Pandesal 36

1.4K 72 57
                                    

Pandesal 36



JIMIN'S POV

Nagising ako dahil sa maingay na pagngawa ng sinuman sa tabi ko. Saan galing ang iyakan? Parang, parang nakakaawang iyak ng isang ina na nawalan ng anak. Parang real-life Sisa ng Noli, ramdam mo 'yung emosyon ng isang ina na hinahanap ang kaniyang Crispin at Basilio.

Napamulat ako kaagad ng mata, tumambad sa akin ang nanay ni Yoongi hyung na kini-comfort ng iba pa niyang yagit na anak na si Woozi at si Ate CL na mukhang walang trabaho sa seven eleven. Inaalalayan din siya ng mga tropa ko.


"A-asan si Yoongi hyung?" tanong ko sakanila.

Lahat sila natulala sa akin. Nasa akin ang spotlight. Ako bida-bida ngayon.

"Jimin, hindi pa nahahanap si Yoongi hyung." malungkot na sagot sa akin ni Hoseok hyung, namumula ang mga mata at mukhang sinipon at kinulangot na sa kaiiyak.

"At sa tingin mo kaninong kasalanan 'yon, ha?" maangas kong tanong, naghahamok ng away. Nangangati akong suntukin sa mukha 'tong si Hoseok na 'to pero ayokong gumawa ng eksena.

"Huwag na kayong magtalo, mga hijo. Ipagdasal nalang natin ang anak kong mukhang dumpling. Napulot ko lang siya sa ilalim ng tulay pero mahal na mahal ko ang talong na 'yun." lumuluhang sabi ng nanay ni Yoongi hyung.


Natahimik ako, syempre bukod sa alam ko kung pano maging gwapo, alam ko din kung paano maging magalang. Nirespeto ko ang kagustuhan ni Tita, naks, lakas maka-Tita eh. Hinahagod ni Taehyung ang likod ko, pinapakalma ako. Nakaalalay naman si Jin hyung, just in case lang na makasapak ako ng lalakeng nagngangalang Jung Hoseok.

Inabot sa akin ni Joon hyung ang sopas na pa-feeding daw ni mayor. Kahapon pa ako walang kain pero wala akong gana. Hangga't nawawala ang kaibigan ko, hindi ko kayang lumamon. Tinabi ko ang sopas at sumandal na lamang sa balikat ni Taehyung.


"Jimin, kailangan mo kumain. Magkakasakit ka niyan." puna ni Namjoon hyung.

"Ayos lang ako, hyung. Kapag nabusog ba ako, mababalik si Yoongi hyung sa atin? Hindi naman, di ba?" malungkot kong pagdadrama.

"Jimin-ssi, kain na." pagpipilit naman ni Jungkook sa akin.

"Eyew ke nge, kiss me mene eke." pabebe ko saka lumapit kay Jungkook.

Bahagya niya akong tinulak pero inabot niya naman ang sopas sa akin at pinilit akong kumain. Ano ba 'yan, sabi nang ayaw eh. Umiling-iling ako at lumayo nalang. Sumasakit ulo ko sa ingay nila doon, sinamahan pa ng pangungulit nila sa aking kumain.


Lumapit ako sa rescue team desk. Magbabakasakali ako, baka nahanap na nila si Yoongi hyung. Baka may balita na tungkol sa kaibigan ko.

"E-excuse me, ho." bati ko sakanila.

Napatingin sa akin ang isang rescuer na in-charge sa booth, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bata? Isulat mo nalang ang pangalan mo dito para maibalik ka namin sa tunay mong pamilya ha? Ilang taon ka na, 7? 6?" tanong niya habang may kung anong sinusulat sa papel.

"Hindi na po ako bata! Tuli na ho ako kahit tanungin niyo pa si Jungkook! Nandito po ako para hanapin 'yung kaibigan ko na matangkad lang sakin ng one centimeter. Ang ju-judgmental niyo eh, diyan na nga kayo tangina niyo." inis kong sabi. Naiwan naman doon ang officer-in-charge na mukhang gulantang sa mga sinabi ko.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now