Pandesal 43

709 35 38
                                    

PANDESAL 43



JIMIN'S POV

"Tangina mo, Jimin, kapag hindi ka tumigil kaka-ngawa diyan ibabato ko talaga sayo 'tong balenciaga ko." pananakot sa akin ni Hoseok hyung.

Agad kong pinunasan ang luha ko. Pandigma ang balenciaga ni Hoseok hyung kaya pinilit kong manahimik, sayang naman kung magagasgasan 'tong mukha ko na pwedeng i-display sa National Art Musuem.

"Sorry naman, eh sa nag-aalala ako para kay Ivory." tugon ko.

"Nag-aalala din kami pero 'di kami ngumangawa at hindi kami inuuhog kakaiyak." sagot ni Jungkook. "Halika nga dito, punasan ko 'yang luha mo."

Papalampasin ko ba ang pagkakataon na mapalapit kay Kookoy? Syempre hindi. Keep calm and stay malandi.

Joke lang. Walang landian na naganap. Platonic lang tayo mga, tsong. Hanggang ship lang, mga bro. Nang masiguro kong wala nang luha sa pagmumukha ko, umupo na ako muli sa tabi ni Jin hyung at naghintay sa doctor ni Ivory.


Agad kasi naming sinugod si Ivory matapos niyang matumba. Akala nga namin natamaan siya ng bala. Hindi naman pala, buti nalang. Pasalamat nalang kami at wala sa amin natamaan ng bala ng baril. Malakas pa rin talaga guardian angel namin sa likod.

Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto sa kwarto ni Ivory at lumabas na ang doktor. Hallelujah! Magpapamisa na talaga ako. Prayer vigil na dis.

"Dok, kumusta po si Ivory? Kumusta po ang lagay niya? Ok na po ba siya? Wala naman po siyang taning, di ba? Mabubuhay pa naman siya ng matagal kasama ko? Magkakaanak pa kami ng isang dosena? Dok, ano, sagot!" sunod-sunod kong tanong. Hindi niyo naman ako masisisi dahil sobra talaga akong nag-alala para kay Ivory.

Tinapik-tapik ni dok ang balikat ko. Feeling close amp. "Hijo, kumalma ka muna. Maka-react ka naman, bakit boyfriend ka ba?"

10/10 sobrang sakit, pwede na umiyak ulit. Nakakasakit ka ng damdamin, dok, hinay-hinayan lang natin.

"Joke lang. Ok na ang pasyente. Nahimatay lang siya sa sobrang pagod sa pagpupumiglas mula sa kumidnap sakanya. Stable na siya ngayon. Mabuti nalang at hindi gaanong malalim ang mga sugat at pasa niya sa katawan. Baka sa makalawa, pwede na siyang makauwi and you will live happily ever after." sagot ni dok. Ayun naman pala.

Nakahinga kami ng maluwag. Buti nalang at maayos na ang kalagayan ni Ivory.

"Dok, pwede na po ba kaming bumisita sakanya? Pwede na po ba kaming pumasok?" tanong ko.

"Aba, oo nam--"


"Walang bibisita sa apo ko, mga hampaslupa!"


Napatingin kami sa dako kung saan may sumigaw. Parang gago ampota. Palengke ba 'to? Kung makasigaw akala mo hindi 'to ospital e. Walang modo--hala, yung Lolo ni Ivory. Si Mayor Sandoval pala, yung pakialamerong lolo.

"Guys, pigilan niyo ko baka may matanda akong masusuntok dito. Pinagkaitan na nga tayo ng sarili nating lupa at bahay sa barangay, pati ba naman pagbisita kay Ivory?" nanggagalaiting sabi ni Namjoon hyung. Pinapakalma naman siya ni Hoseok hyung. Mahirap na, baka magkagyera dito.

Lumapit sa amin si Mayor, kasama ang ilang security niya. Gago? Kala niya natatakot kami? Uh, oo, pero kaunti lang naman.

"Anong ginawa niyo sa apo ko, ha?! Pagbabayaran niyo 'to! Sisiguraduhin kong makukulong kayo sa kulungan!" sigaw niya na naman. Kapag na-high blood 'to, baka isisi pa sa amin.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now