Pandesal 29

2.2K 149 374
                                    

PANDESAL 29



INTERNATIONAL PLAYBOY JUNGKOOK'S POV

(tangina ang haba ^)


Nag-B-Bboy ako habang naglalakad pauwi. Only legends. Bandang alas-nuebe na ata yun nang mapansin ko ang isang babaeng naglalakad, nakasuot ng gown, may bitbit na heels, at medyo gulo-gulo ang buhok. Tangina baka taong-grasa 'to? O kaya takas sa mental? Pano kaya siya pinapasok ng guard dito?

Naningkit ang mga mata ko. Nagbackflip ako, tumambling, saka nagb-boy ulit habang papalapit dun sa babae. Wag kayong ano, nagppractice ako kasi sasali ako sa Wowowin. Baka bigyan akong jacket ni Kuya Will. Support niyo ko ha.

"Hoy, mi--IVORY? OI SANDOVAL! Ano ganap sayo? Ba't ka nagkaganyan? nagdrugs ka ba? Nasobrahan ka ba sa kakaaral? Sabi ko sayo walang kwenta mag-aral eh! Ano? Nakainom ka ba ng tubig mula sa kanal? Hoy, sagutin mo ko!" sunod-sunod kong tanong.

"Huminahon ka, Jungkook." sabi niya, halatang pagod.

"Hindi ako kakalma dito hangga't hindi mo sinasabi! Malay ko ba baka mamaya niyan ginahasa ka pala! Punta muna tayong pulis, magpa-blotter tayo sa barangay, tapos kain na din tayo sa mdco pagdaan natin pauwi." dagdag ko naman. Isusukbit ko na sana ang kamay ko sa braso niya nang bigla niya akong itulak.

"Ano ba, Jeon Jungkook! Sabi kong kumalma ka muna, di ba?! Pwede ba?! Nakakainis ka na! Isasama kita sa Mulawin, kingina mong Seagull ka!" sigaw niya sa akin na siya namang kinabigla ko.

Jungshookt ako mga pre.


Ang sama ng tingin niya sa akin. Dahil sa ilaw na nagmumula sa streetlight, nakita ko ang itsura niya nang malapitan. Kulang ng isang pares ang dangling earrings niya, kalat-kalat ang make up at eyelines pisngi, halatang bagong iyak, medyo gulo ang buhok at matamlay.

Napakamot ako ng batok saka sinunod ko ang gusto niya--huminahon ako dahil baka mamaya baka masapak niya pa ako.

"Ah eh, kung ganun, ihahatid na tuloy muna kita sa bahay niyo para makapahinga ka na." sabi ko saka ako lumapit sakanya at inalalayan siya.

"Ayoko pa umuwi, Jungkook."

"Hindi naman pwede na tumambay tayo dito sa daan. Mamaya ma-tokhang tayo, mukha ka pa namang adik." saway ko sakanya. "Alam ko na, tumambay nalang muna tayo dun kila Jin hyung. Malapit lang parlor niya dito eh."


Tumango naman si Ivory.

"Hintayin mo ko dito. Kunin ko lang yung tricycle ko, pinagpark ko lang dun sa may puno. Tambay ka muna dito, 'tol." sabi ko saka nagmadaling tumakbo para kunin ang brandnew kong tricycle. Wag niyo kong husgahan, hindi galing sa nakaw ang tricycle ko mga ulol.

Sa buong byahe, tahimik lang si Ivory. Medyo naninibago ako dahil hindi naman siya ganito katahamik minsan. Gusto ko sanang magtanong kung anong problema pero mas minabuti kong i-interrogate siya doon nalang sa parlor ni hyung.


Nakarating naman kami kaagad sa parlor ni Jin hyung. Pasalamat naman kami at naabutan namin siya doon. Sarado na ang parlor niya pero sure akong nasa loob si hyung dahil may sinag pa ng ilaw galing sa siwang ng pinto.


Kumatok ako.


"Hyung! Buksan mo 'to, alam kong nandyan ka pa! Pagbuksan mo kami ng pinto!" sigaw ko habang kumakatok.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now