Pandesal 27

3.6K 213 721
                                    

Pandesal 27 - just wanna let everyone know that i missed you all and i regret not updating this story as much as possible :) And a reminder to everyone before you proceed reading, pls do read FIRST the story's disclaimer entitled 'the pan de jimin bakery'. May warning na simula palang. At uulitin ko na naman ang warning na 'yun, simula palang puro na kashitan ang pdj, and that's where it revolves, and i will stick to that 'til the end. Nonetheless, thank you for patiently waiting for the new update. loveyouuu~*group hug*- nessa




CHRISTIAN CHIMCHIM'S POV

Ang hirap lang talaga kapag may abnormal kang kaibigan, 'yung mga katulad ni Taehyung, Yoongi hyung at Namjoon hyung. Ngayong hapon, parang si Ivory lang ata at ako syempre, ang normal dito sa loob ng cafe.

"Anong kape ang paborito ng mga Chinese?" tanong ni Taehyung.


Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tangina kasi, kanina pa 'yan joke ng joke. Pinipigilan lang nga ako ni Ivory na huwag siyang sapukin.


"Oh, ano?" si Ivory lang talaga 'yung interesado eh.

"Edi, CapuTSINO! HAHAHAHA" amputa tumatawa pa si Tete.

Inirapan nalang namin siya. Nandito kami ngayon sa cafe na sinasabi ni Ivory. Ito kasing si Sandoval, mahilig sa kape. Sinamahan namin siya na bisitahin ang bagong bukas na cafe, tapos nagpalibre na din hehe ganun talaga, bawal tanggihan ang grasya.

"Eto talaga, last na hehe." hirit niya pa. "Anong paboritong kape ng mga nasa presinto?"

Isa pa. May mabibigwasan talaga ako.

"Oh ano, esPRESO?" naka-pokerface kong sabi. Kinuha ko ang mug ng kape at uminom.

"Ay kingina mo naman, Jimin. Inaagawan mo ko ng joke eh." naka-pout na sabi ni Taehyung.


Hindi ko nalang siya pinansin. Ang sarap lang buhusan ng kapeng mainit eh. Lumang-luma na ang mga joke na 'yun ni Taehyung. Nabasa ko na 'yun sa group message ni Jin nung isang gabi. Magsama-sama na nga lang silang mga corny.

May kung anong pinaguusapan sina Namjoon at Yoongi hyung, hindi ako nakikisama kasi english ang usapan. Umiinom nalang ako ng kape na nilibre ni Ivory. Napatanaw ako sa may labas ng cafe, at nagulat ako nang makita si Alissa na nasa labas at nakatingin sa akin. Agad kong nailuwa ang kape pabalik sa tasa at dali-daling lumabas ng cafe. Inumin ko ulit yun mamaya, sayang eh.


Sabi ko na nga ba! Dali-dali akong lumabas ng cafe at pinuntahan si Alissa doon.

"P-pepay baby you only enough already no breakdown! Anong ginagawa mo dito? Hindi na kita nasundo kasi sabi sakin ni Rolando, siya na daw susundo sayo eh. Pinagthreat pa nga ako nung gago." malungkot na sabi ko. Hindi ko pa rin talaga alam kung bakit sa cute kong 'to, may mga nang tthreat pa sa akin. Ibig kong sabihin, ganun ba talaga ako ka-irristable hehe. Pero kingina pa rin talaga nila, magkita-kita nalang sila ni Satanas.


"Sana sinabi mo nalang, hindi 'yung naghintay pa ako sa labas." malungkot niyang sabi.

Lumuhod ako sa harap niya at humingi ng piso--este ng sorry, "Sorry na talaga. Babawi ako promise. Ililibre kitang kape!"

"Libre mo?"

"Hindi, libre ni Ivory pala. Hehehe pasok ka na dali." excited kong sabi saka hinigit siya papasok ng cafe.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now