Pandesal 41

773 39 26
                                    

PANDESAL 41



JIMIN-SSI'S POV

"Taho! Taho po? May taho po ba riyan? Taho~" sigaw ko with matching joke habang naglalako ng taho ngayong alas-sais ng umaga. Kung hindi niyo na-gets 'yung joke, pasensya nalang sa braincell niyo. Syempre, kapag talaga masipag na taong gwapo na tulad ko, maaga palang kumakayod na.

(a/n: sainyo ba morning nagtitinda ng taho o hapon? im today's years old kasi nang malaman ko mula sa iba kong prens na sakanila sa hapon tinitinda ang taho like okay?? taho?? sa hapon???)


May mga bumibili naman ng taho ko. Until now nasa Top Taho charts pa rin siya, kabahan na ang spring day. Mero kasing ibang magtataho na hindi tinatangkilik ang taho nila, kasi mas inuuna pang magreklamo sa english ng taho kesa sa bilhin at suportahan ang taho nila. Kaya ayun, bagsak ang taho business. #USAPANGTAHOLANGTALAGATO

"Hijo, pabili nga ng taho mo." masayang sabi ng isang ale sa akin.

"Ay sige po, may preorder benefits po 'to." tugon ko naman.

Napangiti pang lalo ang ale at meron pang iba na lumapit para makabili sa akin. Hindi ko alam kung lumalapit sila kasi masarap 'yung taho o sadyang masarap ako. Alinman doon, ang importante parehong may sense.


Ayos 'to. Kapag naubos ko na 'tong tinda kong taho. Pwede na akong pumunta sa palengke at magbuhat ng ilang mga gulay-gulay. Dagdag-pera din 'yun. When opportunity knocks, open the door and welcome it. Naks! Ang dami ko na talagang nalalaman.

Sa awa ng diyos, naubos nga agad ang tinda kong taho. Mas pinili kong maglakad nalang kesa sumakay ng jeep para makatipid, tsaka magandang exercise din 'to. 'Di alintana ang pagod, naglakad ako ng ilang minuto para maibalik ko doon sa pinagkuhanan ko ng taho ang lalagyan ng taho at ilang benta.

At habang naglalakad pauwi, hindi ko napigilan na mapadaan doon sa dati naming barangay na ngayon ay puro nalang sirang bahay. Natigilan ako at natulala saglit hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko papasok ng barangay at mapadpad ako sa pwesto kung saan dating nakatayo ang Pan de Jimin panaderya namin.

Napabuntong-hininga ako at napaupo sa isang malakeng tibag ng pader. Napatingin-tingin ako sa paligid na feeling ko nasa isang music video ako. Ang dami kong alaala sa lugar na 'to. Mula sa paglalaro namin ng tropang pochi sa kung anu-anong laro, pagdeliver ko ng pandesal sa buong lugar, mga bangayan namin ng tropang livogue69 kung sino ang mas pogi etc, pagbilang namin ng dumadaan na sasakyan pati langgam, pagpa-cute namin sa mga chikababes na napapadaan. Nakaka-miss 'yung mga ganun.

Pero sa tingin ko, kung hindi rin nangyari ang lahat ng 'to sa buhay ko poreber akong magiging childish, yung taong asa lang lahat sa magulang, pa-easy-easy lang. Ngayon, mas masipag na ako kesa sa kalabaw, mas gwapo na rin. Wala nang kokontra please lang malapit na 'to matapos pagbigyan niyo na 'ko.


On-going pa rin ako sa pag-eemote nang biglang dumating ang apat na gunggong sa buhay ko--si Taehyung, Jungkook, Namjoon hyung at Jin hyung. Meron silang dala-dalang mga sako at tila naghahanap ng kalakal. May hawak-hawak pang pangkalkal ng basura si Taehyung. Agad silang napatigil nang makita ako.

"Joon hyung, sa ibang lugar na tayo maghanap ng kalakal baka ma-nuno tayo rito." parinig ni Taehyung, talagang nilakasan yung word na 'nuno'.

"Kung nuno ako, mukha ka namang nana." laban ko naman.

"Sa gwapo kong 'to?" ismid sa akin ni Taehyung. Tangina ang yabang neto ni Kuya Kim Taehyung ah.

"Oh away na naman kasi kayo eh! 'Wag niyo nga bastusin yung friendship at pagiging soulmate niyo." saway sa amin ni Jungkook. Grabe na rin talaga 'to si Kookoy, hindi nalang ilong ang nagdevelop sakanya, grabe na rin ang kanyang character development dito sa istorya.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now