Pandesal 16

9.6K 320 511
                                    

16



"Puta, ikaw?!"

"Hahaha gulat ka noh? Akala mo si Ivory? Pero si Ivory nga 'to. Hahaha."


Tatawa-tawang sabi ni Ivory habang pinapagpagan ang buong katawan dahil nga sa natumba kaming dalawa. At take note, nakapatong pa siya sakin.


"Ibalik mo sakin yung singkwenta ko, Ivory! You got no fifty!"

Napasimagot siya tapos sinamaan ako ng tingin. "Alam mo ang damot mo kahit kailan! Pinagdamutan ka na nga ng height, pati ba naman ng magandang asal?! Oh ayan, saksak mo sa esophagus mo!" Tapos sinalaksak niya sa leeg ko, sa may parteng adams apple, yung pera.


Sinimangutan niya ko tapos tumalikod na at umalis.

LAGOT KANG JAMLESS KA. Puta sige, konsensyahin niyo pa ko!


"Hoy, Ivory! Bumalik ka dito! I'm just a kid! Ililibre na kita! Leshe wag ka nang pabebe diyan!"

Sumigaw naman siya sa akin, "Spell mo muna ang ESOPHAGUS."

Napakamot ako ng ulo, kingina ah! Challenging ang babaeng 'to. Nagbuntong hininga ako ako saka nagsimulang magspelling.


"E-S-O- uhmm...F? -A- G---O-O-S-E!! Esofagoose!"


Napatigil si Ivory saka lumingon sakin. Mayamaya may binato siya sakin.

Pagtingin ko, MERRIAM DICTIONARY 69TH EDITION.


Sabihin niyo nga, kailangan ko bang magpasalamat sakanya o dapat akong mainsulto? Magaling naman ako sa english dahil tutor ko si Yoongi hyung!


Naglakad nalang ako pauwi, sabi ko nga ayokong gastusin yung pera na binigay ni Alissa baby she only enough already no breakdown. Ipapa-frame ko pa to at ipapalagay sa exhibit ni Manong WU YI FANOT, mala-galaxy daw ang theme at ang venue ng exhibit? Sa bahay ng Lola ni Aling Baekla kasama yung sikat na endorser ng MemoPlus Gold, si Kuya Yixingotpamore.



Dumaan muna ako sa 7/11 at natagpuan ko doon ang Tropang Betlogszx na masayang naghaharutan. Psh! Pustahan tayo, palibre lang yang Ilong na 'yan kay Hoseok. Mukhang pera ang betlog na 'yan eh.

Pasimple kong pinakyuhan yung tatlo, akala ko hindi nila ako makikita...pero kingina. Nakita ako nila. Mali pala ako.

"Oy, Jimin, Dagul Korean version! Oy!" sigaw ni Hoseok sa akin.

Inirapan ko siya saka hinarap, "Gwapong-gwapo ka na naman sakin, Hoseok! Wala akong dalang damo! Ano bang problema mo?"

"Yang kapandakan mo." Singit naman ni Kim Bading na kumakain ng cup noodles, tapos nagtawanan sila.

"Oh man, holy s**t." asar na mura sakin ni Jungkook.

Napa-ohh nalang si Hoseok habang si Jin naman halos mabilaukan na. Tama yan, matuluyan ka na sana. Nakakainis talaga ang mga betlog na 'to. Uulitin ko, ang betlog nila parang height ko-WALA!

"Tumahimik ka diyan, Jungkook! At para ipaalala ko sayo, walang banal na tae naintindihan mo? At kayong betlog, sinasabi ko sainyo na may jams na ako! Di niyo ba napanuod yung sa Bangtan Bomb namin ni Badjao? I GOT YES JAMS ang title! Mga ulol, hindi marunong magbasa!" sigaw ko sakanila. Napatingin nalang sa akin yung ibang mga tao na tumatambay din sa 7/11.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now