Pandesal 34

1.4K 84 124
                                    

Pandesal 34


PARK JIMIN's POV

"Alam mo, par, si Ivory, simple lang naman ang mga gusto niya. Hindi siya gaanong maarte, mababaw kaligayahan, madaling mapatawa, nakaka-appreciate ng maliit na bagay--tulad ko, na-appreciate niya ko." pabida ko kay Sehun.

Tumango-tango nalang si Sehun. Kanina pa siya speechless sa mga sinasabi ko eh. Teka, maikwento ko muna na nandito kami ngayon sa palengke. Hulaan niyo kung bakit. Naglalako siya ng katol.

Joke lang. Bibili kami ng pagkain. May kung ano pa kasing naiisip na dinner date putangina 'tong si Sehun Oh man holy sht. Hindi talaga ata makapasok sa kokote niya na kahit simpleng date lang sa jollibee ay masaya na si Ivory. May pa-dinner date pang nalalaman. Pabida ampucha.

Hindi nagtagal naubos na rin naming bilhin ang buong palengke, este, ang mga kailangang bilhin sa palengke. Sumasakit ang braso ko kakabitbit ng ilang supot ng gulay, prutas at ilang kilong karne. Papasok na sana ako sa kotse nang may biglang tumawag sa akin.


"Oy Jimin supot!"


Wow gago sige ipagsigawan niyo pa. Inis na inis akong lumingon at napansin na si Namjoon hyung pala. Kapal namang ng taong 'tong sabihin na supot ako eh bugok naman nga ang itlog niya. Gago. YOTL, Namjoon hyung.

"San papunta, Jimin?" tanong ni Yoongi hyung.

"Uuwing mansyon, malamang. Sinamahan ko si ay teka may ipapakilala nga pala ko sainyo." sabi ko saka bahagyang hinigit si Sehun na lumabas muna ng kotse para makilala niya ang mga kaibigan ko na hindi ko alam kung bakit at paano ko naging kaibigan.

"Ang haba naman ng pangalan ni ay teka may ipapakilala nga pala ko sainyo." komento ni Taehyung, nakakunot ang noo. Sinamaan siya ng tingin ni Yoongi hyung saka hinawakan nito ang kamay ni Taehyung. #TaeYoong #HyungGi

"Mga par, ito nga pala ang kababata ni Ivory at parang amo ko na rin sa mansyon. Sana umuwi na asap 'tong katol na 'to. Si Sehun." pakilala ko.

"Oh!" na-amaze na sabi nung tatlo.

Lumawak ang ngiti ni Sehun. "Wow ang sikat ko naman, alam niyo last name ko. Napanuod niyo cf ko sa katol, noh?"

"Ay hindi. 'Oh' as in expression of amazement and in awe. Nu akala mue?" jejeng tanong ni Namjoon hyung. Pero natuwa ako sa mala-dic(k)tionary na explanation niya.

"Ay tsaka Sehun, ito mga kaibigan ko si Namjoon hyung, Suga hyung at si Taehyung. Walang space yung Tae at hyung." sabi ko. Maganda na 'yung nagkakalinawagan kaming dalawa.

"Nice to meet you, guys! I hope we can be friends as well." nakangiting sabi ni Sehun. Nag-handshake naman sila sa isa't-isa at masaya ako na kahit may parte sa utak ko na ayaw sa pagkatao ni Sehun, naging malapit siya sa mga tropa ko. Sa una lang pala siya mukhang matapobre, pero kalaunan nakikitawa na siya sa hindi-straight na english ni Suga hyung, parang siya. Nakikikulitan din siya kay Taehyung at Namjoon hyung.


'Di nagtagal, nagpaalam na din kaming uuwi na. Syempre, kailangan pa namin mag-asikaso ng mga kailangan para sa punyetang dinner date ni Sehun at Ivory. Sa totoo lang, masaya naman talaga ako at desidido si Sehun na mapasaya si Ivory. Siguro naiinis lang ako sakanya kasi pakiramdam ko, dapat ako 'yung gumagawa 'nun para kay Ivory. Tamo, ang dami kong kadramahan sa buhay.

"I think the candle should be in the middle of the table." utos ni Sehun kay nanay na siyang tumutulong para sa dinner date kuno. Sumunod naman si Nanay.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now