagulat siya ng makita niya ako. "Babe, anong ginagawa mo dito?"

"Gusto kitang makita eh."

Tumayo siya sa harap ko at nakangiti siya sakin ng napaka lawak. "Gusto din kita makita babe." Parang namumula 'yong mga pisngi niya. Kinikilig ba siya? "Hindi ako pwedeng makipag usap sayo ng matagal dito babe, nasa duty pa kasi ako. Mamaya na lang tayo mag usap." Ang laki pa din ng ngiti niya.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon