Pandesal 15

9.3K 371 518
                                    

Pan de Jimin 15



BETLOGSZX 

JUNGKOOK's POV

Nandito na ko sa bahay nila Hobi hyung. Ako na ang naghatid kay Alissa pauwi. Hindi ko nga alam kung bakit ako napadaan sa Clarkson University. Inutusan lang naman ako ng nanay ko na bumili ng katol eh, tapos napadpad na ako dun. Malakas kasi ang radar ng ilong ko pagdating kay Alissa, aking pinakamamahal.

Ewan ko ba kasi kung bakit siya pumayag na magpahatid sa pandak na yun. Sa liit ng mata nun, di na nun makikita ang daan!

Pinagmamasdan ko lang si Alissa habang natutulog. Binibilang ko ang pores sa mukha niya. Tapos minimemorize ko na din kung saang parte ang mga nunal niya. Wag kayong mag-alala, wala akong ginagawang mali o kalibugan kay Alissa.

Wala PA.

Huehue.

"Jungkookoy, kasing lagkit ng kulangot at semen mo yang mga titig mo sa kapatid ko. Umuwi ka na nga! Baka hinahanap ka na ng nanay mo!" di ko namalayan na nasa loob na din pala ng kwarto si Jhope hyung. Nagsasalitang-baba na naman.

"Hyung, nais ko lang pagmasdan ang mukha ng aking irog—ang mukha ng magiging ina ng aking mga supling! Ang magpapatuloy ng kagandahang lahi namin." matalinhaga kong sabi.

"Ulol!" yun lang ang tanging sabi niya sakin.

"Oy Jungkook!" tawag sakin ni Jin hyung. Nandito din pala ang bading na 'to? Kumpleto pala ang betlogszx ngayon. Huehue. Squad goals na this!

"Jungkook, alam ko na kung ano ang theme song ng buhay mo." Masayang sabi ni Jin hyung saka umupo sa gilid ng kama ni Alissa. Kung makangiti, akala mo nabuhay na si Super Mario.

"Sige nga, hyung! Ano?"

Napa-ehem naman si hyung, kunware nagvovocalization.

"Maybe my love will come back someday, only heaven nose~ and maybe our hearts will find their way, only heaven nose~ And all I can do is hope and pray, coz heaven nose~" tapos tumawa siya, papiyok pa. Mukha siyang bakla sa gay bar. Fuchsiangina mo, hyung!

Napaokerface naman ako sakanya, habang silang dalawa ni tikbalang—este ni Hobi hyung, tawa ng tawa.

"Alam ko din ang theme song niyo! Kay Jhope hyung muna, SANTONG KABAYO, NATATAWA AKO HIHIHI!" tapos napatigil si tikbalang—ay Jhope hyung sa kakatawa.

"Kay Jin hyung naman, NOW WATCH YOUR FACE~ MUKHA KANG GAE (gay) GAE (gay)!"

Tapos ako naman yung humagalpak sa kakatawa sabay sayaw ng nae nae—este gae gae. Mga wala pala 'to eh! Lakas na asarin ang beloved ilong my love so sweet ko, eto nalang nga ang asset ko sa buhay! Ano kayo ngayon?

Santong kabayo plus Watch you gae gae is heart.

"Ngayon palang, Jeon Jungkook, hindi na ako boto sainyo ng kapatid ko! Santong kabayo pala ah! Lumayas ka dito!" tapos binato ni Jhope hyung yung malapit na lampshade sakin.

Pero syempre sinalo ko, iuuwi ko 'to sa bahay. Gagawin kong street light sa tapat ng bahay namin. Mas maliwanag pa kasi 'tong lampshade nila hyung kesa sa future ko. Hehe.

"Hyung, manliligaw ako kay Alissa. Payagan mo ko pls! Nagmamakaawa ang betlog ko sayo!" puppy eyes ko namang sabi.

"Kookoy, wag kang magpuppy eyes. Nagiging kamukha mo si Kabang. Yung asong inoperahan." Saway ni Jin hyung habang nilalagyan ng nail polish yung lips niya. Akala siguro lip balm. Hayaan niyo lang, idol niya si Kai sunbaenim. HAHAHAHA okey.

Pan de JiminWhere stories live. Discover now