Kabanata 44

1.6K 70 9
                                    

KABANATA 44



Hinatid ako ni Reign sa bahay mga ilang oras pagkatapos naming kumain ng agahan. Bumungad sa amin ang nakahalukipkip na anyo ni Kuya Milo. Nakatayo ito sa harap ng aming gate at magkasalubong ang kilay.

Ilang oras na pangaral ang natanggap namin mula sa aking kasambahay. Hindi ko siya masisi kasi alam kong may kasalanan talaga ako. Maging si Reign ay tahimik lang at nakinig sa mga pangaral nito.

I was thankful that when Gene called earlier that morning, Kuya Milo was kind enough not to tell him that I was missing. I could only imagine how my adopted father would react if he knew the truth.

Sa huli, nangako kaming dalawa ni Reign na hindi na uulitin ang pag-alis ng hindi nagpapaalam.

Nang makaalis na ang aming bisita, akala ko ay may idadagdag pa si Kuya Milo. Huwag niyong kakalimutang babae pa rin kayo, was what he told me before. I thought maybe he would reprimand me further and put emphasis on his concern. Pero isang marahang tapik lang sa ulo ang ginawad nito bago ako pinaakyat sa kwarto para pagpahingahin.

Ilang buwan ang nagdaan at unti-unting bumalik ang sigla ng karera ni Gene bilang abogado. Nang ipinanalo nila ang kaso noong naunang kompanya, sunud-sunod na ang buhos ng kanilang mga kliyente.

I was relieved when he shared that he's been in touch with Mimi and the twins. I wanted to ask if they're going to get back together but decided against it. He was so cheerful, I didn't want to ruin his day if it wasn't the case.

After completing the requirements for my enrollment at Brown University for a Business Administration degree, the days went by like usual. I would hang out with Reign and the gang in the afternoon, then help Kuya Milo with the household chores. Pero matapos ang buwan ng Pebrero, pakiramdam ko ay parang may laging nakamasid sa akin.

"Kuya Milo, sa may dalampasigan po ako, a?" Paalam ko isang linggo matapos kaming magsimba at minamaneho na nito ang aming sasakyan.

Panandalian akong sinilip ni Kuya Milo gamit ang rearview mirror.

"Parang araw-araw na yata kayong pumupunta roon, Lady Aya..." Utas nito.

"Wala naman po kaming ginagawang masama, Kuya. Nakikipagkwentuhan lang naman ako sa kanila. Minsan nakiki-jamming din sa banda. Minsan naman nakikipaglaro ng basketball," sagot ko rito habang tinututok ang aircon dahil kanina pa tumutulo ang pawis ko sa sobrang init sa labas. April na kasi, simula na ng summer.

"Oo nga't walang masama roon. Pero huwag niyo lang pong kakalimutan..."

"... na babae ako. I know, Kuya Milo. Araw-araw po ako naliligo at nakikita ang sarili. Babaeng-babae po ako. Pero lagi naman po akong nag-iingat," sagot ko rito.

"Mabuti po kung ganoon," he paused as he glanced at the mirror again. He looked like he wanted to say something to me but was having second thoughts.

"Ano po iyon, Kuya?"

"A, wala po," he blinked as he returned his eyes on the road. But then, every now and then, he would glance back up on his mirror.

"Really, Kuya, sabihin niyo na po kung ano iyong nasa isip niyo. Baka magkasakit pa kayo niyan kapag hindi niyo nasabi," I said after a while, nang hindi ko na natiis pa ang kanyang ginagawang pagsulyap.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon