Kabanata 10

2.3K 86 2
                                    

KABANATA 10



"Walang nagsasabing madali ang buhay. In fact, napakahirap mabuhay. We are surrounded by people who were born completely different from us. Iba't iba ang ating mga pananaw, mga paniniwala at mga ipinaglalaban sa buhay. Living guarantees us a lifetime loaded of struggles, disappointments, betrayals, sadness, frustrations, anger and all those sorts that will surely make us want to just quit breathing."

"But let's not forget that only by living can we also find the hope to have a better fate and the chance to be happy. Whether you like to admit it or not, we are nothing but just some speck of dust in the universe looking for that tiny thing we call happiness. Eto lang ang gusto kong ipangako mo sa akin. Promise me that in every situation that comes your way, choose to be happy. Please. Find happiness even in the darkest hour of your life."

"I want you to smile. I want you to laugh. I want you to see that life can offer you better things than what you have to put up till now. I want you to be happy, princess, because if you are, then I am."

I stared at the unfinished painting on my ceiling. Kakamulat ko lang ng mata pagkatapos maalala ang mga sinabi ni Rekka sa akin noon. Ramdam ko ang pagtakas ng isang butil ng luha sa gilid ng aking mata. Kaagad akong naupo mula sa pagkakahiga at mabilis na pinunasan iyon.

It's been so long since I've dreamt of him. In my dreams, I could see those black orbs again looking straight at me. He had that sad smile on his lips as he clearly delivered those lines. I knew he was true and that his heart was sincere but I chose not to listen. I chose not to believe. And I broke him.

Pikit-mata akong humugot nang isang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Matapos noon ay muli kong inilibot ang paningin sa aking silid. Kitang-kita ko na ngayon ang arrangement nito. Kulay puti rin ito gaya noong nasa main house. Nagsisilbing palamuti iyong mga nakasabit na iba't ibang hugis na mga frames ng mga larawang kuha niya. Nakahilira naman sa isang banda iyong mga canvasses ng mga paintings ko. May isang lamesang nakalagay malapit sa bintanang pinagtalunan ko kagabi.

Napansin kong may mga maliliit na picture frames na nakapatong doon. Curious, I stood up and went to check them out. They were pictures of me in the same angle but printed in different colors. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga ito. Bakit kailangan pa niyang i-printa sa iba't ibang kulay ang isang shot ng larawan ko?

Dadampot na sana ako ng isa nang biglang may kumatok sa pinto. Napalingon naman ako sa direksyon nito.

"Good morning, my precious, beautiful daughter!"

Nakatanaw lang ako sa nakangising mukha ni Gene matapos nitong buksan ang pinto nang walang pahintulot. Ramdam ko na ang papakunot ng aking noo nang maalala ko ang aking panaginip.

"I want you to smile." And so I did.

"Good morning!"

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata nito sa ipinakita kong kagalakan. Bago pa siya makapagsalita ay lumapit na ako at inunahan ko na siya.

"What's for breakfast? Gising na ba iyong mga kambal?" Sabi ko bago siya nilagpasan para makalabas na.

"Uh..."

Nagkakamot na siya ng kanyang batok nang muli ko siyang nilingon. Bakas ang pagdadalawang isip sa mukha nito.

"Nasa baba na si Milo at hinihintay ka. Tumawag si Kyo." Tumaas ang kilay ko sa narinig.

Is he starting his evil plans this early in the morning?

"Sabi nito sa manggahan na daw kayo mag-agahan para diretso na sa shooting range pagkatapos."

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon