Kabanata 35

1.6K 69 2
                                    

KABANATA 35




Nasa manggahan kaming lahat kasi birthday ni Cecilia. Lunes ngayon at hindi masyadong marami ang taong pumupunta para mamili ng mga mangga at mga souvenir items. Pinahintulutan naman kami ng management na kumuha ng puwesto sa pinakadulo ng farm para hindi makaisturbo sa mga tao.

Nagdala ng iba't ibang mga putahe ang polboron boys at inilatag ang mga ito sa isang mahabang lamesa. May dala rin akong mga pagkain para ibahagi sa aming salu-salo.

"Uy, liempo ba iyan, 'Yan?" Sambit ni Jepoy nang inilapag ko sa mesa iyong dalawang kilong liempong nabili ko sa bayan.

Tumango ako rito bago ko inilapag ang isa namang malaking kahon.

"OMG, Ian! Binilhan mo ako ng cake?" Tuwang-tuwang sabi ni Cecilia bago ako niyapos nang mahigpit, "Thank you, Ian! Ang saya-saya ko! Thank you!" She exclaimed as she pressed me more to her body.

"Cel, ano na naman ba iyan?!" Tila kulog na dumagundong ang boses ng kanilang leader.

"Sus! Birthday ko ngayon, 'no! May karapatan akong yumakap kay Ian kahit magdamag pa!" Bulalas nito nang hindi ako binibitawan.

"Anong--" Natigil siya nang magtagpo ang aming mga paningin. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin at umupo na lamang sa pinakamalayong dulo ng bench.

"Ang sweet, sweet mo talaga, Ian!" Sabi pa ni Cecilia sabay kurot nito sa aking pisngi.

"Naku, Cel, basted ka na riyan kay Ian," biglang sabi ni Jepoy na hinahanda na ang mga paper plates at plastic na spoons and forks.

"Anong basted, Jep?"

"Nakareserba na kasi siya sa iba," gatong pa ni Kaloy sabay apir nito sa kaibigang bumubungisngis.

Mabilis ko silang tinapunan nang masamang tingin pero hindi naman ito natinag.

"Anong nakareserba?" Pagtataka ni Kulas na manaka-nakang sinisilip iyong isang taong kanina pa nakabusangot ang mukha.

"Anong ibig nilang sabihin, Yan?" Naguguluhang tanong ni Cecilia.

"Uh..."

"Kasi may Arianne na siya! Ayieee!" Sabat naman ni Mikoy at sumabay pa ang iba sa panunukso.

"Sinong Arianne?" Tanong ni Cecilia na nakataas ang isang kilay.

"Ang gandang babae, Cel!"

"Umaalon-alon ang buhok hanggang beywang!"

"Ang kinis ng balat!"

"Mala-anghel iyong mukha!"

Sunud-sunod na sabi ng polboron boys habang sinasabayan pa nila ng eksahiradang mga galaw.

"Wala kang panama sa Arianne na iyon, Cel, kaya kung ako sa iyo, sumuko ka na lang!" Asar pa ni Jepoy dito.

"Totoo ba iyon, Yan?" Gustong ngumisi ni Kulas pero may pag-aalangan itong sumusulyap doon sa pinakadulo ng upuan.

Kumunot ang noo ko sa inasta nito. Bakit ko kailangan ng permiso ng taong iyon para lang magkagusto sa isang tao?

"Sino siya, Ian? Girlfriend mo?" Tanong ni Cecilia na lumayo saglit para matitigan ako.

Hindi ako nakasagot. Ano naman ang isasagot ko? Hindi ko naman maamin dito na ako at si Arianne ay iisa lang.

"Uy!!!" Muli na namang nagsimula ang tuksuhan.

"Kaya ba pumunta ka ng siyudad kahapon, Ian? Nagkita kayo ni Arianne?" Tumaas-baba pa ang kilay ni Nonoy habang tinatanong sa akin iyon.

"Kailan mo siya ipapasyal dito? Ipakilala mo naman sa amin. Ang damot talaga nito," sabi pa ni Mikoy.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon