Pandesal 23

6.4K 272 711
                                    


Pandesal 23



Nuno-sa-Punso aka JIMIN's POV

"Jung Hoseok...ang pipiliin ko ay..." lahat sila inaabangan ang sagot ko. Akala mo teleserye sa TV. Ganun na ba ako kagwapo?

Hindi muna ako nagsalita. Para may pakaba effect. Para kunyare nasa madramang teleserye kami. Huehue. Kaso itong si kabayo umepal na naman.

"Aughh~ Jimin is very no fun. You very no fun." sabi nito habang nagsisitalsikan ang dirty water niya sa pagmumukha ko. Oo, baliktad na ang mundo. Ako na yung natalsikan ng laway. Amoy-carabao grass pa. Putangina dis.

"WALA AKONG PIPILIIN!" sabi ko. "Hindi ko ibibigay sayo ng ganun-ganun lang si Alissa, at di ko rin isusuko ang panaderya. Ano akala mo sakin? Hilo?"

"Pandak ang pagkaka-akala ko sayo. Gago. Dami mo kaartehan." sabi niya sa akin. Kinuha niya ang ilang papeles na dala niya sa envelope tapos inabot sa akin. "Simula palang alam ko na na wala kang pipiliin." aniya

Aba't ketanga-tanga naman pala neto. Alam na palang wala akong pipiliin, pumunta pa dito? Nagsayang lang siya ng gasolina, nagsayang lang ng effort yung driver nila, nagsayang pa ng effort si Atty. Pdogg. Di talaga nag-iisip 'to si Baba e. Puro kasi damo inaatupag.

"Pero bibigyan kita ng tatlong buwan para makapag-isip-isip, Jimin. Isusuko mo ang PDJ o ibabalik mo na si Alissa. Alam ko naman na dito siya sayo tutuloy eh. Mag-isip ka ng maayos, Jimin. Tatlong buwan lang, pakatapos pwede ka na namin sampahan ng kaso." nakangisi niyang sabi sa amin tapos tumalikod na siya at naglakad palayo.

Psh. Maniwala. Aalayan ko lang 'yun ng damo, mawawala na yung galit nun sa amin.

Kasi naman e, sa lahat ng pwedeng pagdiskitahan yung panaderya pa namin. Lublob ko siya sa dagat e, para maging seahorse.


Pagpasok ko sa loob ng bahay, balik sa normal lang ulit. Si Lolo Bang nanunuod na ng TV. Si Tatay bumalik na sa Pan de Jimin, si nanay naman naglalaba nung mga brip ko. Ako? Puntang kwarto mag-aano.

Kakausapin si Alissa. O kayo talaga.

Pagpasok ko, nadatnan ko siyang nakatulala at nakaupo sa may kama. Agad ko siyang nilapitan.

"Ali--este, Peps. Okay ka lang?" tanong ko. Malay niyo naman kasi may sakit pala siyang nararamdaman. Dinudugo na yata utak tapos wala akong gagawin? Ang ungentleman ko naman kung ganun.

"Narinig ko ang usapan niyo ni Hoseok kanina. Talaga bang sasampahan niya kayo ng kaso kapag di niyo ko binalik sakanya?" malungkot niyang sabi.

Nakaramdam naman ako ng pag-aalala para sakanya. Ang daming iniisip ni Alissa. Una, yung mga alaala niya di pa rin bumabalik. Ngayon naman itong problema kay Hoseok. Ayaw niya lang na ipagpilitan ang sarili niya doon. Bakit kailangan pa siyang pilitin, di ba?

Lumapit ako sakanya at inakbayan siya. "Wag mo na 'yun isipin. Kahit 'di na siya maghintay ng tatlong buwan."

"Ba't naman?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Kasi for sure, isang buwan palang ipapakulong na ko ni Duterte." nakangisi kong sagot sakanya.

"Kasi mukha kang adik?" natatawa niyang sabi.

Napatawa naman ako, ginulo ko ang buhok niya "Hindi. Ipapakulong na daw mga kriminal eh. Pano yan? Mahilig pa naman akong magnakaw ng tingin sayo? Adik na adik ako sayo. Isama mo pang nambubugbog ako ng halik."

Pan de JiminWhere stories live. Discover now