Pandesal 35

1.5K 83 127
                                    

PANDESAL 35


JIMIN'S MALA-HYYH THE NOTES NA POV

Lalong lumakas ang bagyo kasabay ng ulan at malakas na ihip ng hangin. Wala nang kuryente sa buong bansa at nagsimula nang malubog sa baha ang ilang mga barangay at probinsya. Buti dito sa bahay nila Ivory may generator kaya nakakapanuod kami ng balita.


Tangina kasi nitong bagyo. Ayaw umalis, parang mga bilbil at pabebeng ex-armys na aalis nalang ng fandom may drama pa sa facebook.


Sinubukan kong icontact sila Tete pero walang sumasagot. Hindi naman pwedeng nalubog sa baha ang phone niya kasi waterproof cellphone nun. Naisip ko na lowbatt pero tngina sa sobrang masinop at mautak ni Tete, gagawa at gagawa 'yun ng paraan para maicharge ang cellphone niya. Kahit nga walang battery phone nun, nakaka-PUBG eh. At kahit walang cellphone, nakakanuod 'yun ng p0rn. Syempre secret lang natin 'yun.


"Ano, 'nak, wala ka pa rin bang balita kina Gaspar?" tanong ni Nanay, bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Wala akong contact kina Mareng Baek at Aling Mameng." dagdag pa niya.

"Kalma ka lang, 'nay--"

"Sus maria ginoo! Paano ako kakalma kung signal number three na tayo tapos wala pa rin tayong balita kina Gaspar! Hindi ka ba nagaalala sa mga kaibigan mong engkanto?!" sigaw ni Nanay sa akin saka naman nakisabay ang kidlat at malakas na kulog. Nagmadaling inabot ni nanay ang rosaryo, pumikit saka nagdasal.

Kinuha ko ang cellphone ko saka tiningnan kung may text na mula sa mga kaibigan ko pero dalawang text lang ang natanggap ko, isa galing sa NDRRMC at isang galing sa ABS-CBN . Kingina naman.

Sa totoo lang, kagabi pa ako nag-aalala. Simula nang ibalita na lalong lumakas ang bagyo at walang text, tawag o ni tweet o email man lang mula sa mga gunggong, sobra na akong nag-aalala.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Ivory na nakaupo sa paanan ng hagdan at may kausap sa telepono. Bakas din ang pagaalala sa mukha niya. Agad akong lumapit nang matapos ang tawag.


"Chim, hindi daw ma-contact ng mga tauhan ni Lolo ang kapitan na nangangalaga sa mga evacuees kasama sila Taehyung." malungkot niyang sabi. "Walang balita kung nakarating sila ng ligtas doon sa bagong evacuation center." aniya.

Nang sabihin niya 'yun, agad na malakas na kumabog ang dibdib ko. Parang nasa lalamunan ko na 'yung puso ko sa sobrang kaba at pagaalala. Pero sa mga ganitong pagkakataon, alam kong hindi dapat ako magpakita ng kahinaan. Wow ang dami kong alam. Fanfic na talaga 'to, madrama na. Kabahan na ang Hwayangyeonhwa The Notes.

Iba talaga dito kila Mayor, kami lang ata sa barangay ang may kuryente ngayon dahil sa generator. Grabe na talaga ang technology. Ma-pera kasi at makapangyarihan si Mayor kaya kami lang yung may generator, grabe kapag may privelege, may promotion. Wait, naiiba na 'to ng landas.

In-on ng isang kasambahay ang TV at nasakto naman sa balita. Napatunganga kami, tahimik at takot na nanunuod sa balita. Stranded ang karamihan ng mga evacuees sa kabilang part ng tulay dahil malakas ang daloy ng baha na sinamahan ng landslide. Mas malakas daw yung chance na bumigay ang tulay kesa sa chance niyo ng crush niyo. Awts.

Nanlaki ang mata ko nang lumapit ang news reported sa isang evacuee at ininterview ito. Sa likod nito, nandun si Taehyung na abala sa pagkaway-kaway sa camera. Munggago talaga 'yon.


"Ikaw, hijo, ano ang nais mong ipaabot sa mga nanunuod ngayon?" tanong ng reported kay Namjoon hyung.

Pan de JiminDove le storie prendono vita. Scoprilo ora