Pandesal Prologue

25.6K 973 1.1K
                                    

Prologue:


"Nay, Tay, may gelpren na ho pala ako." Masaya kong sabi sa pamilya ko habang kumakain ng lugaw at dilis. Meron din kaming juice, perstaym 'to. Hanggang wine lang kasi kami. Hahaha. Okeeei, juk yun, nakatubig lang kami.

Natigil sa pagkain ang nanay ko habang nagkakamay, ang tatay ko naman ganun din. Aba bakit? Sa gwapo kong ito imposible na bang magkajowa? Wow, sayang ang kapogian ko ha.


"Sige, sakyan ko nalang trip mo. Ehem~ Oh eh sino naman yang jowa mo, 'nak?" Tanong ng tatay ko.

"Si Alissa Jung po." Proud kong sabi.


Napaubo bigla ang nanay ko. Parang nabilaukan.


"Jimin anak, di ba sinabi ko na saiyo na masama ang dulot ng droga? Niloloko mo ata kami ng tatay mo e." Shet naman 'to si Nanay. Ano akala niya sakin? Kapatid ko ba si Joker para magloko ako? Seryoso nga kasi ako eh! Paniwalaan niyo naman ang mukha ko!

"Anak, maaga pa para mangarap. Hala sige! Tapusin mo na yang pagkain mo at ng makatulog ka ng maaga." Utos naman ni Tatay.

Bakit ba ayaw nilang maniwala?! Last time nung sinabi kong panget ako, di rin sila naniwala. Pati ba naman ngayon? Hayyy~ Jiminyeta naman oh!


"Nay, Tay, seryoso nga po ako eh. Gelpren ko nga po si Alissa!"

"Una sa lahat. GIRLFRIEND iyon hindi Gelpren. Jejemon ka talaga, anak! Pangalawa, natutuwa kami ng tatay mo at may jowa ka na, kung yun ang sabi mo. Pangatlo, landiin mo na lahat ng Alissa sa mundo wag lang ang Alissa'ng JUNG ang apelyido." Litanya ni Nanay.

"Nay naman eh! Wag naman ho sana kayong KJ"

"Sige nga, ano ang KJ?"

"Uhmm.. K-killing jejemons?"

"No doubt, tanga ka nga anak." - tatay

"Bahala nga kayo kung ayaw niyo maniwala." Sabi ko sabay walk-out sa hapag.

Kinuha ko ang cellphone kong Nokia 3310 at nag-GM sa mga kaibigan ko. Sa kanila nalang nga ako magshshare, baka sila may kwentang kausap. Syempre kaibigan, di ba?


gUd ev3n!nq guYzsx!

Y3$! GF qoew na si Alissa Jung b3ybeH. Jejeje.

qie_em95 #inLabSAqoe #siyALanqXapAtNa

*^~Boxszx Jimin~^*

Sent to: Tr0p@nG_livoguexsz69 (Suga, V, Namjoon)

Oh? Ano, may comment na naman kayo? Ayos lang maging Jejemon sa GM basta gwapo. Huehue. Shet, bakit nga pala ako nag-GM? Eh Gaantxt10 lang load ko. Tanga ako pero hawt. Ang umangal di ko papadaanan ng love quotes. Pero ayos lang. Tatlo lang naman silang sinendan ko ng Pangkatang Mensahe.


3 messages received:

GF mo si Alissa Jung? Jajajajaja! p4tangK4d ka mun4! Jajajaja

- boZsx SUGA $w@3g

k@liBug4n mh0e j3meN. Bo0m paNexsZ

- boSzx R@pm0nszxTer


IK4iN m0e nL4nq y4n n6 j4MszX.. Jejejeje

- boxSzx V aka ta3hYuñ6

ANAKNG! Tangena this friends! Tangena this buhay. PAKKER! Bakit? Bawal ba magkalovelife and panaderong tulad ko? Bawal na ba magkagelpren ng mayaman ang isang mahirap na tulad ko? Saang batas yan ng Pilipinas nakasaad at nang makaapila ako? Pakker this buhay. JIMINYETANG LIFE~


Ako si Park Jimin. Ang hot at gwapong panadero. Anak ng pinakamagaling na tagagawa ng tinapay sa lugar namin, at ang nag-iisang tagapag-mana ng PAN DE JIMIN BAKERY. At may gelpren na chix tulad ng nagbabasa neto. Abangan ang story kong paniguradong may jams. XD

XXX

THIRD BANGTAN STORY FEAT. PARK JIMIN AKA JAMLESS DWARF W/ ABS

Credits once again to her for the bookcover. :)

[Edited ver.] -dklngswg


Pan de JiminHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin