author's note

850 51 21
                                    

n o t e ;


0hw3mg1e3! t4p0Zs nhuA @nG stoRY nHa 1t0 j3j3 lol tangina

Una sa lahat, kung pwede ko lang kayong yakapin lahat na nagbabasa nito, gagawin ko talaga! Pangalawa, congrats kasi nakaabot tayo dito. At pangatlo, isang malaking pasasalamat.


Sa totoo lang, di rin ako makapaniwala na tapos ko na ang PDJ. I mean, sa dinami-dami ba naman ng pinagdaanan nito, personal issues ko, brink of discontinuation ng PDJ, biglang wow tapos na. Hindi ko inakalang aabot ako sa puntong magpo-post ako ng final chapter at author's note. Masiyahin akong tao pero shet, hirap pala magsulat ng crack / humor fiction. Yung tipong halos araw-araw kailangan ko mag-draft ng new jokes, mga kacornyhan, nakakabobong english, mga funny scenarios, ayusin ang flow from madrama to nakakapunyeta to nakakatawa. Noong nagsimula akong magsulat ng PDJ, akala ko easy lang 'to sakin, pero fck, 'di ko in-expect yung karamihan sa mga ganaps at experiences ko sa pagsusulat nito.

Hindi biro yung pagsusulat ko ng mga biro.


Pero kung meron man akong hindi talaga ini-expect ng sobra... 'yun ay ang may makilala akong mga taong openminded masyado sa mga sinisulat ko. Kayo 'yun. 'Di ko ini-expect na may magbabasa, may makaka-appreciate nito. Pero, gusto ko talagang magsorry muna sainyo kasi na-delay ng sobra ang updates noon. Pasensya kung naging mabagal yung usad ng story.

Pero mas gusto kong mag-thank you. Salamat sa lahat na nagbasa ng PDJ, sa mga nagvote, comment, sa mga feedback niyo both positive and negative, sa pagsakay sa jokes ko, sa pagsama sakin sa isang malaki at mahabang journey ng PDJ. Maraming magagandang PJM & BTS fanfic diyan pero binigyan niyo ng chance na basahin at i-appreciate ang PDJ.

Salamat sa halos apat na taon na pasensya niyo sa paghintay sa updates, sa pagtatiyaga niyo sa kajejehan nito, sa pag-suporta, sa pag-inspire sakin na tapusin 'to at syempre sa pagbabasa nito. MARAMING-MARAMING SALAMAT!


Ang drama ng note ko, mga bakla! HAHAHAHA hindi bagay sakin di ba hahaha pero tangina sincere ako, promise. Love na love ko kayo, sana love niyo rin ako at ang PDJ yiee dali na hahaha. Ulit, salamat ng marami mwa mwa!

Baka naman meron kayong tanong, saloobin, feedback, criticism etc for PDJ? Eto na ang nararapat na panahon to comment it. I need feedback para magkaroon naman ako ng improvement kasi 2019 na, di ba improve improve naman tayo! HAHAHAHA! Seryoso, sabihin niyo na saloobin niyo at nang makapag-take notes na ako para sa ikagaganda ng susunod kong Jimin ff. :)


SALAMAT ULIT! LOVE YOU~

- ate nessa |fb: dakilangswaeg ; twt: sopebub|

Pan de JiminWo Geschichten leben. Entdecke jetzt