Pandesal 30

2.6K 145 376
                                    

Pandesal 30




BUKO PANDAK'S POV aka JIMIN


"Ok. 1! 2! 123 Go!" signal ko.

"Dahil sayo ako'y matapang, dahil sayo ako'y lalaban—" kanta namin hanggang sa magdagdag ng bagong lyrics si Tete.

"Batang may labaaaaan!" proud na kanta ni Taehyung tapos, chin up pa at nagpamewang na para bang ginagaya ang mga pose nung mga bata sa Bonakid.


Napasapo nalang ako ng noo. Nakailang practice na kami kahapon, at ilang beses na naming pinagsabihan si Tete na huwag maging bobo kahit ngayon lang. Ngayon pa niya naisip na maging bobo sa birthday ni Ivory.


"Diyos ko, lord, sana po patawarin niyo po si Taehyung at ang mga kabudoyan niya, ngayon, bukas at magpakailanman. Amen." Prayer vigil ni Yoongi hyung, kulang nalang magsindi ng kandila sa gilid ng kalsada. Kaso no need na, masilaw naman na ang gilagid niya.

Napasapo ulit ako ng noo. Namumula na ang noo ko punyeta.

"Pwede ba, wag muna tayong magpakagago ngayong araw? Hinaharana dapat natin si Ivory, di ba? Paraan na din natin 'to para magsorry sakanya. Kaya pwede ba Taehyung, itigil mo muna yang kaka-Bonakid mo at ikaw naman Yoongi, lalagpas ka sa langit diyan sa kakadasal mo!" saway ni Namjoon hyung. Sa wakas, maliban sakin, may isa pa palang normal ang pagiisip sakin.

"Akala ko ba tutulungan niyo ako na magsorry kay Ivory, eh pinapahiya niyo lang ako, mga tsong!" reklamo ko saka napakamot ng ulo ko.


Ngayong hapon, nasa harapan kami ng bahay nila Ivory, dala-dala ang kariton na pangkakalakal na hiniram ko kila Mang Daehyun. May dala-dala kaming pagkain syempre, ang paboritong kwek kwek ni Ivory, ang fresh buko juice, tortang talong na fresh from the garden nila Yoongi hyung, at syempre ang isaw at barbeque.

Natahimik naman sila bahagya. At maya maya, biglang bumukas ang gate ng bahay nila Ivory. Sinalubong kami ng katulong nila.


"Pasensya na mga, hijo, wala kaming maipagbibiling bote, plastik, lata at yero." Paumanhin ng ginang at akmang isasara na ang gate.

Tangina napagkamalan pa kaming mangangalakalng bote. "Ah, manang, hindi ho kami mangangalakal."

"Eh ano kayo? Akyat-bahay gang?" pambabara niya samin.

Quota ka na manang ha. "Hinahanap po namin si Ivory."

"Miyembro kayo ng sindikato noh? Kikidnapin niyo si Ma'am Ivory, ano??! Magtatawag ako ng pulis!" banta ni manang.

"Hey, manang, calm down! We're just going to surprise Ivory, we mean no harm! And can you please stop judging us base on our looks? Our hearts are pure, we're just here to greet Ivory, that's all! Look manang. What am I to you girl, what am I to you--" magsisimula na sanang magrap si Hyung pero pinigilan na namin. Baka kasi maka-isip ng pang-cypher pt5 eh.


Natulala naman si Manang sakanya at napalunok. Na-intimidate ata sa amin. Kinginang intimidate 'yan. Aym so prawd op maselp.

"K-kasama nila J-jungkook si Ma'am I-Ivory." utal-utal na sabi ni manang.


Sakto namang pagkasabi niya nun, may dumating na tricyle at ang tanginang mga 'yun muntik nang banggain ang kariton ko. At mas lalo akong nangating manuntok nang malaman kong si Kookoy ang may-ari ng tricyle na 'yun. Namumuro na ilong neto sakin.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now