Pandesal 39

845 46 18
                                    

PANDESAL 39


kaconyohan pt2. kaunting tiis nalang guys, nahihirapan na din ako hahahaha



IVORY's POV

We waited for Jungkook in the tapat of a sari-sari store. Nalaman kasi namin from Aling Jaja na nag-apply pala sa isang cafe si Jimin. Super tight ang schedule ni Jimin, in the morning gardener namin siya, then from lunch until afternoon isa siyang waiter and then nagtitinda siya ng balot in the evening. We love one (1) dedicated man.

Hindi rin nagtagal, a tricycle stopped in front of us and Jungkook came to us. Kasama niya si Jin oppa na bumaba na rin from the passenger seat ng tricycle.

"Hi, Jin oppa. Hi, Jungkook." I greeted them.

Dinaanan lang ako ni Jungkook as if I'm just hangin to him, like I'm invinsible. It's okay. I'm sanay na.

"Hi, V hyung!" masayang say ni Jungkook and then he akbay Taehyung.

Jin oppa just sent me his comforting smile and then tinapik-tapik niya naman ang shoulder ni Tae.

"Filipino time talaga? Ang usapan 10AM, tapos pumunta kayo 12noon. 2 hours? Tangina?" reklamo ni Taehyung and then he make iwas-iwas to Jungkook.

Napakamot naman sa batok si Jungkook, like he's shy. "Sorry naman, purple babes, may inasikaso kasi kami na surprise sana."

"Surprise?" ask ni V.

"Yup. SURPRISE!" sabay na sigaw nina Jungkook at Jin.

With that, may isa pang person na lumabas from the loob of the tricycle. My eyes went big from shock, pati na din si Taehyung. Kim Namjoon stood out of the tricycle and he looked asar to us, like he's just napilitan sa nangyari. Lumapit si Jin and he make akbay to Namjoon.

"Nakita kasi naman si Joon na nagliliwaliw sa tabing-ilog, naghahanap ng alimango kaya in-ambush namin siya ni JK." explain ni Jin oppa.

Inalis ni Joon ang kamay ni Jin na nakaakbay sakanya at lalong sumimangot, "Ilang beses ko ba sainyong uulitin? Hindi ako makikisama sa plano niyo. Asa!"

"Joon, nung una ayaw ko din sumama. Pareho lang tayo na may kinikimkim na pagtingin sa isa't-isa, charot! I mean, may kinikimkim na sama ng loob sa babaeng kasama natin ngayon. Pero isantabi muna natin yung mga nararamdaman natin, isipin muna natin yung samahan at pagkakaibigan natin." pagsumamo ni Jin, na parang nilalambing si Namjoon.

Namjoon fell silent. Tiningnan niya kami isa-isa and when his gaze fell on me, he immediately rolled his eyes.

"Sorry, Jin hyung, 'di kita mapagbibigyan ngayon." he said. How sad.

Ano ba 'to. Hindi pa nags-start ang buong plan, parang palpak na kaagad. I mean, hindi ko naman talaga ini-expect na sasama si Namjoon sa plan ko, but perhaps I was hoping na he'd make peace with his friends. Afterall, friendship naman talaga ang gusto kong buuin. It's friendship that I want to save and rebuild.

"'Wag na natin pilitin 'yung mga taong ayaw. Halina kayo. Nagsasayang lang tayo ng oras. Kung ayaw, edi 'wag." Taehyung deadass said. Hinawakan niya ang kamay ko ang pulled me palayo kay Namjoon.

"Kim Taehyung!" sigaw ni Namjoon, he looks like he could kill right now.

"Kim Namjoon!" lumingon naman si Taehyung and sinamaan niya din ng tingin si Namjoon. "Hyung, kung ikaw sinukuan mo na ang pagkakaibigan natin, ako hindi pa. Tutulungan ko si Ivory na makausap niya si Jimin, nang magkabati na sila at matapos na 'tong away-away na 'to. Pero kung ayaw mo, sige, umalis ka na. 'Di ka namin kailangan."

Pan de JiminWhere stories live. Discover now