Pandesal 44

781 43 29
                                    

PANDESAL 44



JIMIN'S POV

"Oh sige, lalarga na! Lalarga na! Usog nalang ho tayo sa unahan! Oh ayan, apat pa yan oh! Kabilaan pa, kabilaan! Babyahe na 'to, sakay na!" sigaw ko, nang aanyaya ng mga pasahero.

Nasa may paradahan ako ngayon ng jeep, nakasuot ng muscle tee at ballcap kasi pota ang init ng panahon ngayon. Hot ako, pero mas hot yung panahon, #1 sa BillboardHOT100. HAHA react naman kayo sa joke ko dali na.


Naghihintay nalang talaga ako na mapuno 'to para makalipat naman ako sa susunod na jeep na nakapila. Hanggang sa may biglang pumisil ng pisngi ko--sino pa nga ba, edi si Namjoon hyung. Adik 'to sa pisngi ko.

"Oh, Jimin. Sipag natin ah." puna niya saka pinanggigilan na naman ang pisngi ko. Ang cute ko naman kasi talaga, no one can relate. "Oks ka lang? Akala ko ba nagtitinda ka ng mga gulay ngayong araw?"

Nagpunas ako ng pawis at sumagot, "Maagang naubos mga paninda ko sa palengke kaya naisipan kong magbarker naman. Dagdag pera." nakangiti kong sabi, hindi alintana ang mainit na sinag ng araw. Kayod lang, mga tsong.

"Baka naman sinosobrahan mo yung pagtatrabaho, hindi mo na iniisip yung sarili mo. Nga pala, kumain ka na ba?"

Napaisip ako. Teka, kumain na ba ako? Napailing-iling si Namjoon hyung saka may kung anong kinuha sa bulsa niya. Isang 100 pesos.

"Oh, ayan." saka niya inabot sa akin ang pera.

Napakunot ang noo, "Bro, barya lang naman ibayad mo utang na loob. Kakasimula ko lang, sandaan agad bayad mo. Otso lang pamasahe." sabi ko, nagmamaktol.

"Gunggong, sayo na 'yan. Tas eto yung pamasahe ko." saka niya nilapag sa palad ko ang saktong otso pesos. "Kumain ka muna, sige na. Oras dapat ang lumilipas, hindi gutom. Sige na, Chim." Ginulo-gulo niya ang buhok ko saka ngumiti. Pumasok na siya sa loob ng jeep at umupo, nag-thumbs up pa nang mapansin na nakatingin pa rin ako sakanya.

Ngumiti ako kay Namjoon hyung at bahagyang nag-bow sakanya, senyales ng pasasalamat ko sakanya. May mga pagkakataon na gusto kong ilublob sa Manila bay ang mga kaibigan ko, para mas matimbang yung mga pagkakataon na gusto ko nalang silang yakapin dahil higit pa sa pagkakaibigan ang meron sa aming pito. At kahit wala na ang isa sa amin, poreber pa rin siya sa puso namin.



"Alis ka na, tol?" tanong sa akin ni Hoshi, ang katrabaho ko dito sa coffee shop. Nagpaalam na ako sakanyang uuwi na dahil tapos na ang shift ko.

"Ah, oo, eh. Sasamahan ko pa si tatay na magsara nung panaderya namin." sagot ko habang inaayos ang bag ko na kaunti nalang bibigay na sa sobrang luma.

"Oh, sige. Nga pala, eto na yung sweldo mo, pinapabigay ni boss Seungkwan." sabi niya saka inabot sa akin ang isang sobre. Ngumiti ako sakanya at saka ako nagpaalam na uuwi na.

Natapos na rin ngayong hapon ang pasok ko doon sa coffee shop, pakatapos ko maging barker ng jeep kanina at kumain dumiretso na ako dito para sa shift ko. Hindi naman gaanong mahirap ang trabaho dito sa coffee shop, minsan waiter o kaya naman taga-kuha ng order sa counter, minsan taga-hugas ng mga mug at baso. Okay na rin 'tong parttime ko na 'to, naka-aircon na nga may wifi pa.


Naglalakad ako pauwi ngayon, ayoko naman na kasing gumastos pa sa pamasahe kung kaya ko namang lakarin 'to. Hanggang sa mapansin ko ang food plaza. Hayy, ang food plaza kung saan marami akong alaala. Hindi pa pala tapos ang angst sa story na 'to, tangna.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now