Chapter 8: Deal or No deal?

1.1M 32.9K 9.1K
                                    


Keila.

[Now Playing: Coffee by BTS]

"Paano mo ako nagustuhan?" Tanong ko agad sakanya. "Parang ang bilis mo naman Kean, baka naman naguguluhan ka lang." Sambit ko pa.

Lumapit pa siya lalo sa akin. Bumilis na lang ng kusa ang tibok ng puso ko. "Kailangan bang palaging may dahilan para magustuhan mo ang isang tao?" Tanong niya at napalunok pa ako dahil sa maliit na distansya sa pagitan namin. "Paano kapag nawala na ang dahilan kung bakit mo siya nagustuhan? Ibig sabihin ba non, hindi mo na siya gusto?" Nakangiti niyang tanong sakin.

Sabagay, tama siya. Hindi mo naman talaga kailangan ng rason para magustuhan mo ang isang tao.

"So nagustuhan mo na lang ako ng ganon ganon na lang at ng walang dahilan?" Tanong ko pabalik sakanya.

Ngumiti ulit siya pagkatapos naglakad siya papunta sa motor niya. Sumandal siya duon habang nakatingin siya sakin. Sa totoo lang nakakatunaw na talaga yong mga seryosong tingin sakin ni Kean. "Let me tell you secret."

Natapaas ang kilay ko. "Ano naman yon?" Parang kinakabahan ako.

Hindi niya agad ako sinagot at tumingala lang siya sa langit na nababalot ng madaming bituin. Para bang may inaalala siya.

Minsan kapag seryoso si Kean, hindi ko maiwasan na mapatingin sakanya. Siya yong klase ng tao na gugustuhin mong kilalanin.

"Three years ago nakita ko ang picture mo sa wallet ni Cloud. Gandang ganda ako sayo, alam mo ba yon?"

Hindi ko alam. Bulong ko sa sarili ko. Ibig sabihin lang, matagal na pala niya akong kilala? Sabagay, best friends sila dati ng kakambal ko kaya hindi imposibleng mabanggit ako sakanya ni Cloud.

"Palagi kang kinikwento ni Cloud sa akin kaya kahit hindi pa kita nakikilala ng personal pakiramdam ko kilalang kilala na kita at duon pa lang tingin ko tinamaan na ako sayo, Keila."

Pwede ba 'yon? Love at first sight tapos sa picture pa? Ang weir niya talaga.

Mula sa taas ay dumiretso ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin sakanya dahil pakiramdam ko malapit na talaga akong matunaw sa mga tingin niya. Kakaiba din ang aura ni Kean kapag nagiging seryoso siya.

"Bago ka pa makauwi dito sa pinas, nag away na kami ni Cloud dahil kay Fiona yong best friend namin na may gusto pala sakin na gusto din pala niya. Dahil sa away namin na yon hindi ka na naipakilala pa ni Cloud sakin dahil simula non, nagkalimutan na kami. Hindi na din ako naglakas ng loob na magpakilala sayo dahil sa nangyari sa amin ni Cloud kaya nag concentrate na lang ako sa banda ko. Isang taon ka din nawala sa isip ko pero dahil kilala ang dance group niyo, nakita na din kita pagkatapos ng isang taon."

Huminto siya pagkatapos lumapit ulit siya sa akin. Seryoso pa din siya sa pagtingin niya sa akin.

"Unang beses pa lang kitang makita sa personal, alam kong tinamaan na talaga ako sayo. Simula nuon, nagkagusto ulit ako sayo at alam mo? Dalawang taon na akong may gusto sayo.. ng palihim." Nakita ko na naman ang mga ngiti niya, isang genuine na ngiti. "Kaya tingin ko hindi sandali ang dalawang taon."

Akala ko talaga nagustuhan niya lang ako ng basta basta pero hindi pala, dalawang taon na pala siyang may gusto sakin.

"Sa loob ng dalawang taon, bakit hindi ka man lang nagpakilala sakin?" Tanong ko.

"Ang daming beses kong binalak na magpakilala sayo pero palagi na lang hindi natutuloy. Kada nanunuod ako ng dance practice niyo sa gym hindi ako makalapit sayo dahil kay Dwayne. Magkaaway din kasi kaming dalawa eh. Patago na lang akong nanunuod ng dance practice niyo. Kada makikita naman kita bantay sarado ka kay Cloud kaya muntik na akong mawalan ng pag-asa kaso isang araw hinila mo ako at inutusan mo akong halikan ka."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Where stories live. Discover now