Kabanata 1

4.6K 118 15
                                    

KABANATA 1


"Gising na, my beautiful princess!" Bulong ng isang malamyos na tinig na pamilyar sa akin.

"Hmmm... Rekka?" Pilit kong hinagilap ang pinanggagalingan ng boses.

"Napag-iiwanan ka na ng mga magagandang kaganapan niyan. Gising na, baby," lambing pa nito pero tinatamad pa rin akong magmulat ng mata.

"Hmmm... Ayoko pa. Gusto ko pang matulog," sagot ko rito sabay hila ko sa aking comforter at ibinalot ito sa buo kong katawan.

"Sige na, Princess, bangon na. Hindi ka pa kumakain niyan, oh!"  Pagpupumilit pa noong tinig.

"Mamaya na, Rekka. Ang kulet mo talaga! Eh, antok pa nga ako! Ang sakit pa ng sikmura ko," nang sinabi ko iyon, awtomatiko namang napahawak ako sa aking tiyan at inaalala kung bakit sumasakit iyon.

"Tignan mo, gutom ka na. Kaya bangon na, Princess," may pag-aalala pa nitong tugon.

Hindi naman ako gutom. Masakit lang talaga... Biglang sumagi sa isipan ko iyong mga kabigha-bighaning berdeng mata.

Sunset. Beach. Sands. Those mystifying emeralds!

Agad akong nagmulat at una-unang pumasok sa linya ng aking paningin ang nag-aalalang bulto ni Gene. Kaharap niya ngayon si Mang Nestor at tila nasa kalagitnaan sila nang isang masinsinang pag-uusap. Hindi ako bumangon at iginala na lamang muna ang paningin sa kabuuan ng silid.

Unang-una kong napansin ang kamang kinahihigaan ko. Apparently, I'm lying in the middle of an antic four-poster bed, complete with white satin sheets, comforter and pillows. Pansin ko ring high-ceilinged ang room. The lights were in the right places pero nakapatay naman ang mga ito ngayon. Tanging iyong ilaw lang na nagmumula sa mga lampshades on each side of my bed ang nakabukas. The cabinets holding the lampshades were obviously made to match this bed. Wala masyadong furnitures at napaka-minimalistic ang pagkakaayos ng silid.

I saw that there were white satin curtains covering the balcony doors. Walang bintana. Just those doors. Kahit medyo dim-lighted ngayon ang kwarto, kitang-kita ko na kulay puti ang nangingibabaw sa kabuuan nito. Even the walls were painted white with silver etching of flying dragons! It doesn't take a cow to understand where I am right now.

"I don't care how you do it, I want you to find who did this to her!!"

Napapitlag ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Gene. Kaagad akong napalingon sa kanilang direksyon at sakto namang nalipat ang kanyang paningin sa akin. Kita ko ang agarang pamimilog ng mata nito, worry and anxiety in them.

"Oh, Aya!" Mabibilis na mga hakbang ang ginawa nito. He immediately went to his knees and quickly put me in a tight embrace, "My Aya! My beautiful daughter!" Usal pa nito with overly-concerned tone.

Kaagad niya akong binitawanan pero ikinulong niya naman ang mukha ko sa kanyang mga palad. His, again, overly-concerned eyes were roaming around my face like he was looking for something in it. Agad naman akong ngumuso sabay kunot ng noo as I eyed him with irritation.

"Thank God at hindi naman nagalusan ang maganda mong mukha! You're still so beautiful, my beautiful daughter!" Sabi nito bago ako hinilang muli for another bone-crashing embrace.

"Ano ba, Gene, let go of me! Can't... breathe..." Hirap kong usal sabay palo sa kanyang braso.

"Oh, sorry..." Kaagad naman siyang bumitiw. Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya habang hinihimas ang naipit kong leeg.

"Ikaw yata ang papatay sa akin, eh," sabi ko sa kanya na kaagad namang ngumuso at nagsimulang mag-puppy eyes.

"Pasensiya ka na, my beautiful daughter. Can I help it kung ganito kaganda ang anak ko?" At pinisil pa nito ang magkabila kong pisngi. Agad ko naman iyong pinaalis nang di binibitawan ang matalim kong pagtitig.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon