Pandesal 40

768 37 10
                                    

PANDESAL 40


JIMIN-SSI POV

"Doc, kumusta na ho ang nanay ko?" tanong ko sa doktor nang lumabas siya sa kwarto ng nanay ko sa female ward. Umaasa ako na magandang balita naman sana ang sumalubong sa akin ngayon dahil sawang-sawa na ako sa kaputanginahang dala ng buhay ko.

"Ok na siya, stable na ang lagay niya. I recommend complete rest kasi tumatanda na si nanay. Nahimatay lang siya dahil sa fatigue at stress, no other complications. Actually, pwede na siyang makauwi bukas." nakangiting sagot sa akin ng doktor.


Salamat sa diyos! Umepekto yung pagnonovena ko kanina ah. Halos matawag ko na lahat ng santo eh. Muntik na rin sana akong maglupasay dito.


"Doc, salamat po!" sabi ko saka nakipaghandshake sakanya.

Pumasok na ako sa loob para mag-emote. Tulog si nanay, mukhang nagpapahinga na. Malalim na rin naman kasi ang gabi, sinabayan pa ng malakas na ulan sa labas.

Hinawakan ko ang kamay ni nanay at bahagyang napangiti. "'Wag ka mag-alala, 'nay. Magsusumikap ako para hindi ka na magtrabaho. Bigyan niyo lang ho ako ng kaunting oras." bulong ko sakanya.



Buti naman at maayos na ang lagay ni nanay. Pano ba naman kasi, sabi ko sakanya na ikalma niya puso niya bago ko ikwento yung tungkol sa lagay ng kaso ni tatay pero ayun, nahimatay pa rin siya. 'Di ko alam kung nahimatay siya dahil hindi nabigyan ng parole si tatay o dahil 200K ang piyansa na kailangan namin pag-ipunan sa loob ng 30 days para makalaya si tatay. Pasalamat kami may dumaan na tricycle kanina at naitakbo namin siya sa ospital. Sobra akong nag-alala. Mawala na lahat, wag lang ang pamilya ko.


Buti nalang din at nahimatay si nanay nung mga oras na andun ako sa mansyon, paano kung nakaalis na ako para makipagkita kay Ivory? Edi nalintikan na...

Tangina!

Agad akong napatayo nang maalala kong magkikita nga pala kami ni Ivory ngayong gabi. Kinuha ko ang payong na dala-dala ko kanina pati na rin ang wallet ko na barya lang naman ang laman para mapuntahan si Ivory. Nagmamadali akong tumakbo sa hallway ng ospital at nakita kong hatinggabi na.

Tangina! pt.2

Bahala na kung anong mangyari. Basta ngayon, kailangan kong puntahan si Ivory doon sa food plaza. Kingina. Nawala na sa isip ko na magkikita nga pala kami ngayon. Tiningnan ko kung anong oras. Utang na loob, alas-dose na ng hating-gabi. Hindi ko alam kung maabutan ko pa siya doon, basta ang alam ko kailangan ko pa rin siyang puntahan.


Minsan talaga ang sarap manampal. 'Yung tipong nagmamadali ka pero yung sinakyan kong tricycle, naisipan pang magpa-gasolina. Like, tangina mo naman kuya? Di mo ba nakikita na nagmamadali ako? Nanggigigil na talaga ako. At dahil ang tagal niya magpa-gas, binigay ko nalang ang bayad ko saka tumakbo dala-dala ang payong na nakakalungkot at basang-basa na.

Sarado na ang lahat ng food stalls sa paligid, maliban sa isang manang na nililigpit ang nag-iisang plastic na lamesa at upuan, pati na rin ang isang malaking payong. Nilapitan ko si manang at nagtanong.

"Manang--"

"Wala! Sarado na kami!" sigaw niya sa akin at muntik nang isaboy sa akin yung naipon na tubig-ulan mula sa timba niya.

"Uy kalma! 'Wala pa nga akong tinatanong eh!" sabi ko. OA kasi ng reaction ni manang. "May nakita ho ba kayo dito na magandang babae?"

Bahagya namang natigilan si manang at parang may inalala, "Ahhh! Yung babaeng may hinihintay kanina dito? Aba eh, dumating na yung hinihintay niya at sabay silang umalis. Ang drama nga nung mga tagpo dito eh, dinaig pa PMPG." aniya.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now