Pandesal 37

1.2K 68 48
                                    

Pandesal 37



NAMJOON aka BOY ALIMANGO's POV

Hayaan niyo akong magkwento nang mga nangyayari dahil sa sitwasyon na 'to, ako lang 'yung matino. Ehem.


"Jeon Jungkook! Sinabi na namin na kahit isang milyong halik pa ibigay mo kay Jimin, hindi 'yan magigising! Pan de Jimin 'to, hindi Snow White!" sigaw ni Jin hyung na pinipigilan ang masyadong nababakla na si Jungkook. Napaiwas naman si Jungkook at parang nag-iisip ng isosolusyon sa kasalukuyang problema namin.

"O'nga, Kook! Kasi kung Snow White man 'to, si Jimin 'yung dwende." dagdag pa ni Taehyung.


Paano nga ba kami napunta dito? Gusto ko sanang ikwento ang nakaraan kaso mabo-boring lang kayo sa katangahan namin, mostly dahil sa sobrang pagiging chaotic ng mga kasama ko. Kung hindi ko lang sila mga kaibigan, baka pinadampot ko na sila sa pulis. Kaso, mabait akong kaibigan kaya dinadamayan ko sila sa lahat ng kagaguhan at kaputanginahan.

"Baka pwedeng tulungan niyo kami dito ni Hoseok na buhatin si Jimin? Kingina mag-aalas kwatro na di pa rin tayo kumikilos dito!" saway ko sakanila Jungkook at Taehyung. Binubuhat namin si Jimin palabas ng sasakyan ni Hobi.


Nakarating na kami sa bahay nina Ivory. Buti nalang at sasakyan ni Hobi ang dinala namin at hindi ang karag at mukhang nakaw na tricycle ni Kookoy. Pinagbuksan kami ng gate ng nanay ni Jimin na si Aling Jaja. Hiniga namin si Jimin sa kama--'wag kayo mag-alala, walang polymory na magaganap, wala ding fivesome o jiminxbts spg na mangyayari. Walang ganun. Rated PG lang tayo.

"Naku, salamat mga hijo sa paghahatid kay Jimin. Jusmiyo! Muntik na akong mag-menopause dahil sa pagaalala kay Jimin. Aba't maghintay kayo riyan at ititimpla ko kayo ng kape." sabi ng nanay ni Jimin.

Naupo kami sa kama, sa tabi ni Jimin. Pinagmamasdan namin ang natutulog at naglalaway na si Park Jimin. Lubos ang pag-aalala namin dahil akala namin may nangyaring masama sakanya. Pero ayun, naabutan namin siyang tulog sa may guardhouse sa labas ng subdivision nina Ivory. Ginising namin siya at kingina, minura niya kami at naghahamok siya ng away. In that moment (naks!) akala namin sumapi sakanya ang kaluluwa ni Yoongi hyung.


Humiga si Taehyung sa tabi ni Jimin, hinihimas niya ang buhok ni Jimin. Sa aming lahat, siya ang pinaka nag-alala. Sunod si Hobi na muntik nang maihi dahil sa sobrang kaba para kay Jimin.

"Hayy, bespren 'wag mo nang uulitin na uminom. Kung gusto mo uminom sabihan mo 'ko, sasamahan pa kita. Kahit saan, kahit anong inumin, sasamahan kita. Gusto ko nasa tabi mo ako, okay lang sakin kahit na akayin kita pauwi kapag lasing na lasing ka." sabi ni Taehyung. Napa-aww kaming lahat kasi shet? Ang sweet? Ng? Friendship? Nila? Uwian na, wala na, Vmin na.

Kumpara sa friendship namin ni Hoseok na kung hindi pa magkaka-bon voyage hindi pa sana kami makakainom ng beer ng magkasama. Paasa kasi yung putanginang Jung na 'yun eh.


'Di nagtagal, mukhang naalimpungatan si Jimin dahil ata sa baho ng hininga ni Taehyung na sobrang lapit ng pagmumukha sa mukha ni Jimin. Napatingin sa buong paligid si Jimin, saka napasapo ng noo dahil tinamaan na yata ng hungover ang gago. Inalalayan siyang bumangon at umupo ni Taehyung. Ever supportive naman talaga. 'La ako masabi, mga par.

"Nasan ako?" tanong ni Jimin, malat pa ang boses. Ayan, laklak pa more.

"Naloko na, nagka-amnesia na naman si sisiw." sabi ni Hoseok saka napasapo ng noo.

Pan de JiminKde žijí příběhy. Začni objevovat