Pandesal 24

5.3K 242 394
                                    


Pandesal 24



Jimin-PARK-Ganern!'s POV


"Jimin, kinakabahan ako." sabi ni Alissa.

Pareho kaming nakatayo sa tapat ng high school na pinag-enrollan sakanya ni nanay. Ngayon kasi ang simula ng klase nila. At para dagdag pogi points, boluntaryo akong naghatid sakanya. Oh diba, ang gentleman ko. Isang masigabong palakpakan para kay Park Jimin na pogi! Huehue

"'Wag kang kabahan! Sa ganda mong 'yan nakuha mo pang mahiya. Gayahin mo kami ng Livogue, mga gwapo na mga wala pang hiya." sabi ko. Honesto po talaga ako.

"Salamat sa paghatid sa akin, ha? Babawi ako sayo. Imamasahe kita mamaya paguwi. Promise 'yan!" nakangiting sabi ni Alissa. Inayos niya ang strap ng bra--joke ng bag pala tapos huminga siya ng malalim.

"Una na tuloy ako at baka mahuli ka pa doon sa Clarkson. Mag-ingat ka ha?" dagdag pa niya.

Ako naman 'tong si timang, halos namumula na sa kilig sa harap ni Alissa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, at parang umiikot-ikot ang kalamnan ko. Kulang nalang maihi ako sa kilig eh.

"Osya sige na. Text mo nalang ko kapag uwian niyo na ha?" paalala ko sakanya.

"Okay. Bye. Kita tayo mamaya sa bahay."

Tumalikod na si Alissa kaso may hindi ako nasasabi pa sakanya.

"Pepay!" tawag ko at agad naman siyang lumingon.

"Alam mo ba kung bakit PARK ang apelyido ko?!" tanong ko habang mapanlokong nakangiti sakanya.

"Bakit?"

"Kasi, mahal kita. PARK Ganern!" banat ko tapos ngumiti, labas-eyesmile.

Napatawa naman si Alissa sa akin. Nagpaalam na siya sa akin at pinagmasdan ko siyang pumasok na sa loob ng campus nila. Di na rin ako nagtagal doon sa high school nila Alissa dahil may pasok pa ako. Sumakay ako ng jeep at pumunta na sa Clarkson.



Pagkarating ko doon, dating scenario na naman. maingay na naman yung mga kaklase ko. May nagpapalipad ng eroplanong-papel, at hindi mawawala si bespren Tete na naglalaro ng tex sa likod ng klasrum. Seryoso ba talaga 'to?

Umupo na ako sa upuan ko, sa tabi ni Yoongi-hyung na desidido sa pagkakalikot ng cellphone niya. Sumilip ako dahil alam niyo na baka nanunuod ng ano huehue, kaso pagtingin ko nanunuod pala siya ng fliptop battle sa youtube. Aba matinde 'to si hyung.

Hindi nagtagal umupo na din si V sa tabi ko.

"Kilala niyo ba ako?" nakangiting tanong niya sa akin.

Napa-pokerface nalang ako sakaniya.

"KILALA NIYO BA AKO?!" ulit pa niya. sasapakin ko na sana si Taehyung kaso biglang sumabat si Yoongi-hyung.

"Mahal ko ang Manila." Nakangising sabi nito.

"Buong buhay ko Namjoon." Singit naman ni Jin Betlogszx. Bigla nalang nasulpot, feeling kabute amputa. Tapos nag-puppy eyes pa sa harap ni Namjoon hyung. Aga-aga lumalandi.

"Mga deputa kayo! Feeling niyo nasa arena kayong mga puta kayo? Concert ba 'to ha? Epilogue ba 'to ha? Nasa MOA ba kayong mga hayup kayo?!" sabat naman ni Namjoon hyung na beastmode na.

Pan de JiminOnde as histórias ganham vida. Descobre agora