Pandesal 5

8.2K 472 270
                                    

5

Nandito ako ngayon sa ospital. Binantayan ko si Alissa. Sobrang lakas kasi ng tama sa abs ko eh, hanggang ngayon di pa rin nagising.

"Relax ka lang, Jimin." pagpapakalma naman sakin ni Namjoon.

Oo, nandito rin ang mga ugok na 'to. Pinapunta ko.

"Paano ako kakalma eh hindi pa gumigising si Alissa." nag-aalalang tugon ko.

"Baka naman kasi puyat. Dito sa ospital bumabawi ng tulog." loko-lokong sabi ni Yoongi. Kinuha ko yung isang dextrose, oo dextrose, at binato sa gilagid niya. Nakakabanas na eh, pati sa nakaraang chapter ganyan din. Naoverdose ng Gluta ang hanep.

"Alam ko na kung ano gagawin mo, hyung."

Napatingin naman kami kay V. Ano namang ka-alien'an naisip neto?

"Halikan mo si Alissa nang magising. Tulad nung nangyari kay Cinderella." nakangiti niya pang suggest sa amin.

O___O

Puta ano daw? H-halikan? Cinderella?

Parang may mali...

"Tanga! Si Cinderella yung may glass slipper." saway ni Namjoon sakanya.

"Ah so, hinalikan nung glass slipper si Cinderella kaya siya nagising?" tatanga-tangang tanong samin ni V.

Napa-poker face kaming lahat.

ANG VOVO MO, KIM TAEHYUNG!

"Dude, mali ka." sabi naman ni Suga saka inakbayan si V na mukhang malalim ang iniisip.

"Alam mo kung sino yung humalik kay Cinderella?"

"Sino, hyung?"

"Si Joo Jin-mo tsaka si Jo In-sung . HAHAHA."

Binatukan naman sila ni Namjoon hyung.

"Frozen Flower yun eh! Tumigil na nga kayo sa kalibugan niyo! Mamaya nyan magising--- puta, ayan nagising na!" frustrated na sabi ni Namjoon, napakamot pa sa batok niya.

Pagtingin namin sa higaan, nakatingin na sa amin ang gising na si Alissa.

Lumapit naman kami agad sakanya.

"Why are you so loud?" tanong niya sa amin.

TANGENA! AYAN NA NAMAN TAYO SA ENGLISH EH!

"Dude, ang loud mo daw." bulong sakin ni Taehyung.

Napatingin ako sakanya.

"Matalino ka daw." - Yoongi

"Huh?" - ako

"Loud. Summa Cum LOUD e. Huahuahua-- Tangena, aray!"

Ayan, nabatukan ko siya. Tangena ang ingay e. Daming alam na kalokohan.

"Who are you?" tanong samin ni Alissa.

"I'm rapmon. KIM NAMJOON for short." pakilala ni Badjao sabay smile labas ang dimples. Suss! Pabida na naman ang potek.

Kim Namjoon for short? Eh pinahaba niya pa nga eh. Gageu talaga.

"Yow yow yow! I'm swaegger. I wanna big thing dream money! I'm Suga. Yeah, swaeg!" sabay pose.

"Hello, I'm V. Real name is Kim... Taehyung Kim. My hobby is.. HEY HEY!"

Tinulak ko palayo si Taehyung. Walang kwentang kausap, inulit niya lang yung sa Bangtan Bomb nung English Time namin. Tangena talaga. Mga gageung kaibigan.

"Ako nga pala ang 7th Place in Visual, Park Jimin-imnida." nakangiti kong sabi.

Tengene. Wala akong makita kapag nakangiti. Iba na talaga kapag Chinito. Kekeke~

"Anong g-ginagawa ko dito?" tanong niya sa amin.

ABA HUTANGENE! Marunong naman palang mag-tagalog ang anak ng hitong babaeng 'to!

"You falling down like the london bridge eh." sagot ko. "But don't worry, you're okay already."

"Ayieeee~ Best in English. HAHAHA" asar sa akin nung tatlong ugok habang tinutusok-tusok ako sa tagiliran.

"Oh okay. Salamat sa paghatid sakin dito ah." nakangiti niyang pasalamat sa akin.

ALISSA, YOU DON'T DO THAT TO ME!

My heart is... my heart is.

"PAPASIKUN NIYO KO-- My god, ALISSA!"

Iniluwa ng pinto ang isang kabayo. Putahamnida~

"Nurse! Nurse! May nakawalang kabayo sa kwadra!" sigaw ni V.

"At may dala pang deadly weapon! GUARD! GUAAAARD!" sigaw ko din.

"Mga lesheng Livogue69! Anong ginagawa niyo dito?" galit na tanong samin ni Betlogszx Hoseok.

"Nagbabantay kami kay Alissa. Eh ikaw? Asan yung caretaker mo? Bat hinayaan nilang makawala ang kabayong tulad mo sa zoo?" mapang-asar na tanong ni Namjoon.

Ano ba kasing hangin ang nagdala sa lalakeng 'to dito?

"Aba't lokong Badjao na 'to ah!" akmang susuntukin niya si Namjoon pero bigla kaming sinigawan ni Alissa.

"Stop fighting! Kuya, anong ginagawa mo dito?"

"KUYA?!" sabay-sabay na sigaw naming Livogue69.

"Oo, ako ang kuya ni Alissa. Kaya umalis na kayo bago ko pa kayo sipain palabas." banta niya sa amin.

Tangena, sipain daw oh. Aminadong kabayo ang hanep.

Lumabas na kami ng kwarto ng tahimik. Kaso etong si V galit na galit na kumakatok sa naka-lock na pinto ng kwarto ni Alissa.

"HOY, Hoseok! Tangena mo! Gageu ka!" galit na galit niyang sigaw.

"Taehyung! Ano problema mo? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." bulong ni Namjoon sakanya.

"Wala akong pakealam, hyung. Gago ang Hoseok na yun eh-- HOSEOK! LUMABAS KA DIYAN! MAGSIPAAN TAYONG LESHE KA!"

"Bat ka ba kasi badtrip ng sobra?" tanong ko sakanya habang inaawat siya sa pag-eskandalo.

"Aba't gago eh. Tinawag akong Vwisit at Vovo. TANGENA MO, JHOPE!"

"Relax your swaeg. Nung isang chapter pa yun nila sinabi eh." sabi naman ni Suga.

"Kaya nga. Eh ngayon ko lang na-gets eh. Vwisit at Vovo pala ah. HOSEOK! WALANGHIYA KA, PURO KA BABA! LUMUBOG NA SANA ANG VHOPE! GAGOOOO~"

Tangena.

Iniwan namin dun sa V sa ospital, habang kami naglalakad na papunta sa waiting shed na sakayan ng jeep pauwi. Bahala siya dun.

Alissa Jung

Hoseok Jung

Jung. JUNG.

Kuya

Puta, bat di ko narealize yun? Puro kasi ako pa-pogi e.

xxxxx

Pan de JiminWhere stories live. Discover now