Pandesal 32

2.5K 128 398
                                    

PANDESAL 32




Park Jimin's POV

Sobrang laki ng bahay nila Ivory...pero alam niyo kung ano ang isa pang malaki? Yung ano ko.

Yung puso ko.

Uminom tayong lahat ng holy water dahil sa dumi ng iniisip niyo. Magkumpisal na din tayo ng sabay-sabay pakatapos.


Seryoso na. Hindi ko maiwasang hindi mapanganga dahil sa sobrang lawakat laki...ng bahay nila Ivory. Pinagto-tour niya kasi kami sa tatlong palapag nilang bahay na napapalamutian ng mga mamahaling figurine, dambuhalang family picture, mga chandeliers at kung ano pang bagay na alam mong pang mayayamanin.

"Dito yung isang maid's room, pwede na kayong tumuloy dito ni Aling Jaja for the meantime." nakangiting sabi ni Ivory saka inayos ang bedsheet ng ibabang parte ng double deck. "Wala namang gumagamit dito since umalis na 'yung isa naming katulong."

"S-sigurado ka ba talaga, ineng, na pwede akong magtrabaho dito at pwedeng tumira dito si Jimin pansamantala?" tanong ni Nanay.

"Oo naman ho. Walang problema. Nakausap ko na rin naman sila Mommy at pumayag sila." tugon naman ni Ivory.

Tinulungan ko muna si Nanay na mag-ayos ng gamit sa loob. Oo, tama ang nabasa niyo. Papasok bilang kasambahay si nanay sa pamilya ng mga Sandoval. Gustuhin ko man na maging reyna ang nanay ko at huwag magtrabaho, isa kaming dukha at kung hindi kami magtatrabaho pupulutin kami sa lansangan at mamamalimos kami, magiging rugby boys ako, mapapariwara, kukupkupin ako ng DSWD at mapapalayo ako kay nanay. Ang dami ko nang naisip na kagaguhan eh noh?


Basta ang point ko ay exclamation point. De joke. Ang point ko, ayokong mahiwalay muna kay nanay ngayon. Masyadong mapanganib ang mundo, parang kagwapuhan ko--mapanganib sa puso ng mga chikababes.

Nagpapasalamat talaga akong dumating sa buhay namin si Ivory. Kung hindi nag-tomato joke si Yoongi hyung, hindi namin makikilala si Ivory. Kaya kahit minsan nakakagago ang mga jokes ni English Master, ang importante may pakinabang ang gilagid niya.



Nag-evacuate muna ang tropa ko sa isang basketball sa tabi ng barangay hall habang pinagdedesisyunan pa kung saan sila ipapa-relocate ni Mayor. Pinuntahan ko sila at nadatnan ko silang pumipila para sa relief goods na hatid ng Daesang Charity Foundation.

Nang makakuha sila ng dalawang kilong trophy--este bigas at dalawang lata ng sardinas na hindi naglilipsync, nilapitan nila ako dahilan para mapangiti ako ng sobra.

"Oh, Jimin, thx goodness you is have here." bati sa akin ni Yoongi hyung saka tinapik ang balikat ko. Tumango-tango nalang ako, ayoko kasi makipagdiskusyon sa english niya.


Pumwesto kami sa isang sulok at sumalampak sa malamig na sahig ng covered court. Ginawa naming upuan ang mga tsinelas namin para hindi malamigan ang mga pinagpala naming pwet--pwet ko lang pala.

"Saan ka ngayon tumutuloy, Jiminie?" tanong sa akin ni Taehyung.

"'Dun kila Ivory. Mamamasukan si nanay bilang kasambahay, habang ako naman hardinero." malungkot kong sabi. Bakit sino bang magiging masaya kung ang trabaho mo ay tagabunot ng damo at tagadilig ng halaman.

Napansin ni Yoongi hyung ang malungkot kong mukha kaya agad niya akong niyakap--de joke, sinapok niya ko sa ulo. Ang sweet talaga ng gilagid niya (sarcastic ako ah, sarcastic big word). "Gago ka pala eh! Mabuti ka nga may matutuluyan habang kami dito parang mga galunggong kasama ang mga uncooked steak at tasteless ratatouille! Dami mo reklamo, sa pulis ka na magsampa ng reklamo tangina mo!" pangaral niya sa akin.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now