Pandesal 45

923 47 44
                                    

PANDESAL 45



JIMIN'S FINAL POV


May mga istorya na nagtatapos sa masaya, meron naman nagtatapos sa malulungkot na kabanata. Ako si Park Jimin. At hindi ko hahayan na magtapos sa mga luha ang istorya ng buhay ko.


Naks! Lakas maka-MMK ng intro. Joke lang naman, bahala na kung ano mangyari, gwapo pa rin naman ako kaya para saan pa para maging malungkot, di ba? Think positive lang tayo, mga tsong.

"Jimin! Gising na! Ano, hihilata ka nalang diyan buong araw?" sigaw ni nanay sabay pasok sa kwarto ko at agad na inalis sa katawan ko ang kumot. Gaguhan, 'nay? Tulog 'yung tao e.

Naalimpungatan ako, malamang. Nagpabaling-baling ako sa hinihigaan kong banig. Gusto ko pang matulog eh.

"Bumangon ka na, Park Jimin. May araw na!"

"Oh ano ngayon 'nay, magp-photosynthesis na ba ko? ARAY KO, MA! TAENA, DI MO NGA ATA ALAM KUNG ANO PHOTOSYNTHESIS E! ARAAAY! PA SI MAMA OH!" sigaw ko at talagang agad akong napabangon nang kurutin ni nanay yung parte na alam niyo na. Kapag hindi ko naparami lahi namin, alam na kung sino may kasalanan.

"Arte mo. Lumabas ka na diyan at dumulog ka sa hapag, may almusal na. Maghugas ka pagkatapos!"

"Luh, ba't ako?"

"At sino pala? Ako? Ako na naman? Lagi nalang ako ang bumubuhay sa pamilyang 'to! Naha-highblood ako sayo kauma-umaga! Pakatapos kitang ipanganak at ilabas sa ano ko, palakihin at alagaan, ganyan ang sasabihin mo? Pinaaral kita, pinalaking gwapo, binihisan! Wala ka man lang utang na loob!" litanya ni nanay.

Napa-pokerface ako sakanya. "Grabe 'nay, ang OA. Paghuhugas lang napunta ka na sa utang na loob." sabi ko habang nakanguso. Lumabas nalang ako sa kwarto at baka kung saan pang lupalop mapunta ang usapan. Ba't kaya ganyan mga magulang natin minsan, noh? Maliit na bagay, pinapalaki. Magtatanong sila, tapos kapag sumagot tayo sasabihin sumasagot-sagot na tayo. Ang lalabo.


Anyway. Mamaya na yung rant. Paglabas ko sa maliit naming kusina, natagpuan ko na doon sila Yoongi hyung at Taehyung, nakikisalo sa almusal. Wala si tatay, malamang maaga siyang nagbukas ng panaderya. Umupo ako sa tabi nila at nagsimula na rin kumain. Naghanda pala ng omelet, sinangag at tuyo si nanay.

"Guys, bakit kaya omelet ang tawag sa itlog at talong? Bakit hindi nalang itlong? O kaya talog?" biglang tanong ni Taehyung. Pinagtinginan lang namin siya. Ang umaga nagsisimula na naman sa mga ganyan si Tae. Hayaan niyo na, na-sleep paralysis yan kagabi.

Ang scientific na ng mga sinasabi ko, ah. Kanina photosynthesis ngayon naman sleep paralysis. Panis yung best in science ni Namjoon hyung.

"Tae, manahimik ka nalang. O kaya kung wala ka talaga magawa, gawin mo eagle pose para may kwenta ka na." sabi ko sakanya. Inabot ko nalang ang omelet at nagsimulang kumain.

"Ano, Jimin, sarap ba ng talong ko?" tanong bigla ni Yoongi hyung.

Naibuga ko kaagad yung kinakain ko at sinamaan ko ng tingin si hyung. Tangina naman? In front of my omelet? "Hyung, anong kabastusan na naman ba yan?"

"Gago! Literal na talong. Umorder sakin nanay mo, bumalik na 'yung 3$ for 1 kilo na talong ko." sagot niya, sabay taas-baba pa ng mga kilay.

Tumango nalang ako. "Klaruhin mo kasi."

"Anong talong na naman kasi nasa isip mo?" nakangisi pang tanong ni hyung saka napalipbite. Walang ganyanan! Marupok ako eh!


Pan de JiminWhere stories live. Discover now