Kabanata 23

1.6K 66 3
                                    

KABANATA 23





Nakataas ang dalawa kong kamay habang nakayakap sa akin ang leader ng Dragons. Hindi ko alam kung saan sila ilalagay: kung ipupulupot ko rin ba ang mga ito sa kanyang katawan o hahayaan lang sa aking tabi? Pero pinakawalan na ako nito bago pa man ako makapagdesisyon. Magkasalubong ang mga kilay at pulang-pula ang mukha nitong bumungad sa akin.

"Anong pumasok sa kokote mo't sumigaw ka nang ganoon kanina when I specifically instructed you to hide?!" Halos mapatalon ako nang biglaan nitong isinandal sa dingding na nasa aking likuran ang kaliwang kamay, blocking my way to where the others were.

"Ah..." Tangi kong sagot habang inaayos pa ang pag-iisip.

"Sinabi ko na sa iyong huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi, 'di ba?! Ba't ba ang tigas ng ulo mo?!"

Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa lapit namin sa isa't isa. Doon ko mas nakita ang mga ebidensiya ng kanyang pakikipaglaban kanina: mga gasgas sa kaliwa nitong pisngi buhat ng paghampas ng shinai, namumula na rin ang parte kung saan siya nasipa, at punung-puno rin ng mga pasa at galos ang mga balikat.

"Ian!"

"Ha?" Ibinalik ko sa kanyang mukha ang aking paningin. Tila mas lalong umalab ang galit dito.

"Hindi ka kasi nakikinig! Nasasayang lang ang laway ko kasi binabalewala mo rin naman ang lahat!"

"Bakit ka ba galit sa akin? As far as I know, wala akong ginawang masama," sagot ko sa wakas. Ginulo nito ang sariling buhok sa inis pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy, "Tinulungan pa nga kitang—"

Muli itong lumapit para magpantay ang aming mga mukha. Namumula ang kanyang mga tainga pababa hanggang sa dibdib.

"Sa tingin mo hindi ko kayang talunin ang gagong iyon nang walang tulong mo?!"

Lalo pa itong lumapit kaya napaatras naman ako hanggang sa lumapat na ang likod ko sa pader. He was repeatedly tensing and un-tensing his jaw while breathing heavily hinting that my previous decision frustrated him so much.

"Look, I was only trying to hel—"

"Help?! Hindi ba't sinabi ko ng hindi mo kailangang gawin iyon?! Dahil sa ginawa mo, inilagay mo sa alanganin ang posisyon niyo! Hindi mo man lang ba naisip na sugatan si Jepoy at hindi ka niya maiiligtas kung may biglang umatake sa inyo?!" Umatras din ito bago sinabutan ang sarili.

He paced back and forth while muttering some string of curses. Nakasimangot ko siyang pinagmasdan habang ginagawa ito.

"But even if they've attacked us, there should be no problem because I know how to fight! Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa iyo iyon?"

Tumigil siya sa narinig at marahas akong nilingon. Matalim na paningin ang ipinukol nito sa akin.

"At ilang beses ko ring sasabihin sa iyo na hindi mo kailangang gawin iyon!" Sigaw nito, "Sapat nang ako ang haharap sa kanila. Matuto kang makinig nang hindi ka mapahamak!"

"I can't just sit around and do nothing when I know I can help. Katulad noong kanina—"

"Puta!" He cursed as he paced back and forth. But I stood my ground and finished what I have to say.

"Kung hindi ko iyon ginawa napahamak ka na sana!"

"Matagal ko na silang nakakalaban, sa tingin mo hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong gawin?!" Muli pa nitong sinabunotan ang sarili, "Planado ko na ang lahat, bata, tapos bigla ka na lang sumigaw!" Ilan pang mura ang pinakawalan nito.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon